Chapter 30

19.2K 323 13
                                    


Kinuha ko ang bulaklak na nasa tabi ko. Umiiyak akong nilapag iyon sa picture frame na may litrato ng anak ko.

Kasalukuyan kaming may funeral service kahit wala ang bangkay niya. Gusto ko kasi na may pormal siyang libing.

Parang mapupunit ang puso ko dahil sa katotohanang wala na ang anak ko.

Parang kailan lang ay karga-karga ko pa siya. Pinapadede at binibihisan ko pa siya. Nami-miss ko rin amuyin ang mabangong amoy niya.

Pero ngayon wala na siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang anak ko. Ang bilis ng mga pangyayari.

"Baby k-ko," umiiyak na sabi ko sabay haplos ng picture niya. "Mahal na mahal ka ni mama. Sana masaya ka ngayon kung nasaan kaman. Huwag mong kalimutan na mahal na mahal kita, ha? Huwag mo rin kaming kalimutan, anak. Dahil hinding-hindi ka namin kakalimutan."

Inayos ko ang bulaklak sa harap ng picture niya.

"Son, Dad misses you so much. I hope you will forgive me for not being able to protect you." Napatingin ako kay Tom at nakita kong nagpahid ito ng pisngi. Umiiyak din siya. "I love you so much. I will protect your mom, I promise."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Tom.

Oo alam kong mahal niya ako at ang anak namin pero hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang may dahilan kung bakit kami nahantong sa ganito.

Kung sana hindi siya naging mafia . . . Kung sana sinabi niya ang totoo noong una pa lang ay sana walang ganito.

Noong natapos ang seremonya ay agad kaming umuwi.

Konti lang naman ang dumalo. Kami lang ni Tom at mga tauhan niya. Pumunta rin sina manang at Padris.

Tahimik lang ako habang pauwi kami sa bahay niya. Pinupunasan ko ang mga luha sa mukha ko tuwing babagsak ito.

Inakbayan ako ni Tom para patahanin saka sinabing, "Things will be okay." Tapos hinalikan niya ang sentido ko.

Tumango lang ako bilang sagot.

Pagdating namin sa bahay ay humiga agad ako sa kama dahil na rin sa pagod. Pumikit lang ako tapos ilang minuto ay nakatulog na ako.

"Where are you?"

Naalimpungatan ako no'ng may narinig akong nagsalita.

Boses ni Tom 'yon ah.

Kahit gising na ako ay hindi pa rin ako bumangon. Nananatili lang akong nakapikit. Gusto ko kasing makinig sa pinag-uusapan nila ng kausap niya.

"I'll be there in few minutes. Keep them busy and be sure not to let them be near here." Ramdam ko ang galit sa boses niya na parang may inuutusan siya sa kabilang linya. Malamang si Allen 'yon.

"Good thing she's still asleep. Just distract them and kill them if you get a chance to."

Parang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. Ayan na naman. Patayan na naman ang usapan.

Sino ang kalaban nila na papatayin nila?

Saka bakit pati ako binanggit ni Tom? Ako lang naman ang tulog dito eh. Anong ibig niyang sabihin sa 'good thing she's asleep' na sinabi niya?

"Alright. I'll meet you there."

Naramdaman kong tapos na siya makipag-usap at ramdam kong may papalapit sa akin kaya minabuti ko na magtulog-tulogan.

Ginalingan ko talaga. Mahirap na baka mahuli niya akong gising eh.

"Sleep well, wife. I will be back." Hinalikan niya ako sa labi bago siya umalis.

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon