Chapter 31

199 6 0
                                    

--------------------------------------
~•Nerd No More•~
--------------------------------------





*MARGA'S POV*




Bukas-sarado ang dalawang mata ko habang nakahiga ako sa isang malambot ngunit makipot na higaan. Gising na ang katawang lupa ko ngunit parang natutulog parin sa kangkungan ang diwa ko.

Nasaan ako?

Saan ako dinala ng mga kidnappers na dumukot sa'kin?

Buhay pa ba ako o patay na?

Nasa langit na ba ako o susunduin palang ni kamatayan?

Ilang saglit pa'y nakarinig ako ng mga yapak palapit sa kinauupuan ko. "Gising na siya," wika ng isang lalaki.

Biglang tumambad sa harapan ko ang grupo ng mga kalalakihan, nakapaikot sila sa'kin. Ang pogi nilang lahat. Mga anghel ba sila na ipinadala ng langit para sunduin ako?

'Heaven'

'Yan ang nakasulat sa mga damit nila. Siguro nga mga anghel sila. Kung mga anghel man sila, sige sasama na ako. Siguradong naghihintay naroon si Itay, sabik na akong muli siyang makasama.

Itinaas ko ang kamay ko upang buong loob na ipagkaloob sakanila ang buhay at kaluluwa ko. "Sige kunin niyo na ako. Dalin niyo na ako sa kaharian ng langit,"

"Anong nangyayari sakanya? Para siyang nagaaparisyon,"

"Nababaliw na yata. Naparami yata ang lagay mo ng gamot,"

"Huh!?! Hindi ahh, konti lang ang inilagay ko,"

"Nasaan na ba si Ms.Sera?"

"Sabi niya parating na daw siya e,"

Ano ba'ng pinagbubulungan nila? Pinagiisipan ba nila kung tatanggapin nila ako sa langit o hindi? Mabait naman ako ah, bagay ako do'n.

Lumipas ang ilang minuto nang biglang nagliwanag ang buong silid dala ng pagbukas ng pinto. Ito na siguro ang pintuan ng langit.

"Tapos na ba?!" boses ng isang babae. Teka, bakit babae?! Hindi ba dapat si San Pedro at ang manok niya ang sasalubong sa'kin? Aah, baka nagsabong siya ngayon kaya itong babaeng anghel ang pumalit.

"Yes po, Ms.Sera?!"

"Mabuti! Pwede ko bang makita?"

"Sure!"

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko sa isa sa mga anghel na binanggit ang pangalan ni Sera. Kilala nila si Sera? Humaygad! Hindi kaya patay narin si Sera.

"Tumayo ka," nakangiting utos sa'kin ng isa sa mga anghel. In fairness maganda ang kilay ng isang 'to pero bakit parang naka-blush on siya? Haiist! Ano ba'ng pakialam ko?

Gaya ng sinabi niya'y tumayo ako mula sa kinahihigaan ko. Dumistansya ang mga anghel sa'kin upang bigyang daan ang taong nakatayo sa bukana ng pinto. Hindi ko agad siya makita dahil masyadong maliwanag sa labas ng silid ngunit nang maka-adjust ang mata ko'y unti-unti kong nakita ang babaeng nakatayo sa harap ko.

"Sera?!" pangalan niya agad ang nabanggit ko nang makita ko siyang nakatingin at nakangiti pa sa'kin.

Bakit siya? I mean anong ginagawa niya dito?

"Magaling! Nagawa niyo ng mahusay ang pinagagawa ko sa inyo," sabi niya sa mga anghel sa paligid ko. Huli na nang maisip kong hindi naman pala mga anghel ang kasama ko dito dahil wala naman silang mga pakpak.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon