------------------------------
~•Hurt Again•~
------------------------------
*MARGA'S POV*
Library, the safest place for me to stay, a place without sex, noise, harsh people and most of all, there is no Daemon Alcantara. Ayaw na ayaw niyang pumupunta sa library dahil naiinip siya kaya kampante ako na hinding-hindi niya ako magagambala habang nandito ako.
I am reading some history books which tackles broad information about the events happened during cold war, may history quiz kasi kami mamaya kaya kailangan kong mag-review ng mabuti.
Habang nagbabasa ako, naramdaman ko na may umupo sa harap ko. I thought he's just a regular comer here kaya hindi ko siya pinansin.
"Miss, pwede ba akong umupo dito?!" paalam niya sa'kin kahit nakaupo naman na siya.
"Sure," pagpayag ko, hindi ko parin siya tinitignan.
"Bati na ba tayo?!" tanong niya ulit.
"Su---huh?!" otomatiko akong napatingin sakanya dahil sa kanyang sinabi.
"Ikaw na naman!" sambit ko nang malaman ko na siya pala ang umupo sa harap ko.
Susundan niya talaga ako kahit kahitsaan, kahit dito pa sa library. Akala ko pa naman makakatakas na ako sakanya ngayong araw. "Ang lakas din ng pang-amoy mo 'no, paano mo nalaman na nandito ako?!"
"Saan ba laging nagpupunta ang mga nerd? Parang sa library. Tama, sa library nga!" pilosopong sagot niya.
"Ano na naman ba'ng kailangan mo?! Tiyaka bakit ka nandito?! Ayaw mo dito 'di ba," I asked again.
"Yeah, somewhat but it seems I have no choice. Nag-resign ang tutor ko that's why I need to do it on my own," I am the tutor who his referring to.
"Kung mag-aaral ka nga talaga, pwede ba doon ka sa kabilang table. Ang sikip-sikip na nga dito, makikisiksik ka pa."
At kailan pa siya naging huwarang estudyante? Kahit bumagsak pa siya sa lahat ng subjects niya wala naman siyang pakialam e. Ang sabihin niya nakagawa na naman siya ng paraan para guluhin ako.
"I like this place. Sabi nila kapag mag-aaral ka dapat doon ka sa lugar na komportable and this is the best and most comfortable place for me to study. So, if you're asking me to leave I'm sorry but I not going to leave this place," he said with a big smile on his face, and it makes me feel so irritated.
"O sha, alam kong first time mo pumasok sa banal na lugar na 'to at para sabihin ko sayo bawal dito ang maingay, gadgets, pagkain, sex at higit sa lahat, bawal manggulo ng ibang estudyanteng nagbabasa. Understand?!" paglilinaw ko sakanya dahil mukhang hindi ko naman siya makukuha sa pakiusapan.
"AY! AY! CAPTAIN!!!" he yelled with a salute.
"Psssssshhh!!" suway sakanya ng mga taong nagbabasa.
"Kasasabi ko lang 'di ba," nilakihan ko siya ng mata.
"Sorry," bulong niya tapos binuksan niya na ang librong dala niya.
Lumipas ang mga minuto, mukhang willing naman siyang sundin ang mga sinabi ko. Tahimik lang siyang nagbabasa at nagte-take down notes pa. Ngayon ko lang yata siya nakitang ganito kaseryoso sa pag-aaral at mas lalo siyang nagiging gwapo dahil do'n. Teka, bakit ko ba siya tinititigan?
Erase!
Erase!
Mag-focus ka, Marga! May quiz ka pa mamaya. Bumalik ako sa pagbabasa pero simula nang dumating siya ay hindi na ako makapag-focus. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Kapag nandito siya sa tabi ko nawawala ako sa huwisyo. I'm just curious kung ano ang binabasa niya, mukha kasing interisadong-interisado siya sa kung anumang libro iyon kaya sa huli'y hindi ko rin natiis at tinanong ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/76595400-288-k198331.jpg)
BINABASA MO ANG
Possessively
Roman d'amourShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...