Chapter 32

18.7K 353 28
                                    


"Good morning, madame!" nakangiting bungad sa akin ng isang pamilyar na boses.

Nilibot ko ang paningin ko saka ko napansin kung nasaan ako.

Nananaginip ba ako?

O baka patay na ako?

Paanong nandito na ulit ako?

Naalala ko na nawalan ako ng malay no'ng sinampal ako at nabagok ang ulo ko sa pader tapos bumagsak ako sa sementadong sahig.

So, buhay pa ako?

Hindi ba nila ako tiniluyan dahil pahihirapan pa nila ako kaya nila ako pinabalik dito?

Bigla akong napabangon.

"Madame, huwag po kayo masyadong magalaw. Ang sugat niyo po."

Nilingon ko siya. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Pero hindi ako pwedeng ma-distract sa concern na pinapakita sa akin ni Pardis. Kailangan kong mag-ingat lalo na at nandito na ulit ako sa mansion.

Agad kaming napatingin sa bumukas na pinto at pumasok doon ang lalaking dahilan ng lahat ng ito.

Sobrang kinabahan ako no'ng lumapit siya sa akin. Literal na nanginig ako sa takot no'ng makita ko ang seryoso niyang mukha habang papalapit sa akin.

"Stop! Huwag mo akong lapitan! Please huwag kang lumapit. Huwag mo akong saktan, please . . . huwag mo akong sasaktan."

Napatigil siya sa paghakbang.

Naaawa siyang nakatingin sa akin pero hindi ko pinansin 'yon. Mas nangibabaw ang takot na nararamdaman ko.

"Wife, what are you saying?"

Akmang lalapitan na naman niya ako kaya agad akong napaatras sa headboard nitong kama at napatakip ng mukha gamit ang mga braso ko.

"Tama na, please. Masakit na ang katawan ko. Huwag mo na akong saktan. Maawa ka," umiiyak na sabi ko. Para na akong nakikiusap sa kanya.

"W-wife?" May pagtataka akong narinig sa boses niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hahawakan na sana ang kamay ko pero agad ko itong iniwas.

"Huwag! Sasaktan mo na naman ako," parang bata na pagkakasabi ko.

"Do you really think that I can do that to you? To my own beloved wife?"

May kakaiba akong naramdaman no'ng narinig ko ang boses niya na para bang nasaktan siya sa sinabi ko. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin at binaba ang mga kamay ko mula sa pagkakatakip ng mukha ko.

Tama nga ang narinig ko sa boses niya dahil nakita ko ang sakit na nakapaskil sa mukha niya. Nasasaktan siya.

Pero bakit?

Akala ko ba siya ang nag-utos na gawin 'yon sa akin? Siya ang nag-utos sa tauhan niya na saktan ako.

"Inutusan mo sila na s-saktan ako."

"No," tutol niya at mabilis na umiling. "I would never do such a thing to you. They set you up. You should not have left the house. You know that they are after you."

Napailing ako.

"I-inutusan mo sila na patayin ako. Sinabi nila na ikaw ang may gusto na gawin nila 'yon sa akin." Nagsimula akong maiyak no'ng naalala ang ginawa nila. "S-sinampal nila ako . . . binugbog at hinampas sa pader at sahig." Humagulgol ako. "I-ikaw ang may pakana ng iyon."

Disappointed siyang tumingin sa akin.

"I didn't know that you would believe such things about me. Did you really think that I am capable of doing those things to you?"

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon