Chapter 17

19.9K 400 6
                                    


Patulog na sana ako pero naramdaman ko ang paggalaw ng kama kaya nagmatyag ako.

Nagtaka ako dahil kaninang 7pm pa sana ang pagkikita nila nung Allen na 'yon pero hindi naman natuloy.

Hinihintay ko na magpaalam siya sa akin na aalis siya pero hindi naman nangyari. Iniisip ko tuloy na baka hindi sila tuloy.

Pero ngayon ay nagbibihis ata siya dahil narinig kong bumukas ang cabinet namin.

Ilang sandali lang ay napansin ko ang paglapit niya sa akin kaya nagtulog-tulogan ako.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa labi ko ng mabilis lang at mahina para hindi ako magising. Ang hindi niya alam ay gising na gising pa ako.

Bumukas at sumarado ang pinto kaya alam kong lumabas na siya.

Mabilis ko namang kinuha ang phone ko at tinawagan si Dolce na bantayan niya muna si baby at pumayag naman siya kahit hindi ko sinabi ang dahilan.

Naging kampante na kasi ako sa kanya. Simula no'ng nagdala siya ng prutas sa bahay, nagkita ulit kami at nagsabi siya na sabihan ko lang siya kung may kailangan akong tulong. Kaya siya agad ang naalala ko na tawagan. Mukhang mabait naman siya, eh. Isa pa, kapitbahay lang namin siya kaya nadagdagan ang tiwala ko sa kanya.

Ilang sandali ay dumating na siya sa bahay kaya umalis na rin ako agad para sundan ang asawa ko.

Alam ko kasi ang lugar kung saan sila magkikita nung Allen.

Naka-baseball cap ako at nag-shades na rin kahit gabi na para hindi ako makilala.

Tama nga ako na sa restaurant sila magkikita dahil no'ng dumating ako sa restaurant na narinig kong sabi ni Tom, nandoon siya at nakaupo kaharap ang isang lalaki na matikas din ang pangangatawan.

Siya na siguro si Allen.

Dahan-dahan akong pumwesto sa table na nasa likod nila. Couch kasi ito at mataas ang sandalan kaya natatakpan ang katabi mong mesa at hindi makikita kung sino man ang mga nandoon. Umupo ako habang sinasabihan ang waiter na tubig at cheesecake lang ang akin.

Dinikit ko ang tenga ko sa upuan malapit sa kanila para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"What's the update sa pinapagawa ko sa 'yo?" rinig kong tanong ni Tom sa kausap.

"Positive, boss. Nandito na sila."

"D*mn. Are you sure?" Parang galit si Tom at nagpipigil lang.

Teka, boss ang tawag sa kanya so ibig sabihin empleyado niya si Allen??

"Pero ginagawa na namin ang lahat, boss, para malayo ang pamilya niyo sa kapahamakan."

Kami ba ang pamilya na tinutukoy niya? Pero bakit naman kami mapapahamak? Saka sinong sila ang sinasabi ni Allen na nandito na? Kaaway kaya ni Tom ang tinutukoy niya na magdadala ng kapahamakan sa amin?

Naguguluhan ako. Pero nakaramdam din ako ng kaba kung sakaling totoo ang pagkakaintindi ko.

"You better make sure. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanila. They are my life now. I won't forgive myself if something happens to them—"

"Ito na po ang order niyo, maam."

"Shhhh!!" mabilis na senyas ko sa waiter. Nagtaka naman siya pero sinenyasan ko na lang na umalis na.

Haist! Hindi ko tuloy narinig ang buong sinabi ni Tom. Kainis 'yong waiter eh!!!

"Boss, bakit hindi na lang kasi kayo bumalik sa Manila? Mas maganda kapag doon kayo tumira. Mas mapro-protektahan mo sila kaysa rito."

Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Tama nga. Kami ang pamilya na tinutukoy niya. Kami lang naman ang pamilya ni Tom na nandito sa lugar na ito.

"You know I can't do that. It's still complicated. I remember asking her. She's so scared about the mafia. If iuuwi ko sila doon, she will get scared."

Ayaw mag-process ng utak ko. Naguguluhan kasi ako.

Bakit naman ako matatakot? Sino ba ang kilala niyang mafia na taga-Manila at parang takot na takot siya para sa akin?

"Sinasabi ko lang po, boss, ang sa tingin kong tamang gawin para sa kaligtasan nila."

"I know. I already thought about that. But based on what she answered when I asked her, I could tell she would freak out when she found out. Hindi ko kayang mawala sila sa akin. I need more time."

Hindi ko na alam kung ano pa ang pinagsasabi nila pagkatapos. Kasi naman ang isip ko kasi ay gulong-gulo na.

Ako iyong 'she' na tinutukoy ni Tom. Ano ba ang gusto niyang sabihin sa akin?

Naguguluhan na talaga ako.

"Kung 'yon po ang gusto ninyo, boss. I respect your decision."

Narinig kong napamura si Tom bigla. Bakit kaya?

"I have to go," sabi niya agad.

"Sige, boss. Tawagan niyo lang po ako anytime."

"Okay. Let's leave now. My wife might wake up anytime now."

Narinig kong tumawa ang kausap niya.

"What's funny?" tanong ni Tom dahil sa pagtawa ng kausap niya.

"Nakakapanibago lang, boss, na marinig mula sa inyo ang ganyan."

"Whatever you say."

Iyon ang sinabi niya saka rinig kong may binigay si Tom sa kanya pero hindi ko alam kung amo. Pagkatapos ay nagpaalaman na silang dalawa sa isa't-isa.

Natapos ang pag-uusap nila sa loob lang ng 30 minutes. Ang bilis ah!

Sinigurado ko na bayaran na kanina ang in-order ko para hindi kami magsabay sa paglabas baka kasi mahuli niya ako, eh.

Sumakay ako agad ng taxi para mabilis akong makauwi. Salamat naman at nauna akong makarating sa bahay dahil wala pa ang kotse ni Tom.

Nagpasalamat ako kay Dolce saka siya pinauwi na.

Sinuot ko ulit ang pajama ko kanina at humiga na sa kama. Sakto naman na pagkahiga ko ay bumukas agad ang pinto. Ibig sabihin ay nandito na si Tom.

Nagtulog-tulogan ako.

Naramdaman ko na lang pagkatapos ng ilang minuto ang paghiga niya sa tabi ko at niyakap ako sa bewang.

Hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ako dahil sa naring sa usapan nila. Hindi ko pa rin lubos na maintindihan ang usapan nila. At kung bakit may tinatago siya sa akin si Tom.

Gusto ko siyang komprontahin pero hindi ko kaya. Saka magtataka rin siya kung paano ko nalaman. Siguradong mag-aaway lang kami kapag ganoon.

Sa mahigit isang taon na magkakilala kami ni Tom, wala pa kaming naging seryosong awayan o malalang tampuhan.

Kaya hindi ko alam kung paano ito haharapin. Ang hirap.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon