"Lola."Nakangiti akong lumapit sa kanila pero sa loob-loob ko ay kinakabahan ako.
Hindi naman ako takot pero ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Dahil ba nandito sila at pwede nilang mapansin na may kakaiba sa lugar na 'to?
Nilingon nila ako saka mabilis na tumayo mula si Lola mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Sarah."
Lumapit ako sa kanila saka niyakap sila ng sabay. Niyakap naman nila ako pabalik pero agad din namang humiwalay si Lola mula sa pagkakayakap sa akin kaya sumunod din si Lolo.
"Ikaw na bata ka," sabi ni Lola saka pinalo ako sa pwet na kinapiksi ko. "May kasalanan ka pa sa akin."
Bigla akong kinabahan na tumingin sa kanya. Nakita kong seryoso ang mukha niya.
Ilang minuto niya akong tinitigan. Nagulat ako no'ng piningot niya ang tenga ko kaya napaaray ako. Ang sakit kasi.
"Ikaw na bata ka. Kung hindi dahil sa asawa mo ay hindi ko pa malalaman kung nasaan kayo. Ikaw itong apo ko pero hindi mo man lang sinabi mismo sa akin na lilipat na kayo," tampo na sabi ni Lola saka binitawan na ang tenga ko.
Minasahe ko ito dahil ang sakit ng pagpingot niya.
"Lola naman eh. Ang sakit po. Sorry na po. Akala ko napatawad niyo na ako noong nag-usap tayo sa telepono no'ng nakaraang buwan."
"Syempre gumaan ng konti ang nararamdaman ko dahil alam kong okay kayo pero nagtatampo pa rin ako. Hindi man lang kami nakapaghanda sa pag-alis niyo sa probinsya. Nilayo mo pa sa amin ang apo namin sa tuhod. Nasaan na nga ba siya? Gusto ko siyang makita. Iyon talaga ang pinunta namin dito ng lolo mo. Miss na namin siya."
Napa-pout na lang ako dahil si Tristan lang pala nila ang na-miss nila kaya napadalaw sila rito.
Inutusan ko si manang na kunin si Tristan sa kwarto niya at ibaba muna rito para makita siya nina Lola at Lolo.
Lumapit naman si Tom kina lolo at lola saka nagmano sa kanila.
"Mas lalo kang gumuwapo, hijo. Mana nga sa 'yo si Tristan. At kita mo naman, ang laki nitong bahay mo. Hindi ko alam na ganito ka pala kayaman."
Bakit mabait ito kay Tom? Ako na apo nila ay pinagalitan pa.
"Hindi naman po, Lola," sagot ng asawa ko saka niyaya sila na maupo.
"Salamat nga pala sa pagsabi sa amin ng paglipat niyo rito at sa pagpapadala mo ng tulong sa bahay."
Napatingin ako kay Tom na nagtataka. Hindi ko kasi alam na tumutulong pala siya sa kanila. Pero bakit hindi ko alam? Hindi niya ako sinabihan.
"You're welcome. Besides, you are my family too, so I'm happy to help."
Napangiti naman si Lola sa sinabi ni Tom. Nagbiruan pa sila bago dumating si baby kasama ni Pardis. Pinakilala ko sila sa lolo at lola ko at nagkamustahan sila.
Kinuha ni lolo ang baby ko saka kinarga niya ito sa braso niya. Nilalaro nila si Tristan. Halatang miss na miss nila ito dahil mukhang focused sila sa anak ko. Nakalimutan na tuloy nila na nandito rin naman kami.
Hinayaan ko na lang at binigyan ko muna sila ng time na maka-bonding nila ang apo nila sa tuhod. Halata kasing sabik na sabik sila sa apo nila sa tuhod eh.
"Lola, lolo, dito na po kayo mag-dinner," yaya ni Tom sa kanila.
"Ah hindi na, apo. Aalis na rin kami."
"Ang bilis naman. Ayaw niyo po ba na magtagal dito o matulog na lang dito ngayong gabi?" singit ko.
