Chapter 43

170 4 1
                                    

------------------------------------
~•Punch of Love•~
------------------------------------





*MARGA'S POV*




Habang naglalakad ako sa hallway napansin kong kaunti lang ang mga pumasok ngayong araw. Martes palang naman ah, usually biyernes ang pinakamatumal na araw dito sa Gardanbelle University. Araw kasi iyon ng mga activities na ginawang gimikan ng mga patapong estudyante.

"MARGA!!!!" sigaw ng isang lalaki mula sa malayo na tumatakbo papunta sa'kin.

"Ferb?!"

Tama, si Ferb nga iyon. Kaklase ko siya sa quantum physics. Bakit siya tumatakbo at parang natataranta? Natatae ba siya at napagkamalan niyang inodoro itong mukha ko?

"Marga!" hingal na hingal siya nang makarating siya sa harap ko.

"O, Ferb!"

"Si Gian!" sabi nito habang naghahabol ng hininga. Pwede naman kasi siyang maglakad tapos tumakbo pa siya, balak niya yatang maging member ng track and field team e.

"Bakit?! Anong mayroon kay Gian?" tanong ko.

"Si Daemon!"

Huh? Teka, ang gulo. Akala ko ba si Gian tapos ngayon naman si Daemon, ano ba talaga?!

"W-Wait lang hah. Hindi kasi kita maintindihan e, huminga ka nga muna. Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! Inhale!" sinasabayan ko talaga siya sa bawat paghinga niya.

Nang bumalik sa normal na proseso ang kanyang respiratory system tiyaka ko palang siya nakausap ng maayos. "Si Daemon at Gian, nagsusuntukan sa labas ng Gate 2!"

Bigla kong naibagsak ang mga hawak kong libro dahil sa sinabi niya. Hindi ito agad na-proseso ng utak pero nang kumabog ng malakas ang dibdib ko ay doon palang ako parang natauhan.

Si Daemon at Gian, nagsusuntukan?

"A-Ano?!" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Puntahan mo na sila, Marga. Malala na ang tama nilang dalawa."

Hindi pwede 'to.

Nangyari na ang kinatatakutan ko, nagkakasakitan na silang dalawa. Dahil ba ito sa'kin? O dahil sa matagal na nilang alitan? Anuman ang dahilan ay kailangan ko silang puntahan upang pigilan bago pa tuluyang may mapahamak sa isa sakanila.

Tumakbo ako sa direksyon papuntang Gate 2, isang malaking gulo kapag nagsagupaan silang dalawa.

"Marga!" hindi pa ako nakakalayo nang muli akong tawagin ni Ferb.

"Bakit?!" tanong ko sakanya. Bakit lumulobo ang pisngi niya?

Hindi niya ako sinagot bagkos ay itinuro niya ang bibig niya. Huh, ano ba'ng kamemahan ang pinaggagawa niya? Tinitrip niya ba ako?

"Hindi kita maintindihan, sabihin mo kasi sa'kin ng maayos. Wala akong oras para makipaghulaan sayo," sabi ko sakanya.

"P-Pwede na ba akong huminga?!" hirap-hirap na sabi niya.

Santisima! Sa inhale nga pala kami tumigil kanina. "O sige, exhale!" wika ko bago ako tuluyang umalis upang puntahan sila Daemon at Gian.

Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa maari kong makita. Kinakabahan ako para sakanilang dalawa, hindi ko alam kung kakayanin ko kapag isa sa kanila ang mapahamak. Kapag nagharap sila siguradong hindi nila bubuhayin ang isa't isa pero parating na ako, mahihirapan akong awatin sila pero gagawin ko ang lahat upang hindi magkatotoo ang kinatatakutan kong mangyari.

PossessivelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon