------------------------------
~•Library•~
------------------------------
*MARGA'S POV*
"Bitiwan niyo siya!" napahinto ang lalaki sa pangmomolestiya sa'kin nang biglang may magsalita. Maging ako ay saglit din natigil sa walang humpay na pag-iyak.
"May tao, pre!" sabi ng isa sa mga kasama niya.
"Tan*gina naman oh, istorbo!" naiinis na sabi ng kanilang lider bago ito tumayo mula sa pagkakadagan sa'kin.
Dumating na ang pinagdadasal kong tulong. Sana nga siya na ang taong pinadala sa'kin ng Diyos na tutulong sa'kin.
Gusto ko tignan kung sino ang nagsalita pero hindi ko magawa dahil wala akong makita, kailangan ko ang salamin ko para kahit papaano'y makakita ako.
"Hey, bro! Wala lang 'to. You can join us if you want."
Aba't nag-aya pa ang manyakis na 'to.
"Don't worry, bro. Walang makakakita sa'tin kaso maghihintay ka nga lang, nagsisimula palang kasi kami e at marami pang nakapila, haha." tumawa siya at ang mga kasama niya.
"'Wag! 'Wag ka makinig sakanila. Pakiusap, tulungan mo ako." pagmamakaawa ko sakanya. Nagsisimula na naman akong umiyak.
"MANAHIMIK KA!!!" galit na wika ng lalaki sa'kin.
"Pa'no ba 'yan, ayoko maghintay at hindi rin siya ang gusto ko." sabi ng hindi ko kilalang lalaki.
"Sino pala ang gusto mo, bro.....kami!? Haha!" muli silang nagtawanan. "Bading yata 'to e, haha."
"Oo, kayo." pagkatapos niya sabihin 'yon ay nakarinig ako ng mga kalabog.
"Pu*angina!" biglang nagmura ang kanilang lider na para bang may nangyaring hindi niya nagustuhan.
"Papatayin ka namin kung sino ka mang hayop ka!"
"Aaah!"
"Shit!!!"
"Puta, aah!!"
Sunod-sunod ang mga naririnig kong mga kalabog at ingay. Hindi ko na alam ang mga nangyayari pero batid ko na may nagkakagulo. Wala na ang mga nakahawak sa kamay at paa ko kaya kinuha ko ang oportunidad na hanapin ang salamin ko.
"Nasa'n ka na ba? Kailangan na kailangan na kita." sabi ko habang gumagapang sa lupa. Kinakapa ko mula rito ang salamin ko.
"Aaah!"
"Array, tan*ina!"
"Ang lakas niya, hindi natin siya kaya!"
"Sibat na tayo mga pre."
Narinig ko ang mga yabag nila palayo. Parang umalis na sila dahil wala na akong naririnig na mga ingay bagamat nararamdaman kong hindi parin ako nagiisa. Mayroon parin akong kasama at alam kong siya ang taong tumulong sa'kin.
Huminto ako sa paghahanap sa salamin ko. "S-salamat dumating ka! Maraming salamat sa pagligtas mo sa'kin." pagpapasalamat ko sakanya. Utang ko sa lalaking ito ang buhay ko.
I heard his footsteps coming towards me, alam kong nasa harap ko siya dahil rinig ko ang malalim niyang paghinga.
"Mag-ingat ka sa susunod."
![](https://img.wattpad.com/cover/76595400-288-k198331.jpg)
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...