-------------------------------
~•Heartbreak•~
-------------------------------
*DAEMON'S POV*
"Bro, alam mo na ba ang balita?" tanong sa'kin ni Clifford na abala sa paggamit ng kanyang facebook.
May special tour kami ngayon ng basketball team sa buong Tagaytay na isa sa mga reward sa pagkapanalo namin noong nakaraang sports fest. Gusto ko sana isama yung alalay ko kaso 'wag nalang, tutal magkikita din naman kami mamaya. Sana makapunta siya, para masabi ko sakanya ang matagal ko nang gusto sabihin at kung ano man 'yon, mamaya niyo malalaman.
"Anong balita?" balik ko sa tanong niya.
Hindi niya agad ako sinagot, binigyan niya lang ako ng seryosong tingin na para bang may gusto siyang sabihin sa'kin pero nag-aalangan lang siya.
"Nakabalik na si Sera," mahinahong sabi niya.
Parang biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko sa sinabi ni Clifford sa'kin. Hindi kaagad ako nakapag-salita, parang nanuyo ang lalamunan ko.
"Si Sera,"
Nakabalik na siya.
"Kadadating niya lang kahapon at balita ko babalik narin daw siya pag-aaral."
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago ko ibinalik sa wisyo ang sarili ko na ilang minuto rin sigurong nawala. Sobra lang akong nabigla sa ibinalita sa'kin ni Clifford.
Sino ba si Sera? At ano ang papel niya sa buhay ko? Isang mahabang kuwento ang mangyayari kung sasabihin ko kung sino siya sa buhay ko basta ang masasabi ko lang, minsan siyang naging parte ng buhay ko at ngayo'y isa na lamang bahagi ng aking nakaraan.
Matagal siyang nawala at matagal ko narin siyang kinalimutan. Wala nang dahilan pa para maramdaman ko ito dahil malinaw na wala na akong nararamdaman sakanya.
"A-ano ngayon? Mabuti kung bumalik na siya," wika ko na umaktong parang walang pakialam sa narinig ko.
Nabigla naman si Clifford sa sinabi ko. "That's it! There's no crying moment? There's no drama? Parang no---"
"Clifford, stop! I don't wanna hear more things about her," mukhang naintindihan niya naman kung ano ang gusto ko mangyari kaya hindi na siya nagsalita pa.
"Okay! I'll zip my mouth." sambit niya.
Iginawi ko ang tingin ko sa malayo.
Tinapos na namin ang lahat ng kahitanong namamagitan sa'min ni Sera. Kinalimutan ko na ang lahat ng masasakit na alaalang napagdaanan namin maging ang masasaya kung 'yon ang kinakailangan para matapos na ang lahat. Ngayon, alam kong nakalimot narin siya, masaya na siya ngayon sa bago niyang buhay at ganun din ako.
Kung bumalik man siya at muli kaming magtagpo isang araw, maaring bumalik sa'kin ang lahat pero hindi ang pagmamahal ko sakanya dahil iba na ang nagmamay-ari nito.
*MARGA'S POV*
8:36 p.m
Hindi na ako mapakali sa swing na inuupuan ko lalo na nang tumingin ako wrist watch ng lalaking nakikipag-make out sa syota niya. Patingin-tingin pa sa'kin yung babae, akala niya siguro naiinggit ako sa kanila. May boyfriend din ako 'no, maghintay ka lang diyan, baka bigla mong iwan ang boyfriend mo kapag nakita mo yung akin.
Nandito na ako sa Sky Ranch gaya ng sinabi ni Gian sa sulat pero isang oras na ang nakalilipas hindi parin siya dumadating. Nasaan na kaya siya?
Nandito ako para katagpuin si Gian pero hindi ibig sabihin no'n hindi ko na sisiputin si Daemon. Alas-siyete ng gabi ang napag-usapan naming oras ni Gian at saktong alas-nuwebe naman ang itinakda sa'king oras ni Daemon kaya mayroon pa akong kaunting oras para puntahan siya sa Sonya's Secret Garden pagkatapos ng date namin ng baby ko kaso ang problema hindi parin siya dumadating hanggang ngayon. Nagdadalawang isip tuloy ako kung dadating pa ba siya o hindi.

BINABASA MO ANG
Possessively
Roman d'amourShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...