Chapter 27

211 5 0
                                    

-------------------------------------
~•Walang Friends•~
-------------------------------------





*MARGA'S POV*




Balik na naman sa Gardenbelle ang lahat, umaasa ako na magiging normal din ang lahat sa pagitan namin ng mga kaibigan ko kaya nang mag-break ay pumunta agad ako sa science park para makipagkita sakanila.

Mula sa malayo, nakita ko sila Vixen at Nomi na masayang nag-uusap sa isang lamesa kung saan kami laging umuupo. Nagtatawanan pa sila at nag-aasaran, naiinggit tuloy ako. Gusto kong makisali sakanila pero bago 'yon aayusin ko muna ang sigalot sa pagitan namin.

Sana ngayon may gana na silang pansinin ako.

Sila lang ang kaibigan ko dito sa Gardanbelle at hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kung pati sila iiwasan narin ako tulad ng ibang estudyante dito but I won't let that to happen, hindi lang dito matatapos ang pagkakaibigan namin.

Naglakad ako papunta sakanila.

"Nakapagpa-picture ka ba kay Eli? Yung hot papa do'n sa engineering department?" kinikilig na tanong ni Vixen kay Nomi, as usual lalaki na naman ang pinag-uusapan nila.

"Siyempre, ako pa ba. Na-i-post ko na nga e, like mo hah!" malanding sagot ni Nomi na expert sa panlalaki sa aming tatlo.

"Na-post mo na agad! Pokpok ka talaga."

"Aba'y siyempre! At alam mo ba, may nakapa ako."

Sa sarap ng pag-uusap nilang dalawa, hindi man lang nila namalayan na nasa likod lang nila ako.

"Nakapa ang alin?!"

"Yung, hahznush."

May binulong si Nomi kay Vixen, kita ko namang nanlaki ang mata ni Vixen sa sinabi niya. "Ano?! Ang manyak mo, buti pumayag siya."

"Oo. Bakla din yata yung si Eli pero 'wag ka, daks siya," itinaas pa ni Nomi ang ruler niya para i-emphasized ang sinasabi niyang daks.

"WAAAAHH!!! Marami paring pinagpala sa Pilipinas, haha!" kinikilig na sabi nila matapos nilang humiyaw ng pagkalakas-lakas. Hayy, Grabe! Nabingi yata ako.

Sa tingin ko ito na ang pagkakataon para kausapin ko sila. "Bessy! Bakla!" tinawag ko sila sa tawagan namin sa isa't isa.

Napatingin sila sa'kin nang magsalita ako pero panandalian lang 'yon dahil agad din silang nag-iwas ng tingin. Nagkatinginan silang dalawa at ang kanina'y masasayang mukha ay napalitan ng poot.

Hindi nila ako pinansin, parang wala silang nakikita lalo na si Vixen na halos ayaw tumingin sa'kin. Si Nomi naman pasulyap-sulyap lang ng tingin.

"Vixen, gusto ka sana kayong maka--" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Vixen sa upuan niya sabay kinuha ang kanyang mga gamit sa lamesa.

"Balik na tayo, Nomi. Baka ma-late pa tayo sa next subject natin," pag-aaya ni Vixen kay Nomi. Tinignan muna ako ni Nomi at pilit akong nginitian bago siya tumayo. Umalis sila nang hindi nagbibitaw ng kahit isang salita sa'kin. Mukhang hindi pa sila handang kausapin ako ngayon pero hindi ako susuko, best friend ko sila kaya hindi ko dapat sila sukuan. Kilala ko sila, kailangan ko lang silang lambingin.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon