Chapter 9

345 27 0
                                    

--------------------------------------------
~•Last Will Testament•~
--------------------------------------------



*GIAN'S POV*




Kasalukuyan akong nasa isang party nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Charles. "Gian! You need to go to the hospital, inatake na naman si Lolo." parang biglang nawala ang kalasingan ko dahil sa narinig ko mula kay Charles. Dali-dali akong umalis sa party at sumakay sa kotse ko. Hindi na ako nakapagpaalam kila Frivo at Gab sa sobrang pagkaaligaga.

Mayroong high blood pressure si Lolo at noong nakaraang inatake siya ay na-diagnosed naman siya na may heart enlargement. This is the second time we brought him to the hospital and the doctors told us that it would be very dangerous for him on its second attack.

Maliban kay Mom at Charles, si Lolo nalang ang mayroon ako. Yes, madalas niya akong sermunan at pagalitan but I never hated him for that. I love him and I know he loved me too, as well as Charles.

Mabilis akong nakarating sa St.Lourdes Hospital, hindi ko alam kung paano ko nalusutan ang matinding traffic, basta ginawa ko ang lahat para makarating agad dito. Pagkadating ko sa ospital ay agad akong sinalubong ni Charles. I immediately saw the sadness in his face.

"Gian," his voice was so devastated. Bukod sa'kin, alam kong siya ang mas pinakanaaapektuhan sa nangyari kay Lolo. Si Lolo ang tumayong ama niya nang maulila siya sa ama at ina kaya ganun nalang siya kalapit dito.

"Where is he?" my voice was soft and weak. Kinakabahan ako para kay Lolo, ayokong nakikita siyang nahihirapan.

Ipinikit niya ang mga mata niya at pilit na pinigilan sa pagtulo ang kanyang mga luha. Kita ko kung gaano siya sobrang nahihirapan sa mga oras na 'to. Linapitan ko siya at tinapik ang kanyang likod. "It's okay, magiging ayos din ang kalagayan ni Lolo." sabi ko sakanya.

Nang dumating ang doctor ay pumasok narin kami sa unit kung saan naka-confine si Lolo. Nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed, noong una akala ko natutulog siya pero nang maramdaman niya ang presensya ng mga tao sa paligid niya'y liningon niya kami. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha.

"Tanda!" tawag ko sakanya na may halong pag-aalala. Mabilis ko siyang linapitan at yinakap. Lumapit din si Charles at umupo naman sa bandang uluhan nito.

"Hindi ba sabi ko 'wag ka na babalik dito. Hindi niyo na naman ininom ang maintenance niyo 'no? O baka tumira na naman kayo ng karne?" sermon ko sakanya habang pilit na pinipigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Ayokong umiiyak sa harapan ni Lolo dahil lagi niya akong sinasabihang bakla kapag nakikita niya akong umiiyak. "Sabi ko naman sa inyo alagaan niyo ang sarili niyo, tanda e." hindi ko na napigilan pa't tuluyan nang kumawala ang mga luha ko.

I heard him chuckles. "Babae lang ang tinitira ko, haha." biro niya. Ngayon alam niyo kung saan ako nagmana sa pagiging babaero.

"Tanda naman e! Inatake na nga kayo, may gana pa kayong magbiro diyan."

'Plok'

Isang malakas na hampas ang dumapo sa ulo ko. Parang nayanig ang utak ko sa lakas no'n. Nag-angat ako ng tingin sakanya dahil siya lang ang kilala kong may lakas ng loob na sapukin ako ng ubod ng lakas.

"Ano ba'ng problema mo, tanda!? Hindi mo ba nakikita na sobrang nagaalala ako sayo ngayon tapos sasapukin mo lang ako?" inis na turan ko sakanya habang hinihimas ang ulo ko pero hindi pa ako nakakarecover sa paunang sapok niya'y muli itong nasundan ng isa pa.

"Array, puta!!!" daing ko.

"'Wag mo kasi siyang tatawagin na tanda, hindi ba ayaw niya tinatawag siyang matan---" hindi pa tapos si Charles na magsalita ay siya naman ang sunod na hinampas ni Lolo sa ulo. Napakabarumbado talaga nitong matandang 'to. Kami na nga 'tong nagaalala sakanya tapos kami pa ang sasalubungan niya ng masasakit at malulutong na kutos sa ulo, tsk.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon