Nag-inat ako ng kamay sabay hikab.Kakatapos ko lang magbasa ng ituturo ko bukas sa mga bata sa school.
Napatingin ako sa orasan. Alas syete na pala ng gabi pero wala pa rin sina lola. Siguro busy na naman siya sa pagma-mahjong do'n sa fiesta na pinuntahan nila ni lolo.
Matutulog na lang siguro ako. Inaantok na kasi ako.
Tumayo ako mula sa upuan saka dumungaw sa bintana, nagbabakasakaling makita kong pauwi na sina lolo at lola. Pero ni isang tao ay wala akong nakita na naglalakad sa labas.
Mamaya pa siguro sila uuwi kaya matutulog na lang ako.
Isasarado ko na sana ang bintana namin pero parang may napansin akong gumalaw sa may damuhan.
Napakunot ang noo ko.
Ano kaya 'yon?
Nawala ito ng sandali pero sinubaybayan ko pa at nagulat ako no'ng may gumalaw na naman.
"S-Sino 'yan?"
May multo ba rito sa amin? Nako 'wag naman sana. Mag-isa pa naman ako rito sa bahay ngayon.
Dahil isa akong pusa at gaya ng sabi nila na curiosity kills the cat, mas gusto kong alamin kung ano 'yong gumagalaw.
Hindi naman siguro ako mamamatay kapag inalam ko 'di ba?
Binuksan ko ang pinto ng bahay at saktong umihip ng malakas ang hangin. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan.
"Diyos ko, ilayo niyo po ako sa multo," mahinang dasal ko.
Dahan-dahan akong naglakad papunta doon sa parte kung saan ko nakita ang paggalaw ng halaman.
"M-May tao ba riyan?!"
Wala namang sumasagot o gumalaw ulit.
Namamalikmata lang ata ako. Hindi kaya hayop 'yon? Pero bakit wala akong nakita ni ano? Naghintay pa ako ng kaunti tapos bigla akong napaatras sa gulat no'ng may gumalaw na naman.
Natakot ako lalo na at mas malapit na kasi ako sa kung saan ang gumalaw.
Feeling ko, maiihi ako anytime sa kaba.
"Maria, ikaw ba 'yan?!" sigaw ko.
Humangin na naman.
Nagdasal ako habang palapit sa damuhan. No'ng malapit na ako, gamit ang kamay ko ay hinawi ko ng kaunti ang matataas na mga damo at—-
"Ahhhhh!!!" Napasigaw ako sa gulat.
Muntik pa akong matumba.
"Kainis ka naman, Maria, oh! Letse ka. Akala ko kung ano na. Ano ba kasi ang ginagawa mo riyan ha?!"
Napahawak tuloy ako sa dibdib ko sa gulat.
"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Doon ka na nga!"
"Aww aww!"
"Oo, kainis ka. Alis na riyan," pagtaboy ko sa aso naming babae na si lola pa ang nagbigay ng pangalan.
Sinunod naman ako nito at naglakad na papunta doon sa likod ng bahay namin.
"Kainis ang aso na 'yon. Pinakaba pa ako."
Aso lang pala. Akala ko kung ano na.
Makabalik na nga sa loob ng bahay.
Tumalikod ako at saka ako humakbang na. Na-curious lang siguro ako dahil sa gusto kong malaman kung ano 'yong nakita ko.
Nakailang hakbang pa lang ako pero napatigil na agad ako no'ng may narinig akong boses kaya napahinto ako ng lakad.
"H-He—elp."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Sino 'yon? M-Multo? May multo?!
Diyos ko, maawa kayo. Huwag niyo po akong ipakain sa multo ngayon. Ayoko pa pong mamatay ng single. Hayaan Niyo pa po akong mabuhay para mabigyan ng apo sa tuhod sina lola.
"H-Help."
Shocks. May nagsasalita nga.
Pero hindi naman ito multo. Parang boses tao naman ito. Teka, may multo ba na nagsasalita?
Nako ewan. Sa mga horror movies na napanuod ko ay wala namang may nagsasalita eh. Nananakot lang sila.
"Sino 'yan?" tanong ko pagkalingon ko sa likod ko.
Napakunot ang noo ko no'ng may gumalaw sa likod ng pwesto ko kanina sa damuhan. Hindi ito kalayuan mula sa akin kaya bumalik ako doon.
"Hala!"
Napasinghap ako sa gulat no'ng may nakita akong mamang lakaki na nakahiga sa damuhan.
"Kuya? Anong ginagawa niyo riyan? Wala ba kayong bahay at diyan niyo naisipang matulog?!"
"H-help m-me," narinig kong sabi niya at no'ng tiningnan ko siya ng mabuti ay nagulat na naman ako.
Bakit?
Kasi duguan lang naman po siya!
Nagdadalawang-isip tuloy ako kung tutulungan ko siya.
Baka masamang tao ito kasi bakit siya may dugo? Nakipag-away ba siya? Naaksidente? O baka criminal ito at hinahabol ng mga police?!
Lagot na. Bahala siya riyan. Aalis na ako. Ayokong madamay sa gulo.
Pero nakailang hakbang pa lang ako ay parang tinubuan na ako ng konsensya. Nakokonsensya ako sa pag-iwan sa kanya.
Sabi pa naman nina lolo at lola sa akin na maging matulungin sa kapwa at don't judge the book by its cover daw.
Baka mabuting tao naman siguro siya. Saka humihingi siya ng tulong. Sino ba naman ako para hindi tumulong sa taong nangangailangan? Saka wala nang ibang tao na nandito para tulungan siya. Ako lang naman ang nandito ngayon.
"Aish! Sige na nga," inis na sabi ko saka binalikan ang lalaking nakahiga sa damo.
Miss Kae @KaeJune
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AçãoWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...