Chapter 3

645 31 2
                                    

---------------------------------------------------
~•Saviour or Mastermind•~
---------------------------------------------------




*MARGA'S POV*




Namalayan ko nalang na nakahiga na sa semento ang lalaking nambastos sa'kin kanina. Pinaibabawan siya ni Daemon at binigyan ito ng malalakas na suntok.

"TAN*INA MO, HAH!!!" gigil na gigil siya sa lalaki habang pinauulanan niya ito ng mga suntok at nang hindi na ito makabangon ay sinunod niya naman ang mga kasama nito.

Sumiksik ako sa isang sulok at mariing tinakpan ang aking magkabilang tenga. Ayokong nakaririnig ng mga ganitong kaguluhan at ayoko rin itong mapanood kaya muli kong ipinikit ang mga mata ko.

Matapos ang ilang minuto, muli kong binuksan ang mga mata ko. Nagulat ako sa aking nakita. Bulagta at duguan na ang mga nambastos sa'kin, si Daemon nalang ang natitirang nakatayo. Nakahawak ito sa magkabila niyang tuhod habang hingal na hingal. Tinignan niya ako pero nag-iwas ako ng tingin.

"Marga, ayos ka lang ba?" tanong niya nang makalapit siya sa'kin.

"Huwag mo 'ko hawakan! 'Wag mo 'ko lapitan!" galit na wika ko sakanya.

"M-Marga." he said softly.

Hahawakan niya pa sana ang balikat ko pero agad ko itong tinabig. "SABI KO 'WAG MO AKONG HAWAKAN!!! LAYUAN MO NA 'KO!!!" nabigla siya nang magtaas ako ng boses.

"Ano? Masaya ka na!? Nakaganti ka na sa'kin! Napahirapan mo na 'ko. Ano? Satisfied ka na ba!?" umiiyak ako habang nakatingin ako sakanya.

"A-ano ba'ng sinasabi mo? Hindi kita maintindihan?" naguguluhang tanong niya. He's pretending like he didn't know everything.

"Ikaw ang nagplano nito 'di ba? Inutusan mo ang mga lalaking 'yon para gawin ito sa'kin."

"Marga, hin---" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.

"'Wag ka na magmaang-maangan! Alam kong ikaw ang may pakana nito. Ang sama mo! Ang sama-sama mo!" umiiyak na sabi ko habang hinahampas ko ang dibdib niya.

"Hey, listen!"

"BITIWAN MO 'KO! WALA KANG AWA!!!! NAPAKASAMA MO!!!"

"Marga, listen to me first."

Binalot niya ang magkabilang pisngi ko at pilit akong pinatingin sakanya ng deretso.

"Wala akong kinalaman dito." he defended himself but I don't want to listen. He is the only one I know na maaaring gumawa nito sa'kin dahil gusto niyang maghiganti. Pinapunta niya ako dito para ipagamit sa mga bastos na lalaking 'yon. Wala siyang kasing sama.

"Hindi ko sila inutusang gawin 'to. Please, believe me! Wala akong alam dito." he explained.

"Sinungaling!" ako.

"Maniwala ka sa'kin, Marga. Kung may balak akong ipa-rape ka sa mga bastos na 'to, bakit pa kita iniligtas? Bakit pa kita pinuntahan dito? Bakit pa ako nandito ngayon." tinignan niya ako ng deretso sa mata.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon