--------------------------------
~•Substitute•~
--------------------------------
*MARGA'S POV*
Ilang oras na akong naghihintay dito sa loob ng lumang library building, matiyagang naghihintay sa pagdating ni Gian. Nakasilip ako sa bintana habang tinatanaw ang kalangitan. Nagbabadya ang ulan. Limang oras na paghihintay, sapat na 'yon para lisanin ko ang lugar na 'to pero hindi parin ako umaalis dahil umaasa parin ako na darating si Gian. Baka magkasalisi kami kapag umalis ako, ayokong maghintay siya tulad ng paghihintay ko sakanya. Nandito narin naman ako kaya maghihintay pa ako, baka parating narin siya.
Last practice na namin 'to bago ang final performance namin. Ayos naman na ang lahat, nabuo na namin ang sayaw at kailangan nalang i-polish. Pinilit kong ngumiti at nag-imbak ng mahaba-habang pasensya sa pamamagitan ng isang buntong hininga.
"Relax lang, Marga! Dadating din 'yon." sabi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa pintuan.
Ngayong araw ang first day ng best of three finals, nakapasok ang Black Panthers sa finals at ngayo'y kakalabanin nila ang basketball team ng Jansen University. Nagkaayos na kami ni Daemon, sinabihan niya pa nga ako na pumunta sa game pero tumanggi ako dahil dito. Walang siyang sinabi, hindi ko alam kung galit na naman ba siya o hindi. Inaamin ko na giguilty ako, si Gian lagi ang inuuna ko kaysa sakanya kaya hindi ko rin siya masisisi kung minsan ay hindi maganda ang pakikitungo niya sa'kin. Babawi nalang ako sakanya, sa last game nila siguradong pupunta ako.
Lumipas ang mga oras, nabilang ko na yata lahat ng mga dumaang kulog at kidlat sa mga oras na naghihintay ako sa pagdating ni Gian pero wala parin siya. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Siguro dahil alam ko sa sarili kong hindi na siya dadating pero umaasa parin ako kahit malabong hindi na.
Gumuhit ang kapirasong luha sa mukha ko na agad ko namang pinunasan. Ang sakit palang maghintay sa wala 'no.
Kung alam ko lang na hindi siya dadating sana pumunta nalang ako sa Game nila Daemon. Gumawa pa naman ako ng banner para sakanya bilang pagsuporta pero nakalimutan ko ito ibigay kila Vixen at Nomi kanina. Baka hindi pa tapos ang game, pupunta nalang ako do'n baka sakaling makaabot pa ako. Si Gian, mukhang hindi na siya dadating pero hindi ako nagagalit sakanya dahil siguradong mayroong dahilan kung bakit hindi siya nakapunta ngayon. Alam ko na sa araw ng final performance namin dadating siya, doon nalang siya bumawi sa'kin pero sa ngayon, babawi muna ako kay Daemon.
Lumabas ako ng library building, hindi parin tumitila ang ulan. Tumingala ako at pinagmasdan ang bawat pagbagsak ng mga butil nito. Wala akong dalang payong o kahit anong panangga sa ulan pero gusto ko umabot sa game kaya sinuong ko ang ulan. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to pero ano ba naman 'to sa mahabang oras na naghintay ako.
Tapos na ang game nang makarating ako sa court, huminto narin ang ulan. Sumisilim na at wala nang masyadong tao. Mukhang katatapos lang ng game pero tumuloy parin ako sa loob dahil baka nandun pa sila Nomi at Vixen. Parang naririnig ko kasi ang mga boses nila na nagtatawanan sa loob ng court, hindi naman ako nagkamali dahil nang makapasok ako ay nakita ko silang nakaupo sa bleachers kasama ang basketball team habang nagmemeryenda.
"Hi, guise!" kinuha ko ang atensyon nila, tumingin naman sila sa'kin at sabay na nagtaka nang makita nila ang itsura ko. Basang-basa kasi ako, para tuloy akong basang sisiw.
"O Marga, tapos na practice niyo?" pambungad na tanong sa'kin ni Vixen. Tumango ako sakanya at pilit na ngumiti.
"Teka, bakit basa ka? Sa pagkakaalam ko sayaw ang pinapractice niyo hindi swimming." Nomi.
BINABASA MO ANG
Possessively
RomantikShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...
