Chapter 15

22.1K 439 8
                                        


Tuwang-tuwa sina lolo at lola sa apo nila kaya halos araw-araw ay binibisita nila ito sa bahay.

Pero ngayon, ako lang ang nag-aalaga sa anak ko. Busy kasi sila ngayon sa palayan. Harvest season na kasi.

Naka-leave pa rin kasi ako sa trabaho. Si Tom naman ay nasa bahay lang din pero nagtatrabaho naman siya. Laging cellphone at laptop ang kaharap at mas madalas pa na nitong mga nakaraang araw. Siguro may importanteng ganap sa negosyo niya lately.

Ewan ko nga kung paano niya pa napapatakbo ang negosyo niya dahil madalas ay nandito lang siya.

Nilagay ko na si baby Tristan sa playpen niya no'ng nakatulog na siya dahil sa paghehele ko. Nangangalay na rin kasi ang braso ko sa kakakarga sa kanya.

Lumabas ako ng kwarto namin at naabutan kong may kausap si Tom sa cellphone niya.

Sinadya kong tumigil sa harap ng pinto ng kwarto at makinig muna sa kanya.

Naririnig ko na parang may pinapagalitan siya sa kabilang linya. Hindi ko man makita ang itsura niya dahil nakatalikod siya sa akin pero halata sa tono ng pananalita niya ang galit.

"Why did you all let that happen? 'Di ba mahigpit na bilin ko sa inyo to focus on their moves and lead those id*ots to the other side of the truth!" Napansin ko ang pagpipigil niya na sumigaw. "You better be. Ayoko ng palpak. You know that."

Napakunot ang noo ko. Bihira lang magmura si Tom. Ano kaya ang kinagagalit niya?

Narinig ko ang malalim niya na pagbuntonghininga habang nakikinig sa sinasabi ng kausap niya.

"Fix this mess, Allen! I don't want them to be in danger! Kung kailangan magpadala ka ng maraming bantay ay gawin mo. I want my family's safety!"

Wait. Family's safety? Anong ibig sabihin noon?

Sino ba sa pamilya niya ang napahamak? Ang alam ko ay sinabi niyang wala naman siyang kamag-anak. Kami lang ni baby ang meron siya at hindi naman kami napahamak ah?

So sino ang tinutukoy niya?

Nagalit na naman siya. Parang matatakot ako sa tono ng pananalita niya. Ni minsan ay hindi niya pa ako kinausap ng ganyan o pinagalitan at sinigawan.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kabang biglang naramdaman ko. Nakakatakot pala siya magalit.

"Wife?"

Umangat ako ng tingin. Napansin na pala niya ako.

Sinubukan kong ngumiti sa kanya at nilapitan siya. Hindi ko pinahalata na nakinig ako.

"Kanina ka pa ba riyan?"

Umiling ako saka siya nilapitan at niyakap para pakalmahin siya.

"Hindi, kakalabas ko lang ng kwarto. Gutom ka na ba? Gusto mong kumain na tayo?"

"I'm not yet hungry. Pero kung gusto mong kumain, I will join you."

Tumango ako saka pumunta kami sa kusina para kumain.

Lumipas ang ilang mga araw at masyado akong abala sa pag-aalaga sa anak namin na hindi ko na namalayan na malapit na pala matapos ang maternity leave ko.

"Parang ayaw ko pang bumalik sa trabaho. Gusto kong kasama ang anak natin buong araw. Kaya lang kapag hindi naman ako bumalik ay sayang din ang kikitain ko. Dagdag panggastos pa natin iyon."

Kasalukuyang nakahiga kami ngayon ni Tom sa kama namin. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya habang nakayakap ako sa bewang niya.

"You can stay home if you want. Ako na ang bahala sa gastusin natin. I can financially support you and our baby."

"Hindi naman pwede iyon. Hindi ba dapat ay nagtutulungan tayo? Isa pa, marami ka ng nagastos sa amin ni baby nitong nakaraang taon. Baka paubos na ang savings mo."

"I have millions— I mean I have enough money to buy you your needs and our baby's. So don't worry about monetary expenses, kaya ko naman. Besides, it's my responsibility as the father of this household."

Inangat ko ang ulo ko para makita niya ang pagngiti ko sa kanya.

"Ang responsable at ang bait talaga ng asawa ko," sabi ko saka siya kinurot sa pisngi at piningot ang matangos niyang ilong. "I love you, Tom."

"I love you more," sabi niya saka hinalikan ako.

~•~

Sa mga sumunod na araw ay napapansin kong madalas na naaabutan kong may kausap sa telepono si Tom.

Lagi siyang galit at parang may problema.

Minsan tinatanong ko siya kung okay lang ba siya pero oo naman lagi ang sagot niya sa akin.

Hindi ko alam pero iba ang kutob ko. Hindi ako naniniwala na walang problema. May hindi siya sinasabi sa akin.

Parang may kutob ako na may nangyayaring hindi maganda o may masamang mangyayari pa lang. Ang dami ko kasing naririnig mula sa kanya na hindi ko naman maintindihan pero ewan ko bakit kinakabahan ko.

Gusto ko talagang malaman kung ano ang problema niya pero parang ayaw naman sabihin sa akin ni Tom.

Alam ko na ayaw niya lang akong mag-alala pero iba kasi ang kutob ko eh. Malakas ang pakiramdam ko na may mali base sa nakikita kong kinikilos niya.

Ano kaya ang tumatakbo sa isipan ng asawa ko?

Bakit kasi ayaw niyang sabihin sa akin?

Baka may maitulong naman ako sa kanya kahit ganito lang ako 'no.

Madalas kong naririnig na ang pangalan ng kausap niya ay Allen.

Sino kaya ang Allen na iyon?

Kaibigan? Katrabaho?

Dahil mas lalo akong na-curious, isang araw ay naglakas loob na akong makinig ng patago habang nag-uusap sila.

Gusto ko kasing makatulong sa asawa ko. Kung ayaw niyang sabihin ay ako na lang ang gagawa ng paraan para malaman ko ito.

Sinwerte ako noong isang araw na nasaktong narinig ko na may kausap na naman siya sa phone.

Narinig ko pa na magkikita raw sila no'ng Allen na iyon sa isang restaurant na malapit dito sa amin bukas ng gabi.

Tinandaan ko ng mabuti ang oras na magkikita sila at ang pangalan ng restaurant.

Kung kailangang mag-ala stalker o detective ako doon ay gagawin ko para lang malaman ko ang problema ng asawa ko.

Kahit doon man lang ay makabawi ako sa lahat ng sakripisyo na ginawa niya para sa amin ni Tristan. Iniwan niya ang buhay niya sa Manila para sa amin. Sino-solo niya ang problema para sa amin.

Hindi ako matahimik hanggat hindi ko nalalaman ang problema at hanggang sa ma-solve na ang problema na meron siya.

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon