Chapter 28

18.5K 362 9
                                        


Ilang araw na ang lumipas at gano'n pa rin ang sitwasyon ko. Nakakulong pa rin ako sa kwarto. Paulit-ulit lang ang ginagawa ko araw-araw.

Dinadalhan lang ako ng pagkain dito at minsan pumupunta si Manang o si Pardis para kamustahin ako.

Ilang beses na rin akong nakiusap sa kanila na ilabas ako pero bawal nila raw akong palabasin.

Bored na bored na ako rito.

Wala akong ibang magawa kung hindi ang umupo, humiga, kumain, at manuod ng TV saka tumingin sa balcony.

Madalas, iniisip ko ang anak ko tapos bigla na lang pumapatak ang mga luha ko. Hindi pa rin ako naka-move on sa nangyari sa kanya. Parang kailan lang ay hinehele at pinapadede ko lang siya.

Minsan ko lang din nakikita si Tom nitong nakaraang mga araw dahil sa maaga siyang umaalis tapos sa gabi na siya umuuwi kapag tulog na ako.

Iniiwasan niya ba ako? O baka may ginagawa lang siya. Ewan ko kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

Wala akong balak na alamin kung ano 'yon dahil baka mawindang lang ako sa malalaman.

Ngayon ko lang ulit siya nakita sa umaga. Usually kasi paggising ko ay wala na siya. Ngayon, gising na ako at nandito pa siya sa kwarto.

Kanina pa ako gising pero ayaw ko pang bumangon. Pinanuod ko lang siyang pumasok at lumabas ng banyo tapos nagbihis sa closet niya.

Paminsan-minsan ay ngumingiti siya sa akin pero hindi ako nagre-react. Walang emosyon ang mukha ko habang nakatingin sa kanya kaya agad ding nawawala ang ngiti sa labi niya.

Pagkatapos niyang magbihis ay ugali na niyang pumunta sa akin para bigyan ako ng halik bago umalis.

Pero ngayon, pagkatapos niyang humalik ay nanatili siya sa tabi ko at umupo sa gilid ng kama saka tumitig sa akin.

"Wife, you've been like that since you came here. I am so worried. What can I do to make you feel better?"

Napaangat ako ng tinin sa kanya.

"But please, don't ask me to let you go because I won't ever do that."

Umiwas ako ng tingin.

Akala ko gagawin na niya ang kung ano man ang gusto ko at hahayaan na niya akong makaalis dito pero hindi pala.

"Wife," pagsusumamo niya saka niya hinawakan ang kamay ko at hinalikan.

"Please, Sarah. Say something."

Ilang araw ko ng iniisip ang situation namin. Minsan naiisip ko na kailangan ko na talagang unti-unting tanggapin na ito na ang asawa ko —na ito na ang Tom na minahal ko. Pero ang hirap, eh.

Masakit man sa akin ang pagkawala ng anak ko pero alam kong mas masakit sa kanya kapag nakikita niya ang parents niya na ganito.

Gusto kong bigyan si Tom ng chance. Pero magbabago kaya siya?

Tinitigan ko siya ng mabuti. Kung ayaw niya akong pakawalan, baka makumbinsi ko siya sa ibang bagay.

"Kapag sinabi ko bang iwan mo ang pagiging mafia ay gagawin mo ba?"

Agad na napanganga siya. Hindi niya inasahan ang tanong ko.

"Wife . . . you know I can't do that."

Napangiti ako ng mapait. Hindi niya kayang iwan ang buhay mafia niya.

Hindi niya kaya.

Akala ko pa naman ay posible. Pero hindi man lang siya nag-isip muna bago sumagot. Desidido siyang hindi iwan ang mafia. Gaano ba ka-importante sa kanya 'yan?

"The mafia has been around for decades, even before I was born. Believe me, I did  not choose this kind of life. I was already destined to be one bago pa ako pinanganak. I love you, Sarah, but please don't make me choose. I can't just let this go. My Dad entrusted this to me. Maraming umaasa sa akin. Magkakagulo ang angkan if I quit being their leader. So please, wife, ask me something else but not that."

Napabuntong-hininga ako ng malalim.

Ngayon alam ko na kung gaano ka importante kay Tom ang mafia. Hindi niya ito pwedeng iwan.

Pero paano na? Hindi ito ang buhay na gusto ko. Mahal ko si Tom pero hindi ko pinangarap ang mapabilang sa mafia na 'yan. At alam ko rin na hindi niya ako papakawalan dahil mahal niya ako.

Pwes, gagamitin ko ang pagmamahal niya na 'yan at ako mismo ang gagawa ng paraan para makuha ang kalayaan na gusto ko.

Tumingin ako ulit sa kanya.

Malambot ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nakikita kong nalulungkot siya at nasasaktan dahil sa hiningi ko na hindi niya magawa.

"Kung hindi mo kayang iwan ang mafia, palabasin mo na lang ako rito. Huwag mo akong ikulong dito."

"I hate doing this to you, wife, but I don't want you to leave. Kahit masakit sa akin, I have to do this to keep you from leaving me."

"Tao rin ako, Tom. Hindi ako mabubuhay kung sa kwarto lang ako. Hayaan mo naman akong lumabas ng kwartong ito. Kahit diyan lang sa baba. Hindi naman ako tatakas eh. Gusto ko lang ng may ginagawa maliban sa humilata rito. Kilala mo ako. Hindi ako sanay na walang ginagawa. Nababagot na ako rito."

"I know you like to be busy. I admire how hardworking you are. I am a lucky man to have a wife like you."

Lagi niyang sinasabi sa akin kung gaano siya ka-swerte na ako ang asawa niya.

Parang tumalon sa tuwa ang puso ko dahil nasasabi niya pa rin iyan kahit na marami nang nangyari at marami na akong binitawan na masasakit na mga salita sa kanya.

Ayokong makita niya ang epekto ng sinabi niya sa akin kaya pinigilan ko ang mapangiti.

"I will let you go out of this room. But promise me that you will stay inside the house. You can't leave the property."

Nabuhayan ako dahil sa pagpayag niya. Tumango ako sa kanya.

Ngumiti siya saka niya ako niyakap at hinalikan sa ulo.

Hindi ko mapagkaila na na-miss ko itong yakap niya. Na-miss ko ang madalas na lambingan namin noon.

"Thank you. I love you, wife."

Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Saan ka pupunta?" tanong ko no'ng tumayo na siya at inayos ang damit na suot niya.

"I'm going to work. Marami akong inaasikaso sa opisina. Besides, I need to keep working. I have a wife to feed and to spoil."

Namula ako sa sinabi niya. Napaiwas ako ng tingin.

Saka oo nga pala. May negosyo rin pala siya. Nakalimutan ko na maliban sa mafia, businessman din pala siya. Hindi ko lang alam kung anong klaseng negosyo. Basta ang alam ko ay inaasikaso na niya iyan kahit dati pa.

Gaano kaya kalaki ang negosyo niya at bakit naging ganito kalaki ang bahay niya?

Illegal kaya 'yon kay naging ganito ang resulta? Ayaw kong mag-isip ng masama pero kasi hindi ko mapigilan. Ewan ko ba pero masama kasi ang tingin ko sa mafia kaya nahaluan na lahat ng mga naiisip ko tungkol sa mga ginagawa ni Tom.

"Sige. Mag-ingat ka."

Tumango siya sa sinabi ko saka ako hinalikan sa labi.

"Will do," sabi niya saka mabilis na hinalikan ako ulit sa labi. "I'm glad my wife is back."

Nginitian niya ako bago siya lumabas ng kwarto.

Napangiti rin ako no'ng nakaalis na siya.

Sa wakas, makakalabas na rin ako rito sa kwarto na 'to.

Umpisa pa lang ito. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ako makakalabas ng bahay niya.

Kailangan ko munang kabisaduhin ang buong lugar at mga pasikot-sikot dito para madali akong makatakas. Ang hirap pa namang takasan ang mga bantay.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon