------------------------------------
~•Demon's Tears•~
------------------------------------
*DAEMON'S POV*
'Marga and Daemon
Forever'
Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Marahil maituturing itong isang magandang tanawin para sa ibang taong nakakakita pero para sa'kin isa itong parusa na nagdudulot sa puso ko ng labis na sakit.
Masakit.
Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam.
Ang masama pa, isang nerd lang ang ang nagdudulot sa'kin ng ganito.
Si Marga.
Yung nerd na lagi kong inaasar at pinagtitripan, yung nerd na laging gumagawa ng mga school requirements ko, yung nerd na laging nandiyan sa mga laro ko, yung nerd na hindi marunong magsuklay o mag-ayos ng mukha, yung nerd na walang pakialam sa mundo, yung nerd na mahilig tumambay sa lumang library building at yung nerd na minahal ko.
Yumuko ako at pinunasan ang umaagos na luha sa aking mukha.
Okay lang sana kung hindi siya dumating dahil busy siya but knowing that she's with Gian, it hurts. Pero ano pa nga ba'ng magagawa ko? Si Gian ang mahal niya e. Si Gian ang mas gusto niyang makasama kaysa sa'kin.
"One bucket of beer, sir!" ibinigay sa'kin ng waiter ang isang tuong ng beer. Hindi ko alam kung nakailang bote na 'ko pero kahit gaano pa karami ang nainom ko pakiramdam ko'y hindi ako nalalasing.
Gusto ko magwala at sumigaw ng malakas para pakawalan ang sakit pero naisip ko, ayoko ko nang magmukhang tanga ulit.
Bakit ngayon pa, Marga? Ngayong may lakas na ako ng loob na sabihin sayong mahal kita tiyaka ka pa napunta sa iba, at kay Gian pa.
Noon pa man mahal ko na si Marga. Nagkagusto ako sakanya noong mga bata pa kami, lagi ko rin siyang inaasar noon pero siya rin kadalasan ang kalaro ko dahil wala naman akong kapatid o ibang kaibigan pero gaya nga ng sabi ng iba, the more you hate, the more you love and I learned to like her as a year passed by.
Nagkahiwalay lang kami nang mag-resign ang nanay niya bilang katulong namin, magkaiba narin kami ng pinasukang school nang tumuntong kami ng high school. Inaamin ko sa sarili ko noong mga panahon na 'yon na nakaka-missed din pala siya, parang hindi kompleto ang araw ko na hindi ko siya nakikita at dahil sa pangungulila ko sakanya, na-realize ko kung gaano ko na pala kamahal ang nerd na laging kong inaasar.
Dumaan ang mga taon, matagal din kaming hindi nakita at sa mga panahon na hindi ko siya nakasama nagmahal ako ng ibang babae but it didn't work out and it ends up into a painful break up. Matapos no'n wala na akong sineryosong babae ganun pa ma'y marami parin akong pinasukang relasyon na kung tutuusin ay hindi rin naman nagtatagal. That time, I think to myself that I was unfortunate in love until one day, the nerd who used to be my first love came back.
Wala parin siyang pinagbago, siya parin yung nerd na lagi kong inaasar noong mga bata pa kami at dahil sakanya muling tumibok ang puso ko. Nang muli kaming magkita, inisip kong baka siya na nga ang babaeng itinadhana sa'kin kaya sinabi ko sa aking sarili na hindi ko na siya pakakawalan pa.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomansaShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...