---------------------------------
~•Groupmates•~
---------------------------------*MARGA'S POV*
"Para sa mga absent last meeting," nag-iwas ako ng tingin nang pasadahan ako ng tingin ni Ms.Chavez, ako kasi ang sinasabihan niyang absent sa subject niya noong isang araw at namataang pagala-gala sa buong campus. Hindi naman talaga ako pagala-gala e, nakatambay lang ako doon sa gymnasium dahil tinamad akong pumasok. May nakakita siguro sa'kin at isinumbong ako sakanya. Maswerte parin ako dahil hindi niya ako ipinadala sa guidance office.
"Bago mag-exam week magkakaroon kayo activity para sa final performance ninyo. I already group the class into four, those will be presenting various performances. It could be dancing, singing, speech choir, acapella and etc." kung ganun magkakaroon kami ng presentation sa subject niya, basta contemporary arts sobrang daming actual performances.
Sinulyapan ko si Gian mula sa upuan niya, tamad na tamad ang itsura niya habang walang pakundangang kinakalikot ang cellphone niya kahit nagsasalita si Ms. Chavez sa harapan. Sino kaya ang ka-group niya?
Kainis, kung pumasok lang ako noong isang araw baka magka-group siguro kami. Nagtampo-tampo pa kasi ako tapos hindi ko rin naman kayang panindigan.
"But since absent si Ms.Del Monte at Mr.Montefalco last meeting," muli kaming pinasadahan ng tingin ni Ms.Chavez. "Silang dalawa na ang magkagrupo." parang nanlaki ang dalawang tenga ko sa narinig ko mula kay Ms.Chavez.
Tama ba ang narinig ko? Magiging asawa este ka-grupo ko si Gian sa final performance namin and take note, kaming dalawa lang ang magkagrupo?
Oh My God! Parang gusto ko na naman maglupasay sa sobrang tuwa, napabuti pa pala ang pag-absent ko noong nakaraang araw. Muli kong tinignan si Gian, mukhang nabigla din siya sa sinabi ni Ms.Chavez, tinignan niya ako pero agad din siyang nagiwas ng tingin at umiling nalang. Napuno naman ng bulung-bulungan ang buong klase. Sus, mga inggiterang palaka, mamatay kayo sa inggit dahil kay Marga lang si Gian, bwahaha.
"Mayroon nang gagawa ng sing, modern and contemporary dance, speech choir, acapella, drama at poetry. Ngayon, gusto ko ang gawin niyo ay interpretative dance." dagdag pa ni Ms.Chavez.
Interpretative Dancing? Shems! Hindi ako marunong magsayaw ng interpretative. Marunong naman ako sumayaw, noong elementary ako sumasali pa ako sa mga dance contest, natigil lang ako noong naghighschool ako. Dahil sa bullying, bumaba ang self-confidence ko to the point na hindi na ako sumasali sa kahit anong extra curricular activities maliban sa mga academic contest. Si Gian, base on my records.....taray 'di ba, miyembro siya dati ng isang dance troupe together with his friends frivo and Gab when they're still in highschool kaya sigurado akong marunong din siyang sumayaw.
Interpretative dancing is more on skills, balance and techniques, bukod do'n ay dapat binibigyan mo din ito ng mas malalim na emosyon kaya mahirap talaga gawin pero para kay Gian, kakayanin ko. Ito na ang moment na matagal ko nang hinihintay at sisiguraduhin kong magiging memorable ito para sa aming dalawa.
"Nagkakaintindihan ba tayo, Mr.Montefalco at Ms.Del Monte!?" Ms.Chavez.
"Yes po, prof!" sagot ko. Hindi sumagot si Gian.
"Okay, class dismissed!" nananatili lang ako sa upuan ko habang nakayuko, mamaya nalang ako lalabas para makaiwas sa mga kaklase ko. Ang sama kasi ng tingin nila sa'kin lalo na yung mga babae. Siguro iniisip nila na may ginawa na naman ako para magkasama kami ni Gian.
Nang makaalis ang lahat ay doon palang ako nag-ayos ng mga gamit ko. Pagtayo ko'y doon ko napansin ang isang lalaki na nakadukdok sa kanyang armchair. Natigil ako sa aking ginagawa habang nakatitig ako do'n sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...