--------------------------
~•Lasing•~
--------------------------
*MARGA'S POV*
Parang namamasyal sa alapaap ang isip ko matapos ang nakakakilig na tagpo namin ni Gian kanina. Hindi na ako nagtatampo sakanya, pure love nalang ulit ang nararamdaman ko para kay Gian. Matapos niya mag-confess sa'kin parang seventy-five percent ng mga pangarap ko sa buhay natupad na.
Malapit na akong maniwala na pang-fairytale din ang love story ko kahanay ang mga disney princesses sa fantasy world. Sino ba'ng magaakala na ang sexgod/campus crush ng Gardanbelle University ay magkakagusto sa isang tulad kong nerd na kakambal ng salamin at libro? It seems impossible but today, I proved it can happen in real life.
Pauwi na ako sa bahay namin nang may biglang tumawag sa cellphone ko. Dali-dali ko naman itong kinuha at tinignan.
Hala!
Lagot!
'159 unread message and 53 missed call from Daemon'
Si Daemon.
'Sabay na tayo umuwi, hatid na kita.'
'Sige, hintayin mo ako saglit, parating na 'ko.'
Nakalimutan ko na may usapan nga pala kami na sabay kaming uuwi. Patay na naman ako nito. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa'kin, hindi naka-register ang number kaya malabong si Daemon ito. Sinagot ko ang tawag.
(Hello!) sagot ko.
[Good evening po! I'm Luis San Pascual, manager of Westside Bar, ask ko lang po kung related kayo kay Mr.Daemon Alcantara? Kayo lang po kasi ang nakalagay sa contacts niya.]
Si Daemon? Bakit? Anong nangyari sakanya? Tiyaka, Westside Bar? Anong ginagawa niya do'n? Sa pagkakaalam ko matagal na siyang hindi gumigimik.
(Oo, kaibigan ko siya. B-bakit po?)
[Kanina pa po kasi siya umiinom dito sa bar, hindi na po siya makatayo sa sobrang kalasingan, medyo nagkakainitan na din sila ng ilang customers dito. Pwede niyo ba siyang sunduin dito?]
Sinasabi ko na nga ba. Ano ba'ng gagawin ng isang lalaki sa bar? Malamang iinom ng alak at kapag nasarapan, hindi na nila makontrol ang sarili nila, iinom sila ng iinom hanggang sa tuluyan na silang lamunin ng kalasingan nila.
Naku, Daemon! Balak ko pa naman sanang 'wag magpakita sakanya dahil sa nagawa kong atraso tapos susunduin ko siya sa bar na lasing na lasing, patay na talaga.
Susunduin ko ba siya? O tatawagan ko nalang sila Tito Brandon at Tita Sabrina para sila nalang ang bahalang sumundo sakanya? Pero kapag ginawa ko 'yon mas lalo akong isusumpa ni Daemon dahil kapag nalaman ng mga magulang niya na nagpakalasing na naman siya siguradong papagalitan siya ng mga ito at kapag nangyari 'yon, ako naman ang lagot sakanya.
[Hello! Miss, nandiyan pa ba kayo?] nakalimutan ko may kausap pa pala ako.
(Ah, Oo. Sorry.)
[Ano po, susunduin niyo ba siya?]
'Yan din ang itinatanong ko sa sarili ko, susuduin ko ba siya? It seems I have no choice kundi ang puntahan siya sa bar at iuwi sakanila. Baka kasi ano pang mangyari sakanya, basagulero pa naman siya lalo na kapag lasing.
Hay! Daemon, sakit ka talaga sa ulo ko.
(Oo, susunduin ko siya.) sabi ko bago ko ibinababa ang tawag.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomansaShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...