--------------------------
~•Gotcha•~
--------------------------
*MARGA'S POV*
Takip-silim na pero nandito parin kami sa bahay nila Gian. Kanina pa dapat kami umuwi kaso sinabihan ako ni Tita Diana na dito nalang ako mag-dinner, nahihiya naman akong tumanggi dahil ayokong isipin niya na kill joy ako o maarte. Hindi parin kami nagkakaroon ng closure ni Tita dahil simula nang mag-usap kami ni Gian ay dumeretso na ito sakanyang kuwarto.
Upang hindi mainip ay inilibot ako ni Gian sa buong mansyon at sabay kinuwentuhan ako tungkol sa buhay nila. Kahitpapaano'y nalibang naman ako at mas lalo ko pa siyang nakilala.
"Ma'am, Sir, pinapatawag na po kayo ni Senyora Diana sa dinning room," sabi ng isa sa mga maid habang nasa garden kami.
"Sige, sabihin mo susunod na kami," wika ni Bryle at pagkaraa'y umalis na rin ang katulong.
"Tara na," hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Tumingin ako sakanya ng may pagaalinlangan. "O, huwag mo sabihing kinakabahan ka parin hanggang ngayon," natatawang wika niya.
"Parang ayaw naman kasi sa'kin ng mommy mo," malungkot na sabi ko.
"Sinong nagsabi?! Wifey, ganun lang talaga ang mommy ko pero hindi ibig sabihin na hindi ka niya gusto."
Ngumuso ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Palubog na ang araw at ang mga bituin ay nagsisimula nang magbigay-buhay sa kalangitan.
"Gian, anong nagustuhan mo sa'kin? Bakit ako pinili mo? Bakit ako ang minahal mo?" bigla kong tanong sakanya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga tanong na 'yon basta bigla nalang lumabas ang mga ito sa bibig ko.
Tumagal ng ilang minuto bago niya sinagot ang tanong ko. "N-Nasabi ko na sayo 'di ba? Mahal kita kasi napapasaya mo 'ko," sagot niya.
Ngumiti ako ng mapakla sa ibinigay niyang sagot sa'kin. Ilang ulit ko na kasing narinig ang mga ganyang linyahan sa pelikula, pocketbook at maging sa ibang tao pero hindi iyon ang inaasahan kong sagot mula sakanya, bigla ko tuloy naalala si Daemon.
'Hindi lang ito basta kalokohan. Totoong mahal kita, hindi ko alam kung kailan o saan nagsimula pero habang kasama kita nalaman ko na mahal na pala kita. Hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ka, pakiramdam ko kulang ako kapag hindi kita kasama, wala kabuluhan ang buhay ko kapag hindi kita inaasar at pinagtitripan. Ikaw ang bumubuhay sa'kin, Marga. Maniwala ka sa'kin, mahal na mahal kita.'
'Alam kong napakagago ko. Ako ang pinakagagong tao na nakilala mo at mas lalo pa akong naging masama sayo dahil sa nagawa ko pero kahit gago ako marunong naman akong magmahal.'
'Pwede ba kitang ligawan?! Yun ang tanong na gustong tanungin sayo pero bago ang tanong na 'yon, gusto kong ipaalam sayo kung gaano kita kamahal. Alam kong nagdududa ka, kahit naman ako duda rin sa nararamdman ko sayo pero noong gabing iyon buo na ang loob kong sabihin at iparamdam sayo ang pagmamahal ko'
'Pero huli na e, kayo na ni Gian. Nakuha ka na niya at ang masakit pa ro'n siya naman talaga ang mahal mo. Masyado akong nagpakampante na walang ibang magkakagusto sayo maliban sa'kin at nagkamali ako, dahil hindi ka naman kasi mahirap mahalin. Ang mali ko lang hindi agad ako umamin sayo, hindi ko agad nasabi ang nararamdaman ko, naging torpe ako at dahil do'n nawala ka sa'kin.'
Hindi ko maintindihan kung bakit si Daemon na naman ang nasa isip ko ngayon pero kakaiba ang nangyari ngayon, hindi siya basta pumasok nalang sa isip ko gaya ng dati dahil ako mismo ako nag-udyok sa sarili ko na isipin siya.

BINABASA MO ANG
Possessively
RomanceShe is Margarette Del Monte, the most unrecognizable woman in town. She used to be a nerd and a bookworm in school. She's invisible in the eyes of everyone like she doesn't exist in this world but it all ends when Daemon Alcantara comes into her lif...