---------------------------
~•Mission•~
---------------------------
*GIAN'S POV*
'Kung hindi rin siya mapupunta sa'kin, sisiguraduhin kong hinding-hindi rin siya mapupunta sayo. Hindi ko hahayaang makita kayong masaya habang ako nagdudusa.'
'Hindi ba malinaw ang sinabi sayo ni Sera? Ayaw mo parin bang maniwala sa mga nakikita mo? Ako ang mahal ni Sera, mahal ko siya at nagmamahalan kaming dalawa. Bakit hindi mo nalang kami hayaang maging masaya?'
'Sinungaling ka, Daemon. Pinagkatiwalaan kita at itinuring na parang kapatid, lahat ng mayroon ako ibinibigay ko sayo tapos ganito pa ang isusukli mo sa'kin.'
'Ganun din naman ako, Gian. Lahat ng mayroon ako ibinibigay ko rin sayo, walang bagay na hindi natin pinaghatian pero sa pagkakataong ito hindi tayo pwedeng maghati, hindi tayo pwedeng maghati sa iisang babae.'
'Kaya nga ipaubaya mo na siya sa'kin. Mahal ko siya at ipinapangako ko sayo na iingatan ko siya kahit na anong mangyari. Ibibigay ko ang lahat sakanya at gagawin ko ng mas higit pa ang lahat ng nagawa mo para sakanya.'
'Hindi, Gian. Hindi tayo ang magdidikta ng lahat. Namili na si Sera at alam natin na sa ating dalawa ako ang pinili niyang mahalin.'
Parang bigla akong nagising sa isang mapayapang bangungot nang biglang magsalita si Frivo. "Anong plano mo ngayon, Gian?! Are you going to continue your mission with Marga?" tanong niya sa'kin. Umiinom kami ngayon sa isang club malapit sa bahay, hindi kasi ako pwedeng ma-late ng uwi dahil nagtalo kami ni Mom kanina.
"Specially now that Sera came back," Gab added.
Lumaklak muna ako ng alak bago ko sinagot ang mga katanungan nila. Alam kong tatanungin nila 'yan sa'kin at matagal ko narin 'yang nasagot.
"Itutuloy ko parin ang plano pero hindi ibig sabihin kalilimutan ko na si Sera lalo na ngayon na kaunting panahon nalang makukuha ko na ang pakay ko kay Marga. Sisiguraduhin kong sa'kin din ang punta niya sa huli,"
Kapag natupad ang lahat ng plano ko, hindi lang anak ang makukuha ko ngunit pati narin si Sera. I'm like hitting two birds in one stone. Everything goes under my plan.
"E paano mangyayari 'yon? Balita ko nagkakamabutihan na ulit sila ni Daemon," humigpit ang aking pagkakahawak sa baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Gab. "Kung ako sayo, bro.....bilis-bilisan mo diyan sa misyon mo baka kasi mamaya maagaw ulit ni Daemon ang taong mahal mo," tumayo ako at kinuwelyuhan siya.
"HINDI MANGYAYARI 'YON!!! AKIN LANG SI SERA! AKIN LANG SIYA!!!" nagulat sila sa bigla kong ikinilos.
"Bro, tama na 'yan! Relax!" saad ni Frivo na pilit akong pinapahinahon. Unti-unti namang lumawag ang pagkakahawak ko sa kuwelyo ni Gab.
"Chill lang, bro. Kalma lang, masyadong mainit yang ulo mo." natatawang sabi ni Gab. Kumalma naman ang sitwasyon at muli kaming bumalik sa pag-inom ng alak.
"Sorry!" paghingi ko ng tawad sakanya sa pamamagitan ng pagkampayan ng aming mga baso. Hindi ko lang nagustuhan ang lumabas sa bibig niya. I'm optimistic. Hindi ako nag-iisip ng mga bagay na hindi umaayon sa kagustuhan ko.
"Hindi ko na hahayaang magsama sila ulit at kung mangyari man 'yon, gagawin ko ang lahat para muli silang paghiwalayin."
"'Wag mo sabihing panibagong gulo na naman ito," Frivo.
"Kung hindi aayon sa'kin ang lahat ng mangyayari, hindi malabong mangyari 'yon." napaghiwalay ko na sila dati at siguradong 'yon din ang mangyayari sa oras na magsama sila ulit.
BINABASA MO ANG
Possessively
Storie d'amoreShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...
