Chapter 11

23.3K 530 7
                                        


"Ano ba 'yang suot mo, apo. Sabihin mo nga, sa club ka ba pupunta ha??"

Napasimangot ako.

"Lola talaga. Ito na po ang uso ngayon. Kailangan kong magpaganda dahil darating si Tom."

"Uso ba 'yan? Eh parang suman ka na binalot dahil sa hapit na hapit iyang suot mo sa katawan mo."

"Lola naman eh. Hindi naman ito sobrang hapit, eh. Saka gusto ko lang magmukhang tao na maganda sa paningin niya."

"Kung mahal ka talaga niya, kahit nakabasahan ka pa ay ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin niya."

Hindi na lang ako sumagot dahil alam ko namang totoo ang sinasabi ni lola.

Mahirap na sumagot din kasi alam kong wala akong panalo kay lola.

Hindi na ako nagpalit ng damit dahil okay na ako sa suot ko.

Kinakabahan ako dahil ngayon unang dadalaw si Tom sa bahay namin na makikita niya sina lolo at lola.

Sinabi ko na rin kina lolo at lola na nagkakagustuhan na kami ni Tom at kailangan namin ng blessings nila. Kaya pumayag sila na papuntahin dito si Tom at ng makilala nila ito.

"Apo! Nandito na ang boyfriend mo!" sigaw ni lolo mula sa labas.

Napailing ako. Si lolo talaga. Mamaya ko pa siya magiging boyfriend 'no. Pagkatapos pa nito.

Shocks! Bakit kinikilig ako?!

Lumabas na ako ng bahay saka sinalubong ko siya na may ngiti sa labi.

"Hi," bati ko.

"You look so beautiful," nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Sus. Ikaw naman, maliit na bagay." Sabay  ipit ng hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

Magsasalita pa sana si Tom no'ng tumikhim si lola.

"Ah, Tom. Si Lola Flor ko nga pala at si Lolo Berto ko. La, lo, si Tom po," pagpapakilala ko sa kanila.

"Nice to meet you po, lolo and lola," bati niya sa kanila saka binigyan niya ng bulaklak si lola. "Ako po si Tom," dagdag niya.

Ay akala ko para sakin ang bulaklak na dala niya. Hindi pala.

Pagkatapos niyang magmano sa kanila ay bumalik na siya sa tabi ko.

"Kamusta ka, hijo?" tanong sa kanya ni lolo pagkatapos siyang batiin nito.

"Okay lang po. Kayo po?"

"Lo, sa loob na tayo magkwentuhan. Lalamig na ang pagkain na niluto natin eh," singit ko.

"Sige. Tara, pasok na tayong lahat."

Kinuha ni Tom ang kamay ko at hinalikan na naman niya ito bago kami sumunod kina lola sa loob ng bahay.

Dumiretso kami sa hapag-kainan.

Maaga akong nagising kanina para mamalengke ng mga ihahanda namin ngayong araw. Tinulungan naman nila ako sa pagluluto ng mga ito.

"Kumain ka, hijo. Si Sarah ang nagluto ng halos lahat ng mga 'yan," pagyaya ni lolo.

"Then I'm excited to eat them."

Nagsimula na kaming kumain. Pinaglagyan ko siya ng pagkain sa plato niya. "Kumain ka ng madami, ha?"

Sinubuan ko pa siya sa umpisa at tinanong kung masarap. Tumango naman siya bilang sagot saka pinunasan ang bibig ko pagkatapos kong sumubo rin.

Sa gitna ng kainan ay agad namang nagsalita si lola.

"Ilang taon ka na ba, Tom?"

Nginuya niya muna ang kinain bago sinagot si lola.

"I'm 28 po, lola."

Napangiti ako dahil may accent ito sa pagkakasabi niya ng lola.

"Limang taon pala ang tanda mo sa apo namin. Saan naman ang mga magulang mo?"

Biglang nag-iba ang expresyon ng mukha ni Tom at alam ko kung bakit.

"Wala na po sila."

Tumango si lola at napabuntonghininga ng malalim na parang may naalala na malungkot na bagay.

"Pareho pala kayo ni Sarah," sagot naman ni lolo. "Namatay sila dahil sa aksidente sampong taon na ang nakalipas. Sabay silang sumakay sa kotse pero katawan lang ng mama niya ang nilibing namin. Hindi kasi mahanap ang bangkay ng papa niya, pero matagal na panahon na 'yon kaya baka patay na rin ang papa niya."

Malungkot namang ngumiti sa akin si Tom. Hinawakan niya ang kamay ko sa baba ng mesa at mahina na pinisil ito.

"Ibahin na po natin ang usapan," sabi ko na lang dahil ayaw ko maalala ang nangyari noon.

Naka-move on naman ako sa pagkamatay ng parents ko pero ayoko pa rin pag-usapan dahil ayokong malungkot.

"Oo nga. Ayaw ko rin maalala ang nangyari sa anak natin," sabi pa ni lola. "Maiba ako, hijo. Ano ba ang negosyo mo sa Manila at narinig ko sa apo ko na busy ka sa pag-aasikaso no'n?"

"May konting negosyo lang po ako sa Manila, Lola. Manufacturer po kami ng iba't-ibang chips at kung anu-ano pa."

"Ganun ba. Eh 'di mayaman ka pala."

"Hindi naman po. Sakto lang na income."

"Sus! Eh bakit halata sa galaw at pananalita mo na parang iba ang tunog. Ano nga ang tawag doon, Sarah?"

"Accent po, la."

"Iyon nga. May accent ka magsalita."

"Nasanay lang po ako. Kung saang bansa na po kasi ako nakarating dahil sa negosyo namin."

Ang cute ni Tom. Sinusubukan niya talagang mag-Tagalog.

"Sabagay, ganoon nga talaga."

Hindi na nangusisa pa sina lolo at lola tungkol doon. Sa huli ay tinanong nila kung gaano niya ako kamahal at sinagot naman ito ni Tom.

"I love her so much that I am willing to risk my life for her," mabilis na sagot ni Tom. Kinilig ako kasi parang hindi niya na pinag-isipan. Kusa lang itong lumabas sa bibig niya.

Natawa ako sa reaksyon nina lola.

"Ano? Hindi kita maintindihan. Anong sinabi niya, apo?"

"Lola—"

"Mahal na mahal ko po ang apo niyo na kaya kong ialay ang buhay ko para sa kanya," pagputol niya sa sasabihin ko.

"Flor, hayaan na natin ang mga bata. Mukha namang mahal na mahal nila ang isa't-isa eh. Saka maging masaya na lang tayo para sa kanila. Kasi sa wakas ay nakahanap na rin ng apo natin ang lalaking magmamahal sa kanya. Kinabahan pa nga tayo noon dahil akala natin ay tatanda siyang mag-isa."

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito na ito, eh. Saka nagmamahalan na silang dalawa."

"Ibig sabihin po, lola, payag na kayo sa relasyon namin ni Tom??"

Tumango siya at napatingin ako kay lolo na napatango rin.

Napayakap ako sa kanilang dalawa dahil sa sobrang tuwa. Nagpasalamat din ako sa kanila ng paulit-ulit.

"Narinig mo 'yon, Tom?" may malawak na ngiting tanong ko.

Kita ko rin ang saya sa mukha niya at nagpasalamat din ito kina lolo at lola.

"Yeah. We're official now."

Tumango ako at nabigla ako no'ng bigla niya akong hinalikan sa harap nila.

"Ahem!" narinig namin na may tumikhim kaya napatigil siya.

"I'm sorry. I was carried away."

Natawa na lang ako dahil ang cute ng itsura ni Tom kapag nahihiya.

Pero shocks, sa wakas ay may boyfriend na ako!!!

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon