"Say ahh! Sige na, anak, say ahhhh! Yey good job, baby! Muaa!"Hay ang hirap talaga pakainin ang mga baby. Kailangan mo pang laruin o utuin para maaliw sila at kumain.
Nasa hapag kasi kami at kumakain kami ng agahan namin. Kanina ko pa sinusubuan ang anak ko pero hindi pa rin siya nakakalahati sa pagkain niya.
"Let me feed him."
Binigay ko ang baby spoon kay Tom.
Alam ko kasi na gusto niya na siya mismo ang nagpapakain kay Tristan kahit dati pa no'ng nasa probinsya pa lang kami ay siya na ang nag-aasikaso ng pagkain ng anak namin. Saka gutom na rin ako kaya hinayaan ko na siya ang magpakain.
Nag-volunteer nga kanina sina Pardis na sila na raw ang magpakain sa anak namin pero umayaw ako. Gusto ko kasi na hands on parents pa rin kami kay baby kahit na alam kong mayaman si Tom at maraming nakahanda na tumulong.
"Boss, excuse me po. May tawag po kayo."
Biglang sumulpot si Pardis. Tumingin sa akin si Tom na para bang humihingi ng pahintulot ko kaya tumango ako sa kanya para pumayag.
Humarap siya kay Pardis at binigay naman nito ang telepono sa kanya.
"Hello?" dinig kong bungad niya. What?! How did it happen?! I told you to secure the place! That's bullsh*t!"
Nabigla ako sa paglakas ng boses niya at mabilis kong tinakpan ang mga tenga ni Tristan.
Napansin naman ni Tom ang ginawa ko kaya he mouthed sorry.
Nagpaalam na siya sa kausap tapos tumingin siya sa akin.
"I need to go--"
"Anong nangyari?" pagputol ko sa sasabihin niya.
"A lot of our supplies are stolen. I need to be there."
"Gusto mong samahan kita?"
"Just stay here, wife. Mas panatag ako kapag nandito lang kayo sa bahay."
Hindi na ako nagpumilit pa na sumama at pumayag na lang sa gusto niya. Mas alam ni Tom kung ano ang nakakabuti para sa amin.
"Mag-ingat ka."
"Will do."
Mabilis siyang humalik sa amin ni baby bago siya tuluyang umalis.
Kinabahan na naman ako.
Ganito ba lagi ang mararamdaman ko sa tuwing lalabas siya ng bahay?
Kaba at takot ang nararamdaman ko dahil iniisip ko kung gaano ka delikado ang mundo niya. Kahit ano ay pwedeng mangyari sa labas. Ito kasi talaga ang mundo na ginagalawan niya eh kaya wala akong magagawa kung hindi ang tanggapin na lang. Pero masasanay ba ako sa buhay na ganito?
"Huwag po kayong mag-alala, madame. Nag-iingat po 'yan si boss at kapag sinabi niya na babalik siya ay babalik po siya. Isa kaya siya sa mga pinakamagaling sa bansa hindi lang sa larangan ng negosyo, pati rin sa pakikipaglaban."
"Alam ko naman 'yon. Pero syempre asawa niya ako. Hindi ko mapigilan na hindi mag-alala para sa kanya."
Agad na ngumiti si Pardis sa akin.
"Nakakatuwa talaga na may nagmamahal at nag-aalaga na kay boss. Ang swerte talaga ni boss sa inyo, madame," sabi niya. "Kumain na po kayo. Ako na po ang magpapakain kay baby."
Tumango ako. "Sige, salamat."
Pumayag na ako para na rin makakain na ako bago pa ako mawalan ng gana.
Si Pardis ang katulong ko sa pag-aalaga ng baby namin. Gusto nga ni Tom na kumuha ng nanny pero hindi ako pumayag. Dagdag gastos lang saka hindi ako sanay na iba ang nag-aalaga kay baby.
Ang bata pa kasi ni Tristan. Gusto ko na kami muna ang mag-aalaga sa kanya para masanay muna siya sa amin.
Ako ang naghugas ng mga plato pagkatapos naming kumain. Pero ilang sandali pa lang akong naghuhugas no'ng tinawag ako ni manang.
"May naghahanap sa 'yo sa telepono, hija."
Nagtaka naman ako kung sino dahil sino naman ang tatawag sa akin dito?
"Sino raw po?"
"Ang lola mo raw."
Si Lola?! Bigla akong na excite. Agad akong nagpunas ng mga kamay saka inabot ang telepono.
"Lola!"
Ilang linggo ko rin silang hindi nakikita at nakakausap.
"Ikaw na bata ka. Nasa Manila na pala kayo. Lumipat na pala kayo pero bakit hindi mo man lang pinaalam sa amin? Si Tom pa ang nagsabi. Hindi mo na ba kami naalala, ha?"
Nawala sa isip ko na ipaalam sa kanila. Sa dami kasi ng nangyari ay hindi ko na iyon naisipan sa dami ng mga ginagawa ko.
Teka, alam kaya nila lola ang tungkol kay Tom? Alam kaya nila na isang mafia si Tom at kaya kami lumipat dito ay para safe kami sa mga kalaban niya?
"Lola naman. Syempre naalala ko po kayo. Sorry po masyado kasing mabilis ang mga pangyayari at sobrang busy lalo na at madami ang nangyari--"
"Binibiro lang kita. Naiintindihan ko, apo. Pinaliwanag sa akin ni Tom na kinailangan niyo agad lumipat dahil sa negosyo niya. Mas okay nga 'yan dahil hindi na mahihirapan ang asawa mo pabalik-balik diyan."
Nakahinga ako ng maluwag. Buti hindi galit si lola. Saka hindi pa pala nila alam ang totoo. Akala nila negosyo talaga ang inuwi ni Tom dito kaya kami lumipat."Salamat sa pag-iintindi po, lola. Huwag kayong mag-alala, kapag bakante po kami ay dadalawin na lang po namin kayo riyan nina lolo. Mag-ingat po kayo lagi."
"Kayo rin, apo. Mag-iingat kayo. Aabangan ko ang pagdalaw ninyo. Pakihalik na lang ako sa gwapo kong apo sa tuhod."
"Opo."
"Sige, ibababa ko na itong tawag dahil baka mahal na 'tong babayaran ko."
"Sige po, la. Bye po."
Pinatay na niya ang tawag.
Pagkatapos kong tapusin ang paghuhugas ko ay pinaliguan ko si Tristan. Nakatulog din siya pagkatapos maligo.
No'ng wala na akong maisip na gawin ay naglibot-libot na lang ako sa bahay. Ang dami talagang kwarto sa bahay na 'to. Ang ibang mga tao o pamilya ay nagsisiksikan sa mga kwarto nila pero rito sa bahay ni Tom ay sobra-sobra ang mga kwarto. Wala ngang may natutulog sa ibang kwarto at mukhang hindi pa nagamit.
Napadaan ako sa isang kwarto na nakabukas ang pinto at may nakita akong babae na nagbo-boxing.
Teka, nakita ko na ata siya noon?
Humarap siya sa akin no'ng napansin niya ang presensya ko at agad siyang ngumiti.
"Hello po, madame."
Biglang naalala ko kung sino siya. Siya iyong babae na nakabangga ko sa kalye noon. Siya iyon!
"Kilala kita! Nakita na kita, hindi ba?"
Natatawa siyang tumango. Pinagtatawanan pa ata ako nito eh.
"Opo, nagkita na tayo noon sa probinsya."
So, tama nga ako. Siya nga iyon!
Pero bakit siya nandito?
Miss Kae @KaeJune 💋
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
ActionWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...