----------------------------------------
~•Drunk and Fire•~
----------------------------------------
*MARGA'S POV*
Bakit ba ang bilis ng ikot ng mundo? Dahil ba ito sa isang gravitational force na pilit hinahatak ang earth sa isang lugar na hindi nakikita o mas kilala sa tawag na super massive black hole.
Hindi. Hindi. Malabo mangyari 'yon, mas papanigan ko ang psychology over science ngayon. Ang totoo niyan lasing lang talaga ako, tama.
Umiikot ang paningin ko habang naglalakad ako pabalik sa main venue ng party at dahil do'n ay hindi ako makapaglakad ng maayos. Ano ba kasi ang naisipan ko at bakit ako nagpakalasing ng ganito? Hindi ko inakalang mauubos ko ang humigit-kumulang sampung shots ng brandy.
Nang makuha ko ang tray na may lamang alak kanina dumeretso agad ako sa C.R upang doon inumin ang lahat ng shots na nasa tray. Comfort zone ko talaga ang C.R, kaya nga comfort room 'di ba pero sa sobrang paglalasing ko nakalimutan ko na kasama ko nga pala ang boyfriend ko kaya kahit hilong-hilo na ko'y pinilit kong lumabas ng banyo upang hanapin si Gian. Baka kanina niya pa ako hinahanap at siguradong nag-aalala narin siya sa'kin.
"Nashaan nya ba shiya?!" tanong ko habang hinahanap siya sa paligid.
Medyo marami-rami parin ang mga taong naririto sa party. Mayroong mga nag-iinuman, nagsasayawan at ang iba naman ay lasing na pero ang karamihan talaga'y nagtatago sa madidilim na sulok nitong venue habang gumagawa ng kababalaghan. Alam niyo naman na siguro ang tinutukoy ko. Oo, sex 'yon.
Mga estudyante talaga ng Gardanbelle malilibog, buti ako hindi. Dalagang pilipina 'to mga tol.
Back to reality, nasaan na ba talaga si Gian?! Hindi kaya iniwan niya na ako? Isang oras din kasi akong nawala kaya siguro inisip niyang nauna na akong umuwi. Kainis, baka magalit 'yon sa'kin. Mamaya isipin niya iniwan ko siya, tsk. tsk.
"M-Marga!"
Biglang may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko alam kung sino dahil medyo blur na ang paningin ko.
"Marga, okay ka lang ba?!" tanong niya nang makalapit siya sa'kin. Bakit niya alam ang pangalan ko? Stalker ko ba siya?
"Shino ka?!"
"Si Clifford 'to, kaibigan ni Gian."
Kaibigan ni Gian? Tinignan ko siya ng mabuti. Tama, siya nga si Clifford. Ibig sabihin alam niya kung nasaan nagpunta si Gian.
"Nyakita mo ba shi Gian?! Yung boshfren kong pshogi," tanong ko ulit sakanya. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ako pero kung hindi bahala siya sa buhay niya, hahanap nalang ako ng ibang lasing na makaiintindi sa'kin.
"Oo. Umalis na siya kani-kanina lang, akala ko nga kasama ka niya e. Kanina ka pa kasi niya hinahanap, he thought you already left."
Umalis na si Gian pero nandito pa ako, hindi pa ako umuuwi. Haisst! Nagsawa na siguro siya sa kahahanap sa'kin kaya sa huli'y napagdesisyunan niyang umuwi nalang. Tama ang sabi ko, inisip niyang nauna na akong umuwi. Sa bagay hindi ko rin siya masisisi, kasalanan ko rin 'to kasi nagpakalasenga ako for a while.
"Kaya mo pa ba?!"
"Oo."
"Sigurado ka? Pwede naman kitang iuwi sa bahay niyo."
"Ndi nya, kaya ko nya tsho!"
"O sige, kung 'yan ang gusto mo."
Umalis narin siya pagkatapos. Gusto ko sanang tanggapin ang offer niya kaso baka may makakita sa'min tapos i-tsismis pa ako na nilalandi ang kaibigan ng boyfriend ko kaya 'wag nalang, uuwi nalang ako mag-isa. Baka maging dahilan pa 'yon para mag-away kami ni Gian.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomansaShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...