"Huwag na. Gusto lang naman namin kayong bisitahin at makita kahit mabilis lang. Malayo pa kasi ang byahe pauwi at alam mong walang tao sa bahay."
"Okay lang 'yon, lola. Wala namang problema kung walang tao doon. Saka ang layo pa kaya ng probinsya. Gagabihin po kayo ng uwi."
"Nako, sanay na kami ng lolo mo bumyahe. Nakalimutan mo yata na ginagabi rin kami lagi noon. Pero nandoon ka naman kasi kaya kampante kami na may tao sa bahay," sabi pa ni lola.
"Sige po, La. Dadalaw na lang po kami sa susunod sa probinsya."
"Aba! Dapat lang. Huwag kayo masyadong magpa-miss baka sumugod ako agad dito," banta niya. "Oh siya paano, aalis na kami para hindi kami gaanong gabihin. Kainin niyo ang mga dinala namin ha? Marami 'yan. Pwede niyo pang bigyan ang mga katulong niyo," sabi ni lola habang nakatingin doon sa sulok.
Nagtaka ako kung ano ang tinitingnan niya kaya tiningnan ko rin.
Nandoon pala si Pardis nakikisilip din saka si Red na kumakain ng mansanas habang nakatingin sa amin. Akala ko sa basement siya?
"Opo, lola. Salamat po."
Hinatid na namin sila sa labas. Gusto pa sana silang ipahatid ni Tom sa kotse pero ayaw talaga ni lola. Todo tanggi sila kaya hinayaan na lang namin. Si Lola kasi ang tipo na hindi mo mapipilit kapag ayaw talaga niya.
Bumalik na kami sa loob ng bahay at nag-shower na kamidahil pawis na pawis kami mula pa kanina.
Kumain lang kami ng dinner saka nagpahinga na rin. Nagbiruan pa sina Dolce at Red na baka nalaman daw nina lola ang tungkol sa mafia kaya natakot silang matulog dito sa bahay. Pero mukhang hindi naman nila nalaman.
"Tulog na ba ang anak natin?" tanong ko kay Tom na kakapasok lang ng kwarto.
"Yeah."
Pinatulog niya kasi si baby.
Pagkatapos niyang mag-ayos ay humiga na si Tom sa kama. Pahiga na rin ako sa kama no'ng nag-ring ang phone ko.
Nagtaka naman ako kung sino ang tumatawag ng ganitong oras. Na-curious ako kaya sinagot ko.
"Hello."
"Magandang gabi, Sarah."
Napakunot ang noo ko. Hindi familiar sa akin ang boses ng kausap ko.
"Sino 'to?"
Nakapagtataka na kilala niya ako. Samantalang siya ay hindi ko kilala.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. Basta ang importante ay masabi ko sa 'yo na hawak ko ang buhay ng lolo at lola mo." Namutla ako sa narinig. Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. "Huwag kang magsasabi sa asawa mo kung ayaw mong tuluyan ko sila."
Napatingin ako kay Tom at doon ko napansin na nakatingin na pala siya sa akin. Kahit malakas ang tibok ng puso ko ay nakuha kong ipakita sa kanya na okay lang ako para hindi siya magduda.
Nginitian ko muna siya na parang pinilit ang kinalabasan. Lumabas ako ng veranda namin para ipagpatuloy ang pakikipag-usap.
"Ite-text ko sa 'yo ang address kung saan at kailan tayo magkikita. Tandaan mo ang mga bilin ko. Kapag may sinuway ka, alam mo na ang mangyayari sa kanila," huling sabi niya bago binaba ang tawag.
Napahawak ako sa dibdib dahil sa takot. Gusto kong maiyak. Kinakabahan ako para kina Lola at Lolo.
Kasalanan ko ito. Nadamay tuloy sila. Nilagay ko pa sila sa pahamak.
Ano na ang gagawin ko?
Kaya ko bang mag-isa na harapin ito?"
Miss Kae @KaeJune 💋
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AksiWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...