Nandito na kami ngayon sa isang beach resort kung saan nagtatago si Peter, ang leader ng mafia. Nalaman na kasi nina Tom at Papa ang katauhan niya bilang leader ng mga kalaban namin. Kung paano niya nalaman? Hindi ko na tinanong.Sabi ni papa ay huwag daw naming hahayaan na makatakas siya. Dahil hindi malabo na maghihiganti siya sa amin kung sakaling makatakas siya.
May ilang mga guards na nakatayo sa harap ng bahay kung nasaan si Peter.
Nakapalibot ang buong mafia sa teritorya nila.
Nasa tabi ko si Red at sa kabila ko naman ay si Tom na tahimik na nagmamatyag.
"May babae pa ang loko," narinig kong ingos ni Red.
Gamit kasi ang binocular ay tinitingnan niya ang nangyayari sa loob. Na-curious naman ako kaya agad kong kinuha iyon mula sa kanya para makita rin.
Napangiwi ako sa nakita.
Paano ba naman eh may edad na pala iyong Peter na 'yon pero babaero pa rin. Meron lang naman kasing babae na naka-bra saka nakamaikling skirt na sini-seduce siya.
Kadiri lang tingnan.
Hindi ko na kinaya kaya naman ibinalik ko na ang binocular ni Red sa kanya. Tinawanan pa niya ako no'ng binalik ko ito.
"Wife, we'll go ahead. Stay here and just come out if you think that the coast is clear."
Tumango ako sa kanya. Hinigit ko ng mabilis ang kamay niya saka mabilis na hinalikan siya sa labi.
"Mag-ingat ka."
Ngumiti siya ng malawak saka umalis kasama si Allen na sidekick niya lagi.
"Pati ba naman dito ay may halikan pa rin," parinig ni Red.
Nakalimutan ko na bitter pala itong babaeng 'to. I have to remind myself mamaya na hanapan siya ng lovelife pagkatapos nito para hindi na siya maging bitter sa buhay.
Maganda naman siya eh. Medyo nakakatakot lang ang personality niya. Ang tapang kasi.
"Pabaon lang para mag-ingat siya," sagot ko na kinailing na lang niya.
Napapiksi ako no'ng may narinig akong putukan ng baril.
Nilingon ko ang direksyon kung nasaan ang bahay at nakitang unti-unti ng natutumba ang mga tauhan sa labas. Nakapasok na rin ang mafia namin sa loob ng bahay. Pinangunahan ito ng asawa ko.
"Sumunod po kayo sa lahat ng sasabihin ko. Buhay ko rin ang nakasalalay dito dahil sa ako ang inatasan na protektahan kayo. Kaya po sana makipag-cooperate kayo hanggang huli."
Tumango ako sa kanya. Si Red lang ang nakikipag-usap sa akin na parang boss niya ako pero mas matapang pa siya. Iyon na talaga ang personality niya.
"Let's go!" biglang sabi ni Red sa akin kaya ako tumayo at sumunod sa kanya.
Mahigpit na bilin kasi sa akin ni Tom na kahit anong mangyari ay hindi ako hihiwalay kay Red.
Hawak ang baril ko ay tumakbo na rin ako papasok sa loob.
"Ayy!!!" sigaw ko no'ng may pumutok na baril at muntik na kaming matamaan.
Mabilis na pinaputukan ni Red ng bala ang kalaban. Nanlaki ang mga mata ko no'ng may lalaking nakatutok ang baril kay Red sa kabilang gilid kaya bago pa niya mapaputok iyon ay inunahan ko na. Hindi ko natamaan ang ulo niya pero natamaan ko naman ang dibdib niya.
Tinamaan ulit siya ni Red sa ulo para masigurado na patay na talaga.
"Salamat," seryosong pasasalamat niya sa akin.
Tumakbo na kami papasok sa bahay nung masigurado na wala na kaming makita na kalaban sa labas.
Ang laki naman ng bahay niya. Paano namin mahahanap ang kwarto ng Peter na 'yon?
Nakikipagbarilan lang kami sa kalaban. Muntik na akong madaplisan sa pisngi pero buti na lang ay tinulak ako ni Red.
Akmang papuputukin ko na ulit ang baril ko nung may lumabas na tao pero pinigilan ako ni Red.
"Kakampi natin siya."
Tumango ako. Sumunod ako sa kanya paakyat sa hagