Chapter 51

176 6 0
                                    

-----------------------------
~•Kick Out•~
-----------------------------





*DAEMON'S POV*




This might be my last semester with Sera in Gardanbelle University. We decide to leave our alma mater for the sake of our peace and safety. Habang nandiyan si Gian ay hindi matatahimik ang mga buhay namin. Hindi sa natatakot ako sakanya, ayoko lang may masaktan pa ulit dahil sa alitan namin. I am planning to go to another school while Sera fully decided to continue her fruitful career in modeling abroad.

"I wish we can do it again!" masayang sabi ni Sera. Kagagaling lang namin sa amusement park at ngayo'y papunta kami sa paborito naming restaurant upang mag-meryenda.

"I wish!" tugon ko.

Since malapit na naman kaming maghiwalay, hiniling niya sa'kin na gusto niyang i-enjoy ang mga nalalabing araw niya rito sa Pilipinas. Ayoko siya pabaunan ng masasakit na alaala sa pag-alis niya kaya pumayag ako sa gusto niya.

"I really enjoyed it. Thank you so much, Daemon. You never failed to make me happy," she said. I answered her with a smile.

Matagal na kaming nagkaliwanagan ni Sera. Matapat kong sinabi sakanya na wala na akong espesyal na nararamdaman sakanya. Wala nang pag-asang maging kami pa ulit dahil kung ipipilit namin baka hindi rin mag-work at baka masaktan pa namin ang isa't isa. At first nasaktan siya and I also hurt too but pain is always a part of the process. In the end, she accepted my words without hating me nor Marga and that's what I want to her. She knows how to accept and understand everything.

"Nabalitaan ko ang mga nangyayari ngayon kay Marga," pag-iiba niya sa usapan namin. Napakagat ako sa labi ko nang banggitin niya si Marga. Hindi ko alam pero sa tuwing makikita o kahit marinig ko lang ang pangalan niya ay parang binubuhol ang mga ugat ko sa katawan.

"Bakit hindi mo siya tulungan?! I'm sure at this moment hirap na hirap na siya," saad niya.

Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ng kotse ko. "I warned her many times but she never listened, bahala siya sa buhay niya!" mariing sabi ko.

Siya ang naglapit sa sarili niya sa panganib kaya siya rin ang bahalang magligtas sa sarili niya, basta ako ay hindi nagkulang sa pagpapaalala sakanya.

"Are you giving up to her?!"

Ibinato ko ang aking tingin mula sa malayo. Natagalan bago ko sagutin ang tanong niya. "Hindi ko siya sinukuan sadyang hindi lang ako ang mahal niya," tulad ni Sera ay madali lang din akong tumanggap ng mga bagay even though ilang beses kong ipinagsiksikan ang sarili ko kay Marga. Tama na 'yon, kung saan siya masaya doon siya. Pipilitin ko nalang ang sarili kong maging masaya para sakanya.

"Pero balita ko break na sila ni Gian."

I also heard the news but it doesn't mean that I have the courage to court her again. "Hindi porke nag-break sila ni Gian ay may pag-asa na ako sakanya. Ang bottom line dito ay si Gian ang minahal niya at hindi ako."

Hinawakan ni Sera ang kamay ko. "Mahal ka ni Marga, Daemon."

Napatawa ako sa sinabi niya. "Naikuwento ko sayo lahat 'di ba, may nakalimutan ba ako?" sinabi ko sakanya kung paano ako ipinagtabuyan at ilang beses tinanggihan ni Marga kaya hindi ko lubos maisip kung paano pumasok sa isip niya na mahal ako ni Marga.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon