Chapter 59

813 16 34
                                    

----------------------------
~•Goodbye•~
----------------------------





*MARGA AND DAEMON'S POV*




8:37 p.m




Iilan nalang ang mga tao dito sa loob ng terminal. Hindi ko na mabilang ang lahat ng bus na napasukan ko at maging ang mga taong napagkamalan kong si Marga. Hindi naman ako aabot sa ganitong oras kung nakita ko na siya kaya hanggang ngayon ay nandito parin ako at ang ibig sabihin lang no'n ay bigo parin akong makita siya.





Nakatingin lang ako sa bintana ng bus habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin. Wala akong kibo. Ang dalawa kong kasama ay nagsimula nang matulog para sa mahaba-habang biyahe na aming tatahakin. Ngayon ay malinaw na ang isinisigaw ng isip ko. Ito rin ang dahilan kung bakit kanina pa lumilipad sa kungsaan ang utak ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon at kung bakit ko ginagawa ito pero hindi ko maintindihan kung bakit siya parin ang iniisip ko.





Ngayon ko lang ginawa ito sa buong buhay ko, yung magpakatanga, magpakapagod at magpakahirap para sa isang taong wala namang halaga sa iba pero iba si Marga e, mayroon siyang halaga sa'kin kasi mahal ko siya kaya okay lang na magpakatanga at magpakahirap ako, yun nga lang hindi worth it kasi hindi ko rin naman siya nakita.





Sa aking paglisan ay parang pinutol ko narin ang lahat ng nag-uugnay sa'min ni Daemon, lahat ng mayroon kami, lahat ng alaala maganda man ito o hindi, at maging ang pagmamahal ko sakanya. Mahirap kalimutan ang lahat pero umaasa ako na sa paglipas ng panahon ay makalilimutan ko rin siya.





Dalawang bagay nalang ang hindi ko nagagawa sa araw na ito. Iyon ay ang umiyak at ang sumuko. Bihira lang akong umiyak, madalang pa sa patak ng ulan at kay Marga ko lang nagagawa 'yon kaya kung iiyak man ako sa oras na ito ay siguradong dahil sakanya 'yon.





Mula pagkabata hanggang sa pagtanda namin ay puro nalang kami away at bangayan, para kaming mga aso't pusa na hindi maipagsama sa isang lugar pero sa hinaba-haba ng panahon na nagsama kami ay may mga bagay din naman kaming napagkasunduan. Naghiwalay kami ng ilang taon pero gumawa ng paraan ang tadhana upang kami'y muling pagsamahin.





9:45 p.m





Nakaupo ako sa isang upuan habang nakatingin sa isang direksyon. Pinagmasdan ko ang isang pamilya na kasalukuyang sumasakay sa hinihintay nilang bus papuntang Olonggapo. Sila nalang kasama ko dito pero dahil nakasakay na sila ay ako nalang ulit mag-isa maliban sa ilang maintenance at operator ng bus na naririto.





Tumigil narin ang operasyon ng ilang bus at ang iba naman ay hindi na dumadaan dito dahil malapit na ring magsara ang terminal. Tuluyan nang nawala ang pag-asa sa loob ko. Para sa'kin ay point zero percent nalang ang tiyansang makita ko pa si Marga pero kahit na ganun ay nanatili parin ako dito, tulala at walang kibo. Minsan lang naman ako magpakatanga ng ganito kaya susulitin ko na.





Walang nagbago, yun ang akala ko. Akala ko ako parin si Marga na lagi niyang inaasar at pinagtitripan, at siya parin si Daemon na lagi kong pinagpapasensyahan pero nag-iba ang lahat nang unti-unting nag-iba ang pagtingin ko sakanya. Noong una hindi ko pa alam ang tunay kong nararamdaman para sakanya, hindi ko masabing nahulog na ako sakanya dahil natakpan ito ng bulag na pagmamahal ko kay Gian.





Naramdaman ako pag-init ng sulok ng mga mata ko. Ito na ang mga luhang kanina ko pa hinihintay. Kung gaano karami ang luhang inilalabas ng mga mata ko'y ganun din karami ang pagod na ibinuhos ko nang humigit-kumulang isang buwan ng paghahanap ko kay Marga. Nawala sa wala ang lahat ng mga paghihirap ko. Hindi ko na maibibigay pa sa anak ko ang pagmamahal ko para sakanya.





PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon