-------------------------------------
~•New Friend•~
-------------------------------------
*VIXEN'S POV*
"Bakit may iba nang dinedate si Franz, break na ba sila ni Aira?" tanong sa'kin ni Nomi habang naglalakad kami papasok ng school.
"Hindi ko alam pero parang wala na nga sila kasi nga 'di ba, nahuli ni Aira si Franz na may ka-choogie sa conference hall."
"Ganun ba! Fuck boy din pala 'tong si Franz, mga lalaki talaga."
"Hayaan nalang natin sila, yun ang gusto nila e. Siguradong babalik din sakanila ang mga ginagawa nila."
Nasa main gate na kami ng Gardanbelle nang magawi ang tingin ko sa kabilang side ng kalsada.
"Si Marga 'yon 'di ba?" sabi ko kay Nomi.
"Saan?!" tumingin siya sa direksyong itinuro ko. "Oo nga. Teka, si Sera ba yung kasama niya?"
Tinignan ko ng mabuti kung sino ang babaeng kasama ngayon ni Marga. Tama si Nomi, si Sera nga 'yon. "Tama nga ang balita, nakabalik na si Sera."
"Bakit kasama ni Marga si Sera? Magkakilala na sila?" tanong ulit ni Nomi. Sinundan namin siya ng tingin. Naglalakad sila palayo sa campus pero hindi ko alam kung saan sila papunta.
Nagkatinginan kami ni Nomi, pareho kaming plakda sa aming nakita at sa tingin ko'y pareho din kami ng iniisip. "Hindi maganda 'to," sabi naming dalawa.
*MARGA'S POV*
"Sera, mukhang mamahalin yata dito. E one-hundred pesos lang kasi ang budget ko," hawak ni Sera ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa sinasabi niyang coffee shop.
"Don't worry, Girl! Ako naman ang magbabayad," sabi niya.
"Paano ko masusuklian ang pagtulong mo sa'kin kahapon kung ikaw din naman pala ang magbabayad?"
"Nandito ka nga ngayon kasama ko at 'yon na ang pinakabayad mo sa'kin, wala naman akong ibang hinihingi sayo kundi ang samahan mo ako dito," tumango nalang ako at hindi na umalma pa. Hindi narin naman ako pwedeng tumanggi dahil nandito na kami, nakakahiya naman kung aatras pa ako.
Tumuloy kami sa loob ng coffee shop, pinapili niya ako ng lamesa samantalang siya ay pumunta sa counter para umorder ng kapeng iinumin namin. "Here's your coffee, ma'am!" nasa malayo ang tingin ko kaya hindi ko namalayan ang pagdating niya.
Inilagay ni Sera ang isang tasa ng cafe sa harap ko. "Naku, Sera. Ako na, nakakahiya naman."
"No, I can manage. Just seat there and relax." saad niya.
Ang bait niya talaga. Wala akong ibang masabi sakanya kundi maganda, mabait, matulungin at mukhang mayaman din. Sana lahat ng nag-aaral sa Gardanbelle katulad niya pero sa kasamaang palad mabibilang lang sa mga daliri ko ang mababait.
"Salamat nga pala dito sa pa-kape mo hah. Sa susunod ikaw naman ang ililibre ko." sabi ko sakanya. Kakikilala ko palang sakanya ang dami niya agad naitulong sa'kin, nakakahiya naman kung hindi ko masusuklian 'di ba.
"Sure, aasahan ko 'yan." sabay kaming humigop ng kape, natawa pa kaming dalawa dahil sabay na sabay ang mga kilos namin.
"Bago ka lang ba dito sa Gardenbelle, Sera? Parang ngayon lang kasi kita nakita," bigla kong natanong. Gusto ko kasi siyang mas makilala pa.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...