----------------------------------------------
~•Unexpected Partner•~
----------------------------------------------
*MARGA'S POV*
Hindi ko inakala na siya pala ang kasayaw ko kanina pa. Palibhasa'y hindi ako tumitingin sa mukha niya. Kung hindi pa siya nagsalita, wala talaga akong kaide-ideya na siya ang kasayaw ko.
Sa sobrang pagkabigla ko'y napahinto ako sa pagsasayaw pero dahil patuloy parin si Daemon sa pag-indak, nadadala nalang ako sa mga movements niya. Nag-mukha tuloy akong isang piece sa chess board.
"O, nawawala ka naman sa sarili mo. Wala akong pakialam kung iniisip mo na may ibang nilalandi ang boyfriend mo pero ang akin lang ayus-ayusin mo naman ang pagsasayaw mo para hindi tayo nagmumukhang tanga dito," panenermon niya ulit sa'kin. Bakit hindi kaya hindi siya mag-pari? Ang hilig niya manermon e.
Binuhat niya ako at inikot, nagulat ako nang ipinahiga niya ako pero agad ding sinalo gamit ang kanyang matigas na braso. Nagtama ang mga tingin namin hanggang sa bumalik kami sa basic position.
Ang awkward ng feeling, nararamdaman ko ang ilangan sa pagitan naming dalawa. Walang sinuman ang kumikibo pero ang mga mata namin ay hindi bumibitaw sa malalim na tinginan kahit ilang beses na kami nagpabago-bago ng posisyon.
Nang maramdaman ko na masyado ng malalim ang mga tinginan namin, ako na ang mismong nag-iwas ng tingin sakanya. Ito ang iniiwasan kong mangyari kapag kasama ko siya, once na-hook na ang atensyon ko sakanya mahirap nang bumitaw.
"G-Gian," daing ko. Bigla kasing dumapo ang kamay niya sa ibabaw ng boobs ko nang tumalikod ako sakanya. Hindi ko alam kung sinasadya niyang hawakan ang dibdib ko o hindi pero nang tumingin ako sakanya, patay malisya lang siya. Siguro nga hindi niya lang sinasadya.
Umikot ulit ako upang bumalik sa basic position kungsaan nakahawak ako sa balikat niya samantalang siya ay nakahawak naman sa likod ko pero ang ipinagtaka ko, hindi siya sa likod ko nakahawak. MyGosh! Nakakahalata na ako ah.
"G-Gian!" medyo may diin na ang boses ko dahil hindi niya parin inaalis ang kamay niya sa puwet ko. Parang may gusto na naman akong masapak.
"Sorry, hindi ko sinasadya," pa-inosente pa 'tong manyakis na 'to, halatang-halata naman sa mukha niya na natatawa siya. Sa tagal naming magkasama, alam ko na ang mga galawan niyang ganyan.
Medyo pabilis na ng pabilis ang musika na kung hindi ako nagkakamali ay Waltz Music for winter ball dance and at this part of the music, may mga part na kailangang magdikit ng magkapareha, as in yung dikit na dikit para mas mabilis at synchronize ang movements pero hindi ko na iyon kailangang ipaalala kay Daemon dahil agad niya akong hinatak dahilan para sumubsob ako sa matigas niyang dibdib. kaloka, para akong bumangga sa pader, kahit kailan talaga napaka-balasubas nitong damuhong 'to. Ang masama pa, kapag titignan ko siya ng masama dedma lang ang mukha niya. Hmmp. Kainis, halatang inaasar niya naman ko.
"Gian, hindi ako makahinga," reklamo ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakakapit niya sa likod ko. Dikit na dikit tuloy ang katawan namin sa isa't isa.
"Sumayaw ka na nga lang, puro ka reklamo." naiinis na sabi niya sa'kin. At siya pa ang may ganang mainis hah.
Haiist! Hindi pa ba magtatransition? Ayoko nang ka-partner ang manyak na 'to. Pakiramdam ko natatapakan ang human rights ko kapag siya ang kasama ko katulad ngayon, may matigas na bagay na sumusundot sa puson ko. Hindi ko alam kung ano iyon pero hindi maganda ang kutob ko.
"Daemon, ano yung tumutusok?!" tanong ko sakanya dahil sigurado akong sakanya galing ang tumutusok sa'kin.
I heard him smirked.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...