-----------------------------------
~•Hide and Seek•~
-----------------------------------
*MARGA'S POV*
"GAG* RIN PALA 'YANG DAEMON NA 'YAN E!!! Ano ba'ng tingin niya sayo? Pokpok?!" Vixen.
"Akala ko iba siya sa ibang lalaki, boto pa naman kami ni Vixen sakanya pero wala rin pala siyang pinagkaiba sa ibang lalaki diyan na puro iy*t lang ang hanap," Nomi.
Humahalukipkip sa galit ang mga kaibigan ko matapos ko ikuwento sakanila ang ginawa sa'kin ni Daemon. Kapapalit ko lang ng damit na ipinahiram sa'kin ni Vixen, nabasa kasi ng ulan ang mga damit na dala ko. Basang-basa ako nang makarating ako sa bahay nila Vixen na mga isang oras ko rin sigurong nilakad. Nandito rin si Nomi.
"Hindi naman pwedeng ikaw lang mag-isa ang bumuhay diyan sa bata. Ngayon pa nga lang hirap na hirap ka na, paano pa kapag lumabas na 'yan?!" aburidong saad ni Vixen.
Blanko ang isip ko matapos ang mga nangyari. Pagod na akong mag-isip. Masakit na ang mga mata ko sa kaiiyak. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay palalakihin ko ng mag-isa ang bata, hindi ko alam kung paano pero basta bahala na. Mailayo ko lang siya sa mga taong gusto siyang ilayo sa'kin ay ayos na sa'kin.
"Kailangan ka niyang panagutan, Marga. Kailangan niyang panagutan ang dinadala mo. Hindi naman pwedeng tanggihan ka niya ng ganun nalang, hindi ka tinda sa palengke na pwede niyang daanan nalang kapag hindi niya gusto," sabi rin ni Nomi.
"Kahit hindi na!" nakatulalang sabi ko sakanila. Biglang nabalutan ng kaguluhan ang mga mukha nila.
"H-Huh?! A-Anong hindi na? Ano ba'ng sinasabi mo, Marga?!" naguguluhang tanong ni Nomi.
"Bessy, hindi mo ito kakayanin ng mag-isa. Kailangan mo ng katuwang," Vixen.
"Palalakihin ko ang bata ng mag-isa. Hindi niya na ako kailangan pang panagutan!" ramdam ko ang dahan-dahang pagguhit ng luha sa aking pisngi.
Napatayo si Nomi sa kinauupuan niya dahil sa sinabi ko. "Anong sabi mo?! Palalakihin mo mag-isa ang bata?! Nababaliw ka na ba talaga, Marga? Sa tingin mo ganun lang kadali 'yon? Kailangan mong ipaglaban ang ginawa niyang pangbababoy sa'yo. Hindi mo na nga siya ipinakulong 'di ba, ano ba naman yung kahit dito lang bumawi siya," galit na wika ni Nomi.
Hinawakan ni Vixen ang magkabila kong kamay. "Kailangan mong ipaglaban ang karapatan ng bata. Karapatan niyang magkaroon ng kumpletong pamilya. Alam mo ang pakiramdam ng walang ama, gusto mo bang maranasan 'yon ng magiging anak mo?!" emosyunal na sabi ni Vixen.
"Siyempre hindi!" nagsisimula na naman ang mga luha ko. "Gusto kong magkaroon ng kumpletong pamilya ang anak ko. Pamilyang mayroong ina at ama pero hindi na mangyayari 'yon," tinabihan ako ni Vixen. Hinaplos niya ang likod ko upang patahanin ako sa pag-iyak.
"Pwede pang mangyari 'yon kung lalaban ka. Pilitin mo si Daemon. Kausapin mo ang mga magulang niya, gawin mo ang lahat ng magagawa mo para maibigay mo sa magiging anak mo ang bagay na hindi mo nagawang makuha ng mahabang panahon," Nomi.
Kapag sinabi ko sakanila ang mga sinabi sa'kin ni Daemon baka kainin din nila ang mga salita nila.
"Balak ipa-DNA test ni Daemon ang bata sa oras na manganak ako at kapag nakumpirma niyang sakanya ang bata ay kukunin niya ito at ilalayo sa'kin!" napatakip si Vixen sakanyang bibig dahil sa sinabi ko at ilang saglit pa'y yinakap niya ako.
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...