Chapter 14

308 31 0
                                    

---------------------
~•CEO•~
---------------------




*GIAN'S POV*




Lolo convoked a private meeting with Charles, Mom, his attorney and me. This is going to be important dahil ipapakita na sa'min ni Lolo ang nilalaman ng kanyang last will and testament na ilang linggo rin namin hinintay.

I can't repudiate the nervousness in me. Since the start of this day, I was fainted, pakiramdam ko may hindi magandang kakalabasan ang araw na ito pero isinantabi ko ang pakiramdam na iyon at tumuloy nalang sa meeting. Charles texted me wishing me a good luck, hindi ko nakikita sakanya na kinakabahan siya o nababahala. He remained composed all the time hindi tulad ko na kulang nalang ay magkaroon ng epilepsy dahil sa kaba.

Ang daming gumugulo sa isip ko. Ano ang nilalaman ng testamento ni Lolo? Nabago ba ito? Nandun parin ba ang kundisyon na nabanggit sa huling testamento na ginagawa niya para sa mga anak niya? Hindi ko alam pero ilang oras nalang ay maliliwanagan na ang isip ko.

We are sitting in the long table, waiting for Lolo's arrival. Katabi ko si Mom na ilang araw nang sabik na sabik na dumating ang araw na 'to. She's so confident na sa'kin ibibigay ni Tanda ang posisyon niya sa kumpanya. Kaharap naman namin si Charles at si Attorney Velasquez. Pinasadahan ko ng tingin si Charles, tumingin din siya sa'kin at ngumiti. Parang may ibig sabihin ang mga ngiti niyang iyon.

Ilang saglit pa'y dumating na ang taong kanina pa namin hinihintay kasama ang kanyang sekretarya.
Medyo bumalik na ang lakas niya pero kailangan niya parin ng aalalay sakanya kaya siya may kasamang mga maid. Umupo siya sa dulo ng lamesa at pinadaanan kami ng tangin. Tumayo naman kami upang magbigay galang sakanya.

"Siguro naman alam niyo na kung bakit tayo naparito ngayon?" pambungad niyang salita. "Today, I am going to show to all of you my last testament before I leave the country for a vacation." napatingin kaming lahat sa sinabi ni Tanda. Tama ba ang narinig ko? Aalis siya ng bansa?

"A-anong ibig niyong sabihin, Papa!? Aalis kayo?" tanong ni Mom na nabigla din sa sinabi ni Tanda. Tumango siya bilang sagot.

"Aalis ako upang magpahinga, hindi ko alam kung kailan ako makakabalik pero bago 'yon ipapasa ko muna ang posisyon ko sa isa sa inyo." tinignan niya kami ni Charles.

Mas lalong umigting ang kabang naglalaro sa dibdib ko. Hati ang isip ko ngayon, may part na nagsasabing hindi ko nais ang posisyon pero may part din na gusto kong makuha ito. Natatandaan ko pa ang mga sinabi sa'kin ni Dad, minsan niya ring pinangarap na maging CEO ng Montefalco Group of Companies at pamahalaan ito pero hindi natupad iyon dahil kay Tito Anton ito napunta. Kaya kung may dahilan man para tanggapin ko ang posisyon kung sa'kin man ito ibigay ni Tanda, I will accept it for dad and for his dream.

"Attorney!" binigyan niya ng hudyat si Atty.Velasquez, kinuha nito ang isang brown envelope mula sakanyang suit case at ibinigay ito kay Lolo.

"I did my best to be fair to both of you, Gian and Charles. All my properties, assets and shares will equally codify to my two grandsons but I will give my position as a CEO to....." walang sinuman ang nagsasalita, lahat kami ay taimtim na nakatitig sakanya at naghihintay sakanyang sasabihin. Yumuko ako at huminga ng malalim.

"I'll give my position to Gian. Gian, apo! You're now the new CEO of Montefalco Group of Companies." bumukas ang mga mata ko at nag-angat ng tingin sa mga taong kaharap ko. Lahat sila ay nakangiti habang pinapalakpakan ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon