Chapter 25

18.5K 351 6
                                    


Kumakain kami ngayon ni Tom dito sa dining room nitong bahay niya.

Medyo naiilang pa akong kumain dahil may mga maids na nasa gilid at naghihintay na may iuutos sa kanila ang boss nila.

Hindi ako sanay sa ganito. Feeling ko ay nakatingin sila sa bawat pagsubo ko.

Niyaya ko nga sila na sumabay sa amin na kumain pero ayaw nila. Pati sina Manang Helen ay ayaw din sumabay. Baka hindi pwede. Tumingin pa kasi sila kay Tom bago sila sumagot sa akin.

Hindi na ako nagpumilit pa no'ng tumanggi sila. Ayaw ko na pilitin si Tom kung ayaw niya dahil baka magalit siya at baka ano pa ang gawin niya sa akin.

Dahan-dahan ang pagsubo ko nang pagkain. Nakakailang kasi talaga.

"Leave us alone. I'll just call when I need you all."

Nagulat ako sa sinabi ni Tom. Agad naman nilang sinunod iyon dahil umalis na sila at dumiretso sa loob ng kusina.

"You can eat comfortably now."

Napansin siguro ni Tom ang pagkailang ko sa pagkain dahil hindi ko masyadong nakakain ang pagkain ko. Ikaw ba naman ang binabantayan na kumain ay hindi ka ba maiilang?

Hindi ako sumagot sa kanya at nagpatuloy lang akong kumain. Naging comfortable na ako. Mas gusto kong kumain nang ganito.

Napatingin ako kay Tom. Tahimik lang siyang kumakain.

Ibang-iba ang sitwasyon namin ngayon habang kumakain. Dati sa probinsya ay napupuno ng ingay, kulitan, kwentuhan at tawanan ang kainan. Ang laki ng pinagbago ng samahan namin ngayon.

Nag-iba na talaga ang lahat simula no'ng gabing 'yon. Hindi na ako komportable sa sarili kong asawa.

Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon.

Nakita kong may hawak na baril si Tom at hindi lang basta-bastang baril iyon dahil mukhang malakas ito.

Nakita kong tinutok niya ang baril na iyon sa kausap niyang lalaki. Nakita ko kung gaano ka takot na takot ang mukha nung lalaki dahil sa pagtutok niya ng baril kaya agad siyang humingi ng tawad kay Tom.

Hindi ko narinig ang usapan nila. Nasa labas kasi ako ng kwarto. Nakita ko lang kasi sila nang hindi sadya no'ng napadaan ako sa kwarto kung nasaan sila.

Natakot ako sa nasaksihan ko. Kahit hindi niya pa pinapaputok ang baril niya ay sobra na akong nanlumo at kinabahan. Hindi ko kinaya ang nasaksihan kaya agad akong umalis.

Tahimik lang kaming kumakain at tanging ingay lang ng kubyertos ang naririnig ko na ingay.

Walang may balak na magsalita ni isa sa amin. Parang nakikipagpakiramdaman lang kaming dalawa.

"Boss."

Napaangat ako ng ulo dahil sa biglaang pagdating ni Allen, na ngayo'y alam ko nang siya ang kanang-kamay ni Tom.

Kaya pala lagi niyang kausap ito noon.

"He is here. The suspect is—"

"Not here, Allen," pagputol ni Tom sa sasabihin ni Allen saka siya tumingin sa akin na nag-aalala.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalik ang pansin ko sa kinakain.

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon