Chapter 16

304 26 0
                                    

---------------------------
~•Mascot•~
---------------------------



*MARGA'S POV*


Ang init!


Ang sikip!


Ang bigat!


Ang laki!


This is so much torture. Buong buhay ko hindi ko inakalang magsusuot ako ng ganito kalaking mascot. Tama ang narinig niyo, suot ko ang isang mascot na kilala sa tawag na Panthera, isa itong malaki at maitim na pusa na may pulang ribbon sa ulo. Parang si Hello Kitty na na-possess ng demonyo, ganun. At iisa lang ang may pakana nito, hindi ko na kailangang sabihin kung sino dahil iisa lang naman ang demonyong gumagambala sa tahimik kong buhay.

Hindi ko rin maintindihan minsan kung bakit sa academics nangangamote siya pero pagdating sa mga ganitong bagay gumagana ang utak niya, tss.

"Bakla, ang ganda mo diyan, haha." panunukso sa'kin ni Nomi. Hindi ko alam kung ilang oras niya na akong tinatawanan, silang dalawa ni Vixen.

"Galingan mo ang cheer mo, hah. Lakasan mo, dapat yung maririnig ni Daemon." biro din sa'kin ni Vixen.

"Che!" ngumuso ako sabay nagcross arms. Imbes na tulungan sila pa itong numero unong nanloloko sa'kin.

"Picture nga tayo!" kinuha ni Nomi ang cellphone niya, pumunta naman sila sa magkabilang gilid ko at sabay kumuha ng picture kasama ko.

"Say cheese!" matapos kumuha ng litrato ay isa-isa nila itong tinignan. "Post ko agad 'to. Hashtag, ang pusakal na si Marga. Bwahahaha!!!" tawanan sila ng tawanan ni Vixen habang tinitignan ang mga kuha namin. Nakakainis na sila ah, kaibigan ko ba talaga sila?!

Pero kahit ano namang pagtutol ang gawin ko wala naman akong magagawa e. Nandito na ako at hindi na ako pwedeng mag-back out.

The question is, why I am doing this!?Well, I have no choice kundi gawin 'to dahil isa ito sa mga kabayaran na hinihingi niya kapalit ng pagsalba niya sa'kin sa culminating activity noong isang linggo.

'Hoy, Marga Panget.....para sabihin ko sayo, hindi 'to libre. Babayaran mo ko sa pagsalba ko sayo.'

Akala ko kung ano na'ng kabayaran ang sinasabi niya, alam niyang wala akong pera pambayad sakanya kaya binigyan niya nalang ako ng tatlong kundisyon, as in tatlong malulupet na kundisyon.

Una. Kailangan kong isuot si Panthera, yung mascot ng team nila.

Pangalawa. Ako ang magiging date niya sa darating na field trip 2019 pagkatapos ng game nila.

Pangatlo. To be determined pa daw.

Ang unfair 'di ba? Iisa lang ang ginawa niya sa'kin pero sobra-sobra siya kung maningil. Yung isa naging tatlo pero mabuti narin 'to kaysa naman bayaran ko siya e alam ko naman na wala akong maibabayad sakanya. Pasasalamat ko narin ito sakanya sa pagiging substitute partner ko sa dance performance na para sa'min dapat ni Gian, kung nagkataong hindi siya dumating baka wala na ako dito ngayon sa Gardanbelle. Kahit papaano may silbi din 'tong hinayupak na 'to.

Nakatayo ako ngayon sa tabi ng bench ng basketball team. Buti umalis na sila Nomi at Vixen na walang ibang ginawa kundi gawin akong katawa-tawa.

"Let's take a picture with Panthera, Daemon." narinig ko ang boses ng isang babae na palapit sa puwesto ko, lumingon ako sakanya at nakita ko na kasama niya pala si Daemon, hinihila pa siya nito papunta sa'kin.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon