-------------------------------
~•No Home•~
-------------------------------
*MARGA'S POV*
"Sabihin mo sa'kin, Marga. Hindi ka naman buntis 'di ba?! sabihin mo sa'kin!" mahinahong tanong sa'kin ni Inay.
Nanginginig ang mga kamay ko habang kaharap ko siya. Nakasalang ako sa pagitan ng katotohanan at kasinungalingan. Nakadepende sa'kin kung saan ako tatakbo at kung ano ang tatakasan ko. Taimtim siyang nakatingin sa'kin habang naghihintay sa isasagot ko.
Malakas at mabilis ang kabog ng aking dibdib. Parang tambol. Dala ito ng pinagsamang kaba at takot. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sakanya o sa kung paano niya nalaman basta ang resulta nito ay panibago na namang problema. Hawak niya ang katotohanan, isasampal niya nalang sa'kin.
"Anak, hindi ka buntis. Sabihin mo sa aking hindi."
Yumuko ako at hinayaang bumulusok ang luha sa mga mata ko. Yinakap ko ang sarili ko pababa sa aking tiyan. Hindi ko na kayang maglihim pa sa kanila. Ayoko silang gawing tanga samantalang ang lahat ay alam na ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi pa sana ito ang oras pero katotohanan na mismo ang kumakatok sa bibig ko.
"Sorry, Inay. Patawarin niyo ako, sorry."
Napatakip si Inay sa kanyang bibig dahil sa sobrang pagkabigla. Nanlalaki ang dalawang mata niya habang nakatingin sa'kin.
"Paa--, buntis ka! BUNTIS KA!!!"
Tanging pagtango lang ang naisagot ko sakanya. Pinangunahan na ako ng aking mga luha.
"BAKIT MO HINAYAANG MANGYARI 'TO!!?!! BAKIT?!!!" sigaw ni Inay sa sobrang galit.
Sinampal niya ako, sinabunutan at hinampas ng ilang ulit. "BAKIT, MARGA?!! BAKIT MO NAGAWA 'TO?! ANG TANGA-TANGA MO!!! BAKIT KA NAGPABUNTIS?!! BAKIT?!!!"
Patuloy siya sa pananakit sa'kin pero wala akong ginawa na kahitano. Siguro ay ganito rin ang magagawa ko kapag nalaman kong nabuntis ng wala sa oras ang nag-iisa kong anak na babae. I deserved all of these. No words can describe me except for being stupid.
"ANG DAMI KO PANG MGA PANGARAP SAYO!!! AT ANG BATA-BATA MO PA PARA MABUNTIS!!! HINDI KO INAKALANG MAGAGAWA MO SA'KIN 'TO, MARGA!!!"
Pakiramdam ko'y kulang pa ang mga sampal at sabunot sa'kin ni Inay. Sinaktan ko ang sarili kong ina at para sa'kin ay isa iyong walang kapatawarang kasalanan.
"SINAYANG MO ANG LAHAT NG PAGHIHIRAP KO SA'YO!!! HINDI MO LANG BA AKO INISIP?! MARAMI AKONG ISINAKRIPISYO PARA LANG MAKAPAG-ARAL KA, MAGHAPON AKONG NAGMAMASA NG TINAPAY PARA LANG MAY MAIBIGAY AKONG PERA SAYO TAPOS GANITO LANG ANG GAGAWIN MO!!! MAGPAPABUNTIS KA LANG!!! PARA MO NARIN AKONG PINATAY SA SARILI KONG PATALIM E."
Ang tingin ko ngayon sa sarili ko ay ako ang pinakamasamang anak sa lahat. Dinaig ko pa si Clint dahil siya pwede niya pang maitama ang mga pagkakamali niya pero ako hindi na.
"MAGSALITA KA!!! PAANO MO NAGAWANG ILIHIM SA'KIN 'TO?!!!"
"Patawad po, Inay. Patawarin niyo ako," ito lang ang mga salitang kaya kong ibigay. Humihingi ako ng patawad kahit na alam kong hindi niya pa kayang ibigay sa'kin 'yon ngayon.
"AT KAILAN MO PA BALAK SABIHIN SA'KIN ITO?!! KAPAG TULUYAN NANG LUMOBO ANG TIYAN MO?!?"
Sa sobrang panlulumo ay napaupo si Inay sa sahig. Napahilamos siya sakanyang mukha at sinabunutan ang kanyang buhok. Nilapitan naman siya ni Clint upang pakalmahin.

BINABASA MO ANG
Possessively
Любовные романыShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...