---------------------------------
~•Panunuyo•~
---------------------------------
*MARGA'S POV*
Isang linggo matapos may mangyari sa'min ni Daemon, pinilit kong maging normal ang mga araw ko. Papasok sa school, makikipag-lambingan kay Gian at uuwi pabalik sa bahay. This is my life after that obominable night happened.
Naging madali ba?
Siyempre hindi, dahil walang araw na hindi pumasok sa isip ko ang araw na gumising ako sa kama ng isang lalaki, walang suot na damit at katabi si Daemon. Galit parin ako sakanya, hindi naman agad mawawala 'yon.
Iniwasan ko siya sa lahat ng paraan na magagawa ko. Kapag nakikita ko siya, ako na agad ang lumalayo, pati si Sera iniiwasan ko rin dahil kung nasaan siya tiyak nandun din si Daemon. Para akong kriminal na laging nagtatago sa pulis pero kung yun lang paraan para maiwasan siya, araw-araw ko talaga siyang tataguan.
Sa halip na isipin ang mga nangyari, nagpo-focus nalang ako kay Gian. Palihim akong nagkasala sakanya kaya nandito ako para bumawi. Binibigay ko ang lahat ng gusto niya, papasayahin siya sa kahitanong paraan, sasamahan sa kahitsaan pero sa mga araw na nakasama ko siya, ramdam ko sa sarili ko ang pagbabago. Ganun parin naman ang pakikitungo ko sakanya pero wala nang kilig at yung spark na tinatawag kapag nakikita ko siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin, nagsimula ito nang sabihin sa'kin ni Daemon ang nararamdaman niya.
Buong linggo ko nga siyang naiwasan pero oras-oras niya namang ginugulo ang isip ko. Hindi ko na alam. Si Gian lang dapat ang iniisip ko ngayon pero laging sumisingit si Daemon. Alam niyo yung feeling na kriminal siya sa puso at isip ko na dapat iwasan pero sa huli'y siya pa ang nakatanggap ng special treatment. Ewan ko ba. Tinotopak din ba ang mga puso? Kasi itong sa'kin nasisiraan na talaga e.
Binuksan ko ang locker ko at kumuha ng ilang librong gagamitin ko for the next subject, nang makuha ko ang lahat ng kailangan ko ay isinara ko narin ang pinto pero laking gulat ko nang biglang tumambad sa gilid ko ang taong pinakaiiwasan ko, si Daemon. I was a bit shocked when I saw him but keeping my face not showing any reactions nor emotions.
"May kailangan ka ba?! Kung wala aalis na ako," I said coldly.
After that night happened, nothing will be the same anymore. It won't be the way how I treated him before. Everything changed since that night.
Nang hindi siya magsalita ay tumalikod ako upang umalis pero hindi ko pa naihahakbang ang paa ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
I immediately felt the electricity running over my body. And that electrifying feeling goes directly to my heart which causes it to beat so fast. This feeling again. I've been avoiding this since then. I forced my hand to get out of him but due to too much adrenaline, I get out of balance and so imminent to face the floor pero hindi iyon nangyari dahil nasalo niya agad ako. The moment he catches me, nagtama agad ang mga mata namin and the involuntary activity of my heart beats even more faster.
"Bitiwan mo nga ako, 'wag mo ako hahawakan!" naiinis na sabi ko sakanya.
"Kapag binitiwan kita baka tuluyan kang ma-fall," he said amusingly.
I rolled my eyes. Kusa akong tumayo at pagkatayo ko ay agad ko siyang itinulak palayo sa'kin. Tumingin ako sa isang gilid, ayoko ko makita ang mukha niya dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, galit ba o yung strange feelings ko sakanya.
"Hindi ba sabi ko layuan mo na ako. Iniiwasan na nga kita ikaw naman 'tong lapit ng lapit sa'kin. Hindi ka ba talaga nakokonsensya sa nagawa mong kababuyan sa'kin?"

BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...