----------------------------
~•Seatmate•~
----------------------------
*MARGA'S POV*
Kinabukasan, mataas na ang araw nang magising ako, kinuskos ko muna ang mata ko bago ako umayos ng upo sa aking kama. Linggo ngayon at walang pasok kaya okay lang na tanghaliin ako ng gising. Tatayo palang ako nang bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi.
Si Daemon.
Natulog ako sa tabi ni Daemon.
Hala! Bigla akong napatingin sa buong katawan ko. Wala namang nangyari, kumpleto pa naman ang suot kong damit, nandito pa naman ang mga body parts ko. Buong-buo pa ako.
Huminga ako ng maluwag. Akala ko nasakop na nang masamang elemento ang katawang lupa ko.
Nasa'n na nga ba ang kumag na 'yon? Bakit wala na siya? Hindi ko naman sinasabing hinahanap ko siya o nagaalala ako sakanya pero parang ganun na nga.
Hindi kaya umuwi na siya?
Haisst! Bakit ba siya ang iniisip ko? Maganda ang gising ko at ayoko munang ma-stress. Baka na-realized niya na ang mga kabalbalang ginawa niya kagabi kaya umuwi na siya sakanila, buti naman para mabawas-bawasan ang mga pasakit ko sa buhay.
Pumunta ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkarating ko sa banyo, humarap ako sa maliit na salamin na nakadikit sa dingding. Naghikab muna ako bago ko tuluyang pinagmasdan ang sarili ko.
Natulala ako sa aking nakita.
'Good Morning Ms.Beautiful!'
Nakatutuwang marinig ang mga salitang iyan pero maniniwala ba kayo na nakasulat 'yan sa mukha ko gamit ang permanent marker.
"Arrrgggh! Daemon!" biglang nag-init ang dugo ko. Sigurado akong siya na naman ang may kagagawan nito. Agad kong hinalimusan ang mukha ko pero hindi ito natanggal kaagad dahil permanent marker ang ginamit niya. At saan naman siya nakadelihensya ng permanent marker. Talagang nag-effort pa siya para lang pag-tripan ako.
Lagot siya sa'kin. Lumabas ako sa banyo at naglakad pababa sa bakery namin, habang bumababa ako sa hagdan may naririnig akong mga ingay mula sa labas, parang hiyawan ng mga babae. Anong mayroon? Sinisingil na naman ba kami ni Aling Vicky ng renta?
Pagkababa ko sa bakery ay nagulat ako sa nakita ko.
Si Daemon. Nakasuot lang siya ng apron at walang ibang suot na damit pang-itaas. Nagbebenta siya ng tinapay namin sa harap ng buong BARANGAY.
Totoo ba 'tong nakikita ko? Bakit ang daming tao? Ang haba ng pila sa labas ng bakery namin. Ang iingay at ang gugulo nila, pinagkakaguluhan nila si Daemon na abala sa pagbebenta, kasama niya si Clinton na siya namang tumatanggap ng bayad.
Habang pinagmamasdan ko siya muli na naman ang akong ginambala ng nararamdaman ko. Sakit na ba ito? Napapadalas na kasi ang pagsulpot ng sintomas? Sa tagal kong nakatingin sakanya, hindi ko na namalayan na ilang minuto ko na palang pinagmamasdan si Daemon, natigil lang iyon nang biglang sumulpot si Inay sa harapan ko.
"O Marga. Buti naman gising ka na. Ang dami nating customers ngayong araw." ang laki ng ngiti ni Inay pero agad din itong napalitan ng kalituhan nang makita niya ang mukha ko na ginawang slam book ng lalaking nakahubad ngayon sa loob ng bakery namin.
"A-Anong nangyari sa mukha mo?" nagtatakang tanong niya.
Lumaki ang butas ng ilong ko at tumingin ng masama kay Daemon.
![](https://img.wattpad.com/cover/76595400-288-k198331.jpg)
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...