Noong araw na sinabi sa akin ni Tom na ako ang habol ng Lucre Mafia, mas lalo akong hindi mapakali at mas naguluhan.Hindi ko lubos maisip kung bakit ako? Ang tanging naiisip kong rason ay dahil asawa ako ni Tom kaya gusto nila akong patayin para gumanti sa kanya. O kaya dahil ako ang ina ng anak niya at ayaw nilang dumami ang lahi niya.
Siguro iyon nga ang rason.
Pero hindi ako matahimik hanggat hindi ko alam ang totoong motibo nila. Gusto kong malinawan. Pero ayaw naman sabihin sa akin ni Tom ang totoo. Alam kong may alam siya. Pero bakit ayaw niyang malaman ko?
Ilang araw din akong nag-isip. Ilang araw akong nag-ipon ng lakas ng loob bago ko kinausap ang asawa ko.
Naabutan ko siyang nakaupo at nakaharap sa laptop niya. Parang hindi niya napansin ang pagdating ko dahil tutok na tutok siya sa ginagawa niya.
"Tom."
Agad naman siyang lumingon sa akin pero saglit lang dahil binalik din niya agad ang mga mata sa laptop.
"Yes?" sagot niya habang nagtitipa ng keyboard.
Napalunok ako bago nagsalita. Bakit kasi kinakabahan ako eh asawa ko naman ang kakausapin ko?
Kaya ko 'to.
"G-Gusto ko sanang . . . " Napatigil ako dahil parang nawalan ako ng lakas ng loob.
Nagtaka naman siya kaya umangat siya ng tingin sa akin. "What did you say that you liked?"
"Gusto ko sanang ma-involve sa . . . " Napalunok ulit ako bago nagsalita ulit " . . . sa m-mafia."
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko pero agad din namang napalitan iyon ng pagtataka saka siya naging seryoso.
"Why?" seryosong tanong niya. Napailing siya at bago pa ako nakasagot ay nagsabi siya agad ng, "No." Saka agad na binalik ang tingin sa laptop niya.
Ang bilis naman niyang magsabi ng 'no' eh hindi pa nga niya narinig ang paliwanag ko. Tsk.
Lumapit ako sa kanya.
"Pero, Tom, gusto kong tumulong. Gusto kitang tulungan lalo na at madami ka nang inaasikaso."
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa laptop niya.
"Tom, alam ko na nagtataka ka pero ilang araw ko na kasing iniisip kung paano ako makakatulong sa 'yo."
Huminga siya ng malalim sabay sabing, "Still a no."
"Tom naman eh."
Hindi siya sumagot na para bang wala siyang may narinig.
Mas lalo akong lumapit sa kanya. Napalakas ang hampas ko sa table niya kaya nagulat siyang napaangat ng tingin sa akin.
"Tom, pumayag ka na."
"Since when did you get interested with the mafia?" kunot-noong tanong niya.
Napakagat ako ng labi. "H-Hindi ko rin alam. Basta ang gusto ko lang ay suportahan ka at tulungan sa kahit anong paraan. Gusto kong maging parti ng buhay na kinalakihan at minahal mo."

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AcciónWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...