-----------------------
~•Regret•~
-----------------------
*MARGA'S POV*
"HAYOP KA!!! NAPAKABABOY MO!!! HAYOP KA!!! BAKIT MO GINAWA SA'KIN 'TO?!!!" humagulgol ako sa kaiiyak habang hinahampas ko ang dibdib niya.
Yinakap niya ako ng mahigpit upang patigilin ako sa pag-iyak. "Sorry! I'm so sorry!" umiiyak na sabi niya sa'kin.
"WALA KANG AWA!!!! BINABOY MO 'KO, HAYOP KA!!!!"
Mula nang magising ako na nakahiga sa kama niya at walang kahitanong saplot sa katawan ay hindi na ako matigil sa kaiiyak. Kanina ko pa siya hinahampas at sinisigawan dahil sa pananamantalang ginawa niya sa'kin, hindi niya naman ako pinigilan at hinayaan lang ako na saktan siya kasi guilty siya sa nagawa niya.
Binaboy niya ako.
Sinamantala niya ang kahinaan ko.
Lasing ako kagabi at siya ang nasa katinuan kaya alam kong sinadya niyang mangyari 'to. Hindi ko kailanman inakalang magagawa niya sa'kin 'to. Diring-diri ako sa sarili ko, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko.
Bukod sakanya'y hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko, kung hindi ako naglasing kagabi, matino sana akong nakauwi sa bahay namin at hindi sana nangyari 'to. Lahat ng ito ay nangyari dahil sa kapabayaan ko.
"Layuan mo ako, nandidiri ako sayo!" buong lakas ko siyang itinulak, lalapit pa sana siya sa'kin pero hindi ko siya hinayaang makalapit. "Huwag mo kong lalapitan, baboy ka."
Nakikita ko sa mukha niya ang pagsisisi sa nagawa niya pero hindi sapat 'yon para patawarin ko siya. Walang kapatawaran ang nagawa niya sa'kin. Isa-isa kong dinampot ang mga damit ko sa sahig. Hindi ko na kayang magtagal pa dito kasama siya.
Hindi ako matigil sa pag-iyak. Gusto ko isiping isa lamang itong masamang panaginip pero hindi, ramdam na ramdam ko ang sakit sa kalooban ko. Maging sa pagitan ng mga hita ko ay gumuguhit din ang sakit. Niyurakan niya ang pagkababae ko at iyon ang hindi ko matanggap.
"Marga, I'm sorry. Patawarin mo 'ko." paulit-ulit na paghingi niya ng tawad sa'kin. Sa tono niya para siyang nagmamakaawa.
"Patawarin?! Kung magagawa mong itama ang pagkakamali mo patatawarin kita pero kailan ba naging tama ang isang pagkakamali? Hindi ko inakalang magagawa mo sa'kin 'to, Daemon. Binaboy mo 'ko, niyurakan mo ang pagkababae ko at walang kapatawaran para do'n."
Umupo siya sa kama at sinapo ang noo niya. Maging siya ay naiinis sa sarili niya.
"Ano?! Magsalita ka! Paano pa kita mapapatawad sa nagawa mo? Magagawa mo bang ibalik ang lahat? Hindi na, Daemon. Hindi mo na maibabalik ang nawala sa'kin."
Sa isang iglap nawala ang pinaka-iingatan ko at dahil do'n pakiramdam ko'y wala akong pinagkaiba sa mga babaeng kinakama niya. Dangal na nga lang mayroon ako ninakaw niya pa, wala siyang awa.
"Oo, utusan mo lang ako. Pwede mong sabihin ang lahat ng gusto mong ipagawa sa'kin pero hindi sa ganitong paraan, Daemon. Sobra na 'to."
Naglakad ako papunta sa pinto. Ayoko na, hirap na hirap na 'ko.
"Nagawa ko lang 'to sayo dahil mahal kita." napahinto ako sa sinabi niya. Biglang tumigil sa pagluha ang mga mata ko. "Mahal na mahal kita, Marga. Alam ko mahirap paniwalaan pero yun ang totoo," umiiyak na sabi niya sa'kin.
Sarkastiko akong tumawa. "Mahal?! Huwag mo akong paandaran ng mga kalokohan mo. Binaboy mo na 'ko, Daemon. Huwag mo naman na akong gaguhin."
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...