Walang araw na hindi ko nakikita si Tom. Consistent siya sa panliligaw sa akin. Lagi rin siyang sweet sa akin kahit kaming dalawa lang ang magkasama.Noong una ay lagi niya akong binibigyan ng flowers pero sabi ko hindi na kailangan dahil malalanta lang naman iyon saka gastos lang 'yon. Kaya pagkain na naman ang dinadala niya sa akin, na alam niyang hindi ko tatanggihan.
Lagi rin niyang sinusuyo sina lolo at lola. May kung anu-ano siyang dinadala para sa kanila.
Sa ilang linggo naming mag-boyfriend-girlfriend ay masasabi ko na iyon ang mga pinakamasasayang mga araw sa buhay ko.
Hindi ko naramdaman ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanya. Napaka-sweet niyang boyfriend at sobrang maaalahanin siya sa akin at saka protective.
Ang nagustohan ko rin sa kanya ay 'yong halata na pinanganak siyang may kaya sa buhay pero nagawa niyang makibagay sa mga taga probinsya na tulad ko. Hindi siya maarte. Lalo na sa pananamit niya ay nakikibagay din siya.
Iyon nga lang, minsan napapansin ko na hirap siyang makipagsabayan sa iba lalo na kapag usapang pang probinsya na.
Sobrang na appreciate ko ang mga effort niya.
Minsan nga um-attend kami ng birthday party ng co-teacher ko. Tapos siya ay sobrang nakaayos talaga. Kulang na lang ay mag-Americana siya na damit dahil naka-long sleeve siya at formal na pants. Tapos nakatingin lahat sa kanya dahil na rin sa center of attention ang kagwapuhan niya pati na ang suot niya.
Meron ding time na nag-date kami sa park. Niyaya ko siyang bumili ng taho. Ang loko, hindi alam ang taho? Ang mas nakakapagtaka pa ay hindi pa siya nakatikim ng isaw.
Minsan iniisip ko kung gaano ba talaga kayaman ang lalaking ito at bakit hindi niya nasubukan ang mga ganitong bagay na alam na alam ng mga taong lumaki talaga rito sa bansa?
Iyong mayor nga na kakwentuhan ko sa event ng school namin noon ay kumakain ng street foods eh. Mayaman din 'yon.
Marami pa talaga akong hindi alam sa kanya. Masyado kasi siyang mysterious. Parang ang dami pa niyang hindi nasasabi sa akin. Pero may tiwala naman ako kay Tom. Alam ko na mabait siyang tao.
Kung may nililihim man siya, siguro hindi naman iyon sobrang importante na makakapagpabago ng buhay namin o ng pagmamahalan namin.
Minsan iniisip ko na gusto niya lang na mabuhay ng simple kaya mas pinili niya na dumito sa amin.
Sa ilang buwan na naming magkakilala, wala naman akong napapansin o nakikitang kahina-hinala sa kanya. Maliban na lang sa hindi siya pamilyar sa pagkain at sa mga gawaing bahay.
Iniisip ko rin na siguro okay na rin na wala na siyang mga magulang. Hindi naman sa bad ako 'no. Pero kasi, kung mayaman talaga si Tom, baka hindi nila ako tanggapin para sa anak nila.
Isa lang naman akong mahirap kumpara sa anak nila 'no.
Kaya kahit papaano ay hindi ako pressured na maging parte ng buhay niya.
Saka sabi naman ni Tom ay magtiwala lang ako sa kanya at sa mga plano niya para sa amin. Sabi pa nga niya na mahal niya raw ako at wala siyang gagawin na ikakapahamak ko.
Pero minsan gusto ko pa rin makita kung ano ba ang buhay niya sa Manila. Gusto kong makita ang buhay na kinalakihan niya. Gustong-gusto kong makilala ang mga taong malapit sa kanya.
Naalala kong in-open ko ang topic na iyon sa kanya noong isang araw.
"Tom, kailan mo ako dadalhin sa Manila?"
Nagulat siya sa tanong ko pero mabilis niyang kinompose ang sarili niya.
"Why? Do you wanna go to Manila?"
Tumango ako.
"Oo pero hindi para mamasyal. Gusto kong makita ang buhay mo doon —kung saan ka nakatira at kung sino ang mga kaibigan mo. Gusto ko ring makilala ang mga kamag-anak mo."
Bigla siyang umiwas ng tingin. Nag-isip muna siya bago niya ako sinagot.
"Wala na akong kamag-anak," sagot niya. "There's nothing interesting about my life there. Kaya nga mas dito ko gustong tumira, kung nasaan ka."
Napangiti ako sa kanya saka siya binigyan ng mabilis na halik sa labi.
"Eh paano ang buhay mo doon? 'Di ba may negosyo ka doon?"
"Don't worry about it. May mga tauhan ako na nag-aasikaso doon."
"Sigurado ka na ginagawa naman nila ng mabuti ang trabaho nila? Minsan kasi may mga tao na nag-iiba pagdating sa pera at niloloko ang kaibigan o amo nila."
"Of course. They're scared to do something against me. They won't like the consequences," seryoso niyang sagot.
Para naman akong kinalibutan sa klase ng pagkakasabi niya no'n. Parang may something sa kanya na hindi ko mapangalanan.
"Ang seryoso mo," sabay tawa ko dahil hindi ako komportable sa seryosong aura niya. "Tanong ko lang, sigurado ka na ba na ako ang gusto mong girlfriend mo? Hindi naman ako kagandahan kaysa sa mga babae sa Manila."
"Don't say that. Mas maganda ka sa kanila. A lot of women there in my world are filthy, who are under the control of power and money. That's why I love you because you are different from them, you are simple and pure. You don't know me that well and you don't know what I have, yet you accepted me. You accepted me when I was helpless. Iyon lang ay sapat na para mahalin kita."
Napangiti ako.
Ang sweet talaga ni Tom. Kaya mahal ko iyan, eh. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Kahit nga noong unang kita ko pa lang sa kanya ay na i-inlove na agad ako sa kanya, eh.
Pero tama naman siya. Ang dami ngang magaganda pero panget naman ang ugali.
"Ang sweet naman ng boyfriend ko. Pero promise wala kang tinatago doon na babae mo?"
Agad siyang umangal.
"No. Wala akong babae." Hinawakan niya ang mga kamay ko saka niya hinaplos ang mga pisngi ko. "Don't ever forget this, you are the first and the last woman I will ever lay my eyes on."
Parang gusto kong sumigaw at tumalon sa kilig. Ako ang first love niya?!
Shocks! Ang haba ng hair ko.
Ano bang kabutihang ginawa ko sa buhay ko para pagkalooban ako ng ganito ka sweet at kagwapong boyfriend??
Pero minsan ayaw ko talagang maniwala na hindi pa siya nagkaka-girlfriend eh sa gwapo niyang yan??
"Tom naman eh." Sabay nguso ko na kinatawa niya.
"You're so cute." Hinalikan niya ang labi ko ng mabilis saka sinabing, "I love you."
Hindi ako nakuntento dahil lumapit ulit ako sa kanya at hinalikan siya. Naghalikan kaming dalawa pero mabilis lang dahil naputol agad iyon noong kumatok si lola sa bintana ng kotse.
"Si lola talaga. Distorbo lagi eh," napapakamot sa ulo na sabi ko na kinatawa na lang ni Tom.
Miss Kae @KaeJune
![](https://img.wattpad.com/cover/83483052-288-k647554.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AcciónWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...