Chapter 51

20.1K 316 7
                                        

Unti-unti na kaming naka-adjust sa mga nangyari. Sina lolo at lola ay naninibago pa rin dahil sa hindi raw sila sanay dito. Iba kasi ang buhay na kinalakihan namin kumpara sa buhay naman dito.

Pero hindi naman sila nagre-reklamo dahil alam nilang para sa kaligtasan nila kung bakit sila nandito.

Tanggap na rin nila ang situation namin ngayon pati na rin ang pagiging mafia ni Tom at ni Papa.

Ang cool nga raw sabi ni lola.

Gusto nga niya magpaturo kung paano gumamit ng baril pero hindi kami pumayag. Lalo na ako.

'Yong Bert naman na bihag nila Tom ay hindi pa rin nagsasalita kung saan, sino at kung ano ang plano ng boss niya. Sobrang loyal niya talaga sa amo niya na siguro ay kasing sama rin ng pag-uugali niya.

Kinulong siya ng mga tauhan ni Tom at pinapahirapan hanggang sa umamin siya. Pero hindi na ako umaasa na aamin siya.

Napatingin ako sa pinto no'ng may biglang kumatok.

"Pasok."

Napaayos ako ng upo no'ng nakita ko na si Papa ang pumasok ng kwarto.

"Papa, bakit ho?"

"Gusto ko lang maka-bonding ang anak ko,' lambing nito sa akin.

Ngumiti ako sa kay Papa at pinaupo siya tabi ko.

"Papa, hindi niyo naman po kailangang bumawi sa akin. Naiintindihan ko naman lahat, lalo na ang mga pinagdaanan ninyo. Sa apo na lang ninyo kayo bumawi. Mas gusto no'n ng inaaliw siya."

"Bakit bawal ko na bang aliwin ang anak ko? Dahil ba malaki ka na at may asawa?"

Natatawang napailing ako.

"Hindi naman po sa ganoon, Pa."

"Biro lang, anak. Alam ko naman na simula noong bata ka pa ay napaka-independent mo na talaga. Hindi ka umaasa sa amin ng mama mo at ikaw lang ang lumulutas ng sarili mong problema kaya nga proud na proud ako sa 'yo."

"Salamat, Papa. Kayo rin naman ang nagturo sa akin na maging ganoon."

Napangiti si papa saka hinawakan ang kamay ko at nilagay sa mga kamay niya.

"Masaya si papa, anak. Nakikita ko kasi na masaya ang unica hija ko. Wala akong pinaghihinayangan dahil maganda naman pala ang naidulot ng pagkawala ko. Hindi man kita nasilayan na lumaki, lumaki ka namang maayos, matino at mabait. Sinabi sa akin lahat ng lola mo ang tungkol sa paglaki mo kaya proud ako sa 'yo, anak. Nakikita ko rin kung gaano kayo nagmamahalan ng asawa mo. Kontento na ako doon."

"Maswerte po talaga ako sa asawa ko. Salamat din, pa, at tinanggap niyo siya ."

"At bakit naman hindi? Niligtas niya ako at ang prinsesa ko. Deserve niya ang blessing ko sa pagsasama ninyong dalawa."

"Salamat, Papa," sabi ko saka niyakap siya.

Buong araw kaming nag-bonding ni Papa sa bahay kasama si Tristan. Madami kaming ginawa na kaming tatlo lang kagaya ng kumain ng magkasama, maglaro sa garden at magpatulog kay Tristan. Nasa office kasi si Tom kaya nagkaroon kami ng solo moments ni Papa.

Nagpapagaling pa rin si papa mula sa mga pambubugbog sa kanya ng mga kalaban kaya hindi pa siya masyadong malakas. Mabilis din siyang napagod. Ako naman, hindi pa magaling masyado ang sugat ko pero hindi na masyadong masakit.

Masaya ako na kompleto kong kasama ang mga mahal ko sa buhay ngayon. Hindi ko ito kailanman naisip na posible pa palang mangyari ito.

Kaya mas lalo akong naging matapang na harapin ang anumang dumating sa buhay namin dahil kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

Ilang araw na rin akong nagsasanay para maging handa ako sa kahit anong laban.

Naging masaya ang pagsasanay ko dahil si papa ang nagtuturo sa akin. Siya pala ay sobrang galing din. Hindi ko akalain na mabilis siya gumalaw at sobrang galing humawak ng baril.

Napatigil ako sa paglalakad sa hallway nitong bahay no'ng narinig kong nag-uusap sina papa at ang asawa ko sa isang kwarto. Bukas kasi ang pinto ng kwarto kaya naririnig ko sila.

"May lead na tayo, hijo. Sa tingin ko panahon na para tapusin ang kawalang hiyaang ginawa ng lalaking iyon sa akin at sa pamilya natin."

"I agree with you, Papa," sabi ni Tom. "They should pay for what he did to you and to my parents, and to all the innocent victims they killed."

Napasinghap ako. So, ang lalaking hinuhuli namin ay siya ring pumatay sa mga magulang ni Tom?

Kung ganoon, pareho lang din pala kami ni Tom. Parehong pinatay ang mga magulang namin pero sa akin, si papa lang ang nakaligtas. Pero sa asawa ko, wala talagang may nakaligtas.

"We need to meet with the entire mafia. We need to plan all of our actions very carefully. Uunahan natin sila bago pa sila makagawa ng paraan to destroy us."

"Tama ka, hijo. Kailangan nating maging maingat. Ayokong may mawala na naman sa atin. Saka sana may hihilingin lang ako sa 'yo."

"Ano po 'yon, Papa?"

"Kung pwede sana ay huwag mo nang ipaalam itong plano natin sa anak ko. I want her to be safe. Hindi ako panatag kapag nandoon din siya kasama natin sa kung ano man ang gagawin natin. Ayoko siyang masaktan."

"I strongly agree with you, Papa. I don't want my wife to be in danger, too. Pero alam niyo naman po ang anak niyo, matigas ang ulo. She will do anything once she finds out about the plan."

"Alam ko kaya sana magdoble ingat tayo."

"Okay, Pa. I will not tell her about this."

Mabilis akong nagtago no'ng lumingon na sila sa pinto dahil tapos na silang mag-usap.

Balak nilang ilihim sa akin ang planong sumugod sa kalaban.

Hindi ko alam kung dapat bang sumaya ako dahil concern sila sa akin o dapat ba akong magtampo dahil hindi nila ako gustong sumali at tumulong.

Pero ako si Sarah Jared. Hindi ako nagsanay na magpaturo sa pakikipaglaban para lang sa wala.

Para sa ano pa ang mga effort at sakripisyo ko kung hindi ko naman mapapakinabangan 'di ba?

Miss Kae @KaeJune💋

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon