--------------------------------
~•Sabwatan•~
--------------------------------
*MARGA'S POV*
Batid kong hindi nagustuhan ni Inay ang pag-uwi ko ng dis-oras ng gabi, nakikita ko 'yon sa reaksyon ng mukha niya. Aminado naman akong hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang pag-e-enjoy ko kasama si Sera pero ano't ano pa man, na-late parin ako ng uwi at iyon ang ayaw na ayaw ni Inay.
"Inay, patawad po kung ginabi ako ng uwi," paghingi ko ng paumanhin sakanya.
"Saan ka nagpunta?!" istriktong tanong niya sa'kin.
"Guma--"
"WAG KA MAGSINUNGALING!!! SAAN KA NAGPUNTA?!" nagtaas na siya ng boses. Mabait si Inay pero masama siya kung magalit.
Sa huli'y wala na akong nagawa pa kundi ang sabihin ang totoo. "S-Sinamahan ko po ang kaibigan ko sa mall."
Yumuko ako at nilaro ang mga daliri ko. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Nasaan ang salamin mo?!" tumingin ako sakanya nang hanapin niya ang salamin ko.
"Inay," hindi ko alam kung bakit niya hinahanap sa'kin ang salamin ko. Naka-contact lens ako kaya hindi ko ito suot.
"Nasaan ang salamin mo?" madiin na sabi niya. "Akin na!" dali-dali ko itong kinuha mula sa aking bag at ibinigay ito sakanya.
Kinuha niya naman ang salamin at isinuot ito sa mata ko. "Hindi ikaw ang anak ko. Hindi ikaw si Marga."
"Nay," nagsimula na akong umiyak. Sa ginagawa niya ngayon malinaw na hindi niya nagustuhan ang pagbabago ng itsura ko.
Hinawakan niya ang buhok ko at ginulo ito sa pagkakaayos. "Tama na po, Inay!" wala siyang pakialam kahit nasasaktan na ako ngunit ganun pa ma'y hindi ko ginawang manlaban dahil alam kong hindi niya gustong gawin 'to sa'kin.
Kumuha naman siya ng panyo upang punasan ang make-up sa mukha ko.
"Nay, tama na."
"Ayokong magbago ka. Mas gusto ko yung dating ikaw!"
Matapos niya guluhin ang mukha ko, umupo ako sa sofa at tahimik na umiyak habang siya ay nakatayo sa harap ko.
"Bakit, Inay? Hindi niyo ba nagustuhan? Hindi niyo ba gustong gumanda ako kasi ako gustong-gusto ko e," nakakasawa ng maging ako. Buong buhay ko lagi nalang akong kinukutya at minamaliit ng mga tao dahil sa buwisit na mukhang 'to. "Ayaw niyo ba akong maging masaya, Inay?"
"At sa tingin mo ito ang makapagpapasaya sayo?" nagsimula narin siyang maging emosyunal. "Hindi mo kailangang baguhin ang sarili o ang itsura mo para lang sabihing maganda ka dahil kapag binago mo ang sarili mo malinaw na hindi ikaw 'yon. Kakabit ng pagkatao mo ang iyong panlabas na kaanyuan, 'yan ang tandaan mo, anak."
"Hindi niyo kasi naiintindihan inay e. Masama ba'ng hangarin ko na gumanda ako? Masama ba, Inay?" hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang maging kaaya-aya ang itsura ko. Walang tao ang hindi hinangad na gumanda, at katulad lang din nila ako.
"Maganda ka, Marga. Sa paningin ko ikaw ang pinakamaganda, maganda ang kalooban mo, malinis ang pagkatao mo at mabuti ang puso, iyon ang tunay na kagandahan para sa'kin."
Ganyan naman lagi ang sinasabi ng iba, hindi ka maganda pero malinis ang kalooban mo and that's unfair because beauty is for everyone. Kung habambuhay akong magiging ganito para lang akong white canvass na kung sino-sino nalang ang pumipinta.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomansShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...