Chapter 22

251 8 1
                                    

--------------------------
~•Rivalry•~
--------------------------




*MARGA'S POV*




Nang magtanghalian, nag-sponsor ng boodle fight ang camp na tinutuluyan namin. Magkakasama kami sa iisang lamesa nila Nomi, Vixen at Daemon na hindi ko alam kung bakit nakikipagsiksikan sa'min e mayroon naman silang sariling lamesa ng mga ka-team niya.

"Bakit nandito ka?!" nakasimangot na tanong ko sakanya.

"Gusto ko e, may problema ka?!" balik niya.

"Oo, malaki!" habang nasa tabi ko siya hinding-hindi matatahimik ang buhay ko.

"Uy, mahilig ka pala sa malaki, malaki 'tong akin gusto mo makita?!" kita niyo na. Gusto kong damputin 'tong inihaw na bangus at ipasok sa bibig niya.

"Kalma ka lang, bakla. Haha!" natatawang sabi ni Nomi sa'kin. Bakit ba enjoy na enjoy silang kasama ang manyakis na 'to? Kung tutuusin mas maganda pang kasama si Gian kaysa sakanya na puro kamanyakan lang ang nalalaman.

"Marga," nahinto ako sa pagnguya ng pagkain nang marinig ko si Gian na tinawag ang pangalan ko.

"Ghihshs!" hindi ako makapagsalita ng maayos sa dami ng laman ng bibig ko.

"Haha!" he laughed.

Shems! Nakakahiya. Nilunok ko muna ang lahat ng pagkain sa bibig ko bago ko siya muling kinausap. "G-Gian, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"Uhm, I just wanna asked if pwede akong sumabay sa inyo?"

"Sorry pero masyado na kaming marami dito, hind---" agad kong pinigilan si Nomi sa pagsasalita.

"Umayos ka nga, Nomi. Nakikipag-usap siya ng maayos sa'tin," bulong ko sakanya.

"Bakit hindi nalang siya sa ibang table makisabay? He's not welcome here," Nomi.

"Nomi naman, pagbigyan niyo na 'ko. Minsan lang 'to."

"O sha, bahala ka pero ikaw na rin ang bahala dun o," ngumuso siya kay Daemon na bigla nalang nag-iba ang mood sa pagdating ni Gian.

"Hayaan mo 'yan. Sampid lang din naman siya dito kaya wala siyang karapatan magreklamo."

Muli kong binalikan si Gian para sabihing okay lang na makisabay siya sa'min.

"Okay lang kung hindi pwede, sa ibang table nalang siguro ako makiki-share," aalis na sana siya pero agad ko siyang pinigilan.

"Wait, Gian. D-dito ka nalang kumain, welcome na welcome ka dito, 'di ba?" nilakihan ko sila ng mata para sabihing makisakay nalang sila, hindi sila sumagot bagkos ay ngumiti nalang sila ng peke. "Tamang-tama, magsisimula palang kami."

"Umepal na naman," patay malisyang wika ni Daemon.

"Okay lang ba?!" Gian.

"Oo naman, dito ka sa tabi ko."

Pumunta naman siya sa tabi ko. Kasya naman talaga kami dito sa lamesa, ayaw lang talaga ng mga kasama ko na makasabay itong si Gian pero kapag kay Daemon gustong-gusto nila. Bali ang posisyon namin ngayon, nasa kanan ko si Nomi, ako sa gitna at si Gian naman ang nasa kaliwa, kaharap namin sila Vixen at Daemon na silang magkatabi sa kabilang side ng lamesa.

Kalaunan ay nagpatuloy narin kami sa pagkain, medyo nagdadahan-dahan ako sa pagsubo ng pagkain dahil ayokong isipin ni Gian na patay gutom ako. Si Daemon nga nagtataka sa ikinikilos ko dahil alam niyang hindi naman talaga ako ganito kumain.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon