Chapter 12

295 27 0
                                    

-------------------------------
~•Stolen Kiss•~
-------------------------------




*MARGA'S POV*




Pinunasan ko ang nangingilid na luha sa mga mata ko at umakto na parang wala akong nakita. Hindi naman sila nakahubad, wala naman silang ginagawang kababuyan hindi tulad noong mga nakaraang araw na kung saan-saan ko siya nakikitang nakikipagsex sa iba't ibang babae.

"Babe, next time nalang ulit, magpapractice na kasi kami ng dance performance namin. I already told you that, right?" sabi ni Gian sa babaeng kasama niya na hanggang ngayon ay nakapulupot parin sa katawan niya na parang sawa.

"Pwede bang sa susunod nalang 'yang practice na 'yan, gusto pa kitang makasama. Ang hirap mo kayang hagilapin." hindi niya ba naiintindihan ang sinabi ni Gian? NEXT time nalang daw 'te, kating-kati na ba siya at hindi na makapagpigil?

"Hindi pwede, next time nalang. Mayroon ka namang number ko 'di ba? Just call me nalang." hinalikan ni Gian yung malanding babae sa labi. Ang sarap tanggalan ng nguso 'tong babaeng 'to, hindi niya ba alam na ako ang asawa ni Gian, charrot!

"Sige na nga! Basta i-promise mo itutuloy natin ang...." may ibinulong yung babae kay Gian tapos sabay silang humalinghing. May pabulong-bulong pa silang nalalaman, obvious naman na sex ang gusto niyang sabihin.

"Bye, Gian!!!" malanding pahabol ni Ate Girl nang makarating ito sa labas ng silid. Magpa-flying kiss pa sana ito pero agad ko nang isinara ang pintuan. Enough is enough! Gian is mine.

Kami nalang ni Gian ang naiwan dito. Tumayo siya sa couch at naglakad palapit sa'kin. "Nakaistorbo yata ako." malungkot na sabi ko habang nakatingin sa ibang dako.

"Wala lang 'yon, pinagbigyan ko lang." patay malisyang sabi niya.

"Ahh, ganun ba!?" tinatamad na sabi ko. Lahat pala ng mag-aaya sakanyang makipag-sex pagbibigyan niya, kung ayain ko kaya siya ngayon, papayag kaya siya?

"Yup, so shall we start now?" usal niya.

Ano daw? Will You Marry Me ba ang sinabi niya? Naku, Gian! Ang bilis mo, hah. Hindi ka pa nga nanliligaw sa'kin e. "I do!" buong pusong sabi ko.

"Huh!" nagtatakang tanong niya.

"Hah!" bigla namang bumalik ang diwa ko. Bakit parang napapadalas yata ang pagkawala ng huwisyo ko tapos bigla nalang babalik kapag crucial moment na.

"A-Ano, sabi ko pwede na tayong magsimula." palusot ko.

"Okay, anong una nating gagawin?" pumunta siya sa harapan ko at tinignan ako. Sa totoo lang hindi ako makapagisip ng maayos kapag tititigan niya ako ng ganyan, mas lalo lang akong nawawala sa huwisyo.

Kailangan mong labanan 'to, Marga!? 'Wag ka magpadala sa pagkahumaling mo sakanya kahit na sobrang hot niya ngayon suot ang kanyang uniform na hindi nakabutones sa may bandang itaas. Tiis-tiis muna, Marga.

"First and foremost, we need to choose a music so we can synchronize the beat with movements and the choreography will follow afterwards." I explained.

"Then we have to choose a song now. Tamang-tama, dala ko iPad ko." bumalik siya sa couch upang kuhanin ang iPad niya sakanya bag.

"I got it!" bumalik siya sa'kin dala ang iPad niya. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Pumunta siya sa bandang likuran ko at inilagay ito sa harapan ko, para tuloy siyang nakayakap mula sa likod ko. Parang sasabog na naman ako sa kilig, buti nalang medyo maitim ako kaya hindi gaanong halata ang pamumula ng mukha ko.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon