Chapter 22

19.6K 410 10
                                    


"We need to go."

Kanina pa ako gising pero parang wala akong naririnig.

Sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari kagabi. Parang nawalan ako ng lakas ng katawan. Parang nawalan ako ng buhay dahil sa nangyari.

Tulala lang ako buong araw.

"Wife. . . ."

Dito ako dinala ni Tom sa isang hotel na malapit sa lugar namin.

Kaninang umaga ay may nagdatingan na mga lalaki na naka-suit at malalaki ang katawan nila. Mukha silang pormal pero nakakatakot ang aura nila.

Hindi ako tanga para hindi alam kung ano at sino sila.

"Wife—"

"Hindi ako aalis."

'Yon lang ang isinagot ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim.

"Just wait for us outside," narinig kong sabi niya.

Malamang inutusan niya ang mga lalaking 'yon na lumabas dahil narinig ko na lang ang mga yabag ng paa nila palayo at ang pagsara ng pinto.

"Wife, I understand what you feel. I am grieving too. I lost my son too, and I promise na magbabayad kung sino man ang gumawa no'n. For now, I need you to cooperate for your safety. Iuuwi na kita sa Manila. You are safe there."

Tiningnan ko siya ng unang beses sa araw na ito. Hindi ko kasi kayang tumitingin sa kanya dahil hindi ko kayang makita ang mukha ng taong may kasalanan kung bakit nangyari lahat ng ito.

Oo. Siya ang sinisisi ko sa pagkawala ng anak ko.

"Kasalan mo lahat ng 'to. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari lahat ng ito," madiin na pagkakasabi ko sa kanya.

Halata ang pagkagulat sa mukha niya. Malamang hindi niya inasahan na sasabihin ko 'yon.

"W-What? What made you say that, wife?"

"Bakit hindi ba? Sa buong pagsasama natin, nagging tapat ako sa 'yo. Lahat sinasabi ko mula sa maliliit na bagay hanggang sa malaking problema o kahit mga sekreto ko. Bakit ikaw hindi? You lied! Hindi sana mangyayari 'to kung sa umpisa pa lang ay nagsabi ka nang totoo!"

Hindi maipinta ang gulat sa mukha niya dahil sa pagsigaw ko.

"Kung hindi pa kita sinundan kagabe, hindi ko pa malalaman na isa kang mafia! Isa kang mamamatay tao! Nilihim mo sa akin 'yon!"

Napangisi ako ng mapait dahil sa guilt na nakikita ko sa pagmumukha niya.

"Sabihin mo nga sa akin, ano pa ang dapat kong malaman tungkol sa 'yo?? Sabihin mo!"

"Wife, I'm so sorry. I know mali ang paglilihim ko. I did that to protect you—"

"Protect me?" Napatawa ako ng mapakla. "Nagawa bang protektahan nun ang anak natin? Hindi 'di ba?! Dahil wala na siya! Hindi ako tanga para hindi maintindihan na isa sa mga kaaway mo ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko. Nadamay kami ng anak ko dahil sa 'yo! Ikaw ang dahilan ng pagkawala ng anak ko!"

Umiyak na naman ako.

Hindi ko alam kung naghahanap lang ako ng mapagbibintangan dahil alam ko na may kasalanan din ako at 'yon ay ang iniwan ko ang anak namin kagabi.

Kung hindi ko sana siya iniwan, baka . . . baka buhay pa siya ngayon. O baka dalawa sana kami ang nawala at hindi ako nagluluksa ngayon.

"Wife, God knows na ginawa ko ang lahat to protect you and our son. Mahal na mahal ko kayo at gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayo. All my people are around us everyday, I apologize kung pumalpak sila kagabi. I am so sorry."

"Sorry?? Hindi maibabalik ng sorry mo ang buhay na nawala. Hindi maibabalik niyan ang anak natin!"

Napayuko siya at alam ko na umiiyak siya dahil nakita ko ang panginginig ng balikat niya.

Sa mahigit isang taon na kasama ko siya ay ngayon ko lang siya nakitang umiiyak ng ganyan. Pero ayaw kong makaramdam ng awa baka madala ako.

Totoo naman talaga na nadamay lang kami ni Tristan dahil sa kanya. Kung sana ay kinilala ko muna siya bago kami humantong sa kasal. Hindi sana nangyari ito. Hindi sana ako nawalan ng anak.

"Sana nakinig ako no'ng sinabi ni lola na kilalanin ka muna ng mabuti bago kita sinagot. Kasalanan ko rin na nagpadalos-dalos ako kaya mabilis ang mga pangyayari sa atin."

Umangat siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang panic sa mukha niya nang dahil sa sinabi ko.

"Wife, please don't say that. What happened between us and what we have right now is because of what we think is right and because we love each other so much. Please don't regret being with me," nanginginig ang boses na sabi niya.

Gusto kong maiyak.

Naging maganda masyado ang love story namin ni Tom at hindi kami kahit kalian nagkaproblema ng ganito kabigat.

Kung sana kasi nag-isip muna ako ng maayos. Everything we had was so good to be true kay ito tuloy ang nangyari. Wala talagang naidudulot na maganda kapag nagmamadali sa mga bagay-bagay.

Lalo na sa love.

"Hindi ako nagsisisi dahil nangyari na ito." Pilit kong pinapakalma ang boses ko. "Mistakes are lessons to be learn kaya natuto na ako ngayon. Kaya ayaw ko na magsisi pa ako sa mga susunod na araw. May pagkakataon pa akong itama ang lahat at iyon ang gagawin ko."

"W-What are you trying to say?"

"Kailangan nating maghiwalay—"

"No! Please no. Hindi ako papayag, Sarah. I love you," sabi niya saka hinawakan ang mga kamay ko. Nagsusumamo na siya.

"Tom! Pagbigyan mo na ako. Hindi ko na alam ang dapat na maramdaman ko dahil sa nalaman ko tungkol sa 'yo at dahil sa nangyari sa anak natin. Hindi mafia ang Tom na nakilala ko. Ordinaryong tao lang ang Tom na minahal ko. Ngayon, paano pa kita papakitunguhan kung alam kong ibang tao ka pala?"

"Wife, this is still me. Mahal na mahal kita. Hindi ako nag-iba. I am still a mafia even before I met you. I kept my identity from you pero hindi ibig sabihin no'n na ibang tao na ako dahil sa nalaman mo na. Aren't you being so unfair? Dapat nagdadamayan tayo ngayon because of what happened to our son."

"Paano kita madadamayan kung sinasabi ng isip ko na ikaw ang dahilan ng pagkawala ng anak natin? Ha? Paano, Tom? Sabihin mo sa akin!"

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Please, come with me in Manila. Promise, I'll keep you safe."

Umiling ako.

"Dito lang ako. Mag-isa kang umalis."

"No, wife. Hindi kita pwedeng iwan dito. They already know that you are my wife. This place is not safe for us anymore."

"Hindi nga ako aalis sabi eh!" sabi ko sabay nagpupumilit na makaalis sa pagkakayakap niya. "Bitawan mo ako, Tom! Hindi ako sasama sa 'yo!"

"Sorry, wife, but I need to take you home," seryosong sabi niya na kinatayo ng mga balahibo ko.

Naguluhan ako kung ano ang ibig sabihin ng sınabi niya pero ilang sandali lang ay may pumasok n dalawang naka-suit na lalaki saka lumapit sila sa amin. Ang bilis ng mga galaw nila at naramdaman ko na lang na may nilagay 'yong isa na panyo sa ilong ko kaya nawalan na ako ng malay.

"I'm sorry, wife. This is for the best," narinig kong sabi niya bago ako nawalan na ng malay.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon