Chapter 21

257 8 3
                                    

------------------------
~•Kilig•~
------------------------





*MARGA'S POV*




Until now I can't believe na si Gian ang isa sa makakatabi ko dito sa bus along with Daemon. Noong una hindi ako ganun ka-excited sa field trip na ito pero dahil nandito na si Gian parang bigla akong ginanahan.

Grabe 'to! Napagigitnaan ako ngayon ng dalawa sa pinakasikat, pinakagwapo at pinakamayayamang campus crush ng Gardanbelle University. Yung isa gwapo kaso may pagkababaero at yung isa naman gwapo din naman kaso saksakan nga lang ng kayabangan. Bali ang posisyon namin ngayon ay nasa may gawing bintana si Daemon, ako si gitna, at si Gian ang nasa kabilang side.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sakanya. Medyo awkward pa kasi ang atmosphere sa pagitan naming dalawa mula noong araw na umamin siya sa'kin tungkol sa nararamdaman niya.

Honestly, I am not yet convinced when he said that he started to fall in love with me even though it comes directly from him kasi ang hirap paniwalaan na magkakagusto siya sa'kin sa maikling panahon na nagkasama kami at isa pa, hindi ako ang tipo ng babaeng papasa sa standard niya kaya hindi ko rin masisisi ang sarili ko na hindi basta paniwalaan ang mga sinabi niya sa'kin kahit na patay na patay pa ako sakanya o kahit na gaano pa siya katotoo sa pagsabi no'n.

Pero sino ba ako para husgahan siya? Baka nga tinupad na ni Lord ang matagal ko nang hinihiling sakanya that's why I'm not yet closing the door for Gian. I just need assurance, he just need to prove himself to me that he truly love me despite of my tangible weaknesses.

"Hindi naman dapat ako sasama dito pero nang malaman ko na sasama ka, sumama na rin ako," bigla akong nag-iwas ng tingin sakanya dahil ayokong mahalata niya ang biglaang pamumula ng mukha ko. Kararating niya lang, pina-i-inlove niya na agad ako. 'Wag muna, Gian. Hihi.

"YAWN!" tinakpan ko kaagad ang bibig ko nang makaramdam ako ng antok, baka kasi ma-turn off siya kapag naamoy niyang mabaho ang hininga ko. Nakalimutan ko kasing magtoothbrush kanina sa kamamadali.

Muli akong napatingin sa gawi ni Gian, nabigla naman ako nang makita kong nakatitig pala siya sa'kin na may kasamang matamis na ngiti. Anube?! Bakit ganyan siya makatingin sa'kin?

"Inaantok ka ba?" he asked.

"Medyo, maaga kasi akong nagising kanina," sagot ko.

Hinaplos niya muna ang buhok ko bago niya inalalayan ang ulo ko papunta sa balikat niya.

"G-Gian! A-Anong," hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"You can sleep on my shoulder, siguradong makakatulog ka nang maayos,"

Ang gwapo talaga ng boses ni Gian. Parang siya lang, nakaka-inlove at hindi nakakasawang pakinggan. Ipinikit ko ang mga mata ko nang nakangiti. Naramdaman ko ang pagpatong ng ulo niya sa ulo ko na siyang mas lalong nagpangiti sa'kin.

"Anong ginagawa niya dito?" papasok palang ako sa aking magandang panaginip kasama si Gian nang bigla akong hilain ng masamang elemento pabalik sa realidad.

Napabalikwas ako ng bangon at sabay umayos ng upo. Mukhang naalimpungatan din si Gian. Ito naman kasing si Daemon e, bigla nalang nagsasalita. Nakakainis, kahit kailan talaga panira siya ng moment.

"Si Gian ang kasama natin dito sa passenger seat," sagot ko sakanya.

Napansin kong salubong na naman ang kilay niya. Oo nga pala, mortal enemy niya nga pala itong si Gian. "Kung minamalas ka nga naman talaga oh!" bulong niya. Ipinihit niya ang katawan niya sa bintana at hindi nalang nagsalita.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon