--------------------------------
~•Tampuhan•~
--------------------------------
*MARGA'S POV*
Para akong laging nasa langit kapag magkasama kami ni Gian, magaan na ang loob namin sa isa't isa. Dati, kailangan ko pang magpapansin sakanya para lang pansinin niya ako pero ngayon kapag nagkakasalubong kami nginingitian niya na ako o kaya kinakamusta. Marami akong natutunan sakanya sa pagsasayaw ngunit higit pa do'n ay mas lalo ko pa siyang nakilala kaya hindi na ako magtataka kung bakit nadagdagan pa ng fifty percent ang pagmamahal ko sakanya.
Wala kaming practice ngayon dahil nakiusap sila Nomi na kung maari'y magpakita naman ako sa laro ng Black Panthers ngayong araw. Simula kasi nang magsimula ang sports fest hindi pa ako nakakanood ng kahit isang laban nila dahil sa paghahanda ko para sa performance namin ni Gian pero ang balita ko wala pa daw silang talo at ngayo'y kasalukuyang naglalaro sa semifinals. Kapag nanalo sila dito deretsong finals na agad sila.
Nakaupo kami ngayon sa bleachers na katabi ng bench ng basketball team. Kasama namin ngayon ang mga members at cheerleaders na pinamumunuan ni Nomi. Mula sa pagiging lider eto ako ngayon, dakilang water girl. Hindi kasi ako naka-attend noong meeting kaya dito nila ako inilagay.
"GO DAEMON!!! GO BLACK PANTHERS!!!"
"GO DAEMON!!! GO BLACK PANTHERS!!!"
"GO DAEMON!!! GO BLACK PANTHERS!!!"
Sigaw ng mga hype na cheerleaders na kasama namin. Sa pagkakaalam ko nasa basketball game kami pero sa lagay ng mga suot nila para silang lalaban sa bikini open e. Halatang gusto lang nilang magpasikat sa mga gwapong basketball player na naglalaro ngayon. Tiyaka bakit ang unfair ng cheer nila, si Daemon lang ang sinusuportahan nila imbes na buong team. Malamang binayaran ni Daemon ang mga 'to.
Napuno ng hiyawan ang buong covered court nang maka-shoot si Daemon ng three points. Nakataas pa ang kamay niya habang tumatakbo papunta sa kabilang side ng court. Nangangandidato ba siya? Tsss. Ang yabang, chamba lang naman.
Parang kinain ko ang sinabi ko nang bigla niyang maagaw ang bola sa kalaban, nasa kanila na ulit ang bola. Nagdi-dribble siya habang naghahanap ng butas na lulusutan, nang walang makitang butas ay ipinasa niya ito kay Clifford. Tumakbo siya sa ilalim ng ring, mabilis namang ibinato sakanya ni Clifford ang bola at sabay....."SHOOOOOOT!!!" pati ako napapatayo narin sa sobrang intense na laban na nasasaksihan ko ngayon.
"WAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!" malakas na sigawan ng mga tao nang tagumpay na mai-shoot ni Daemon ang bola. Okay, I was wrong. Hindi siya naka-chamba, sadyang magaling lang talaga siyang magbasketball.
Wala nang mapagsidlan ang mga tao sa loob covered court dahil sa dami ng taong pumunta sa game na ito pero siyempre mas marami parin ang sumusuporta sa basketball team namin dahil nasa teritoryo namin sila. Natapos ang first half na lamang ang team namin ng pito, 59-52.
"Bakla! I-ready mo na yang mga tubig, parating na sila." sabi sa'kin ni Nomi. Oo nga, lider nga pala siya kaya may karapatan siyang utus-utusan ako. "Oo na! Alam ko 'yon, hindi mo na kailangan pang ipaalala."
"Si Daemon ang una mong bigyan hah, siya ang nagdadala ng team kaya hindi siya dapat ma-drain." sabi din ni Vixen.
Speaking of Daemon, magiisang linggo niya na siguro akong hindi pinapansin at hanggang ngayon ganun parin ang pakikitungo niya sa'kin. Nagsimula ito nang hindi ako dumating sa meeting noong nakaraang linggo. Kapag kakamustahin ko yung mga subjects niya hindi siya sumasagot at umaalis nalang siya bigla. Hindi ko siya maintindiham, ang babaw ng dahilan para kagalitan niya ako ng ganyan. Parang bigla tuloy akong nahiyang lumapit sakanya.
BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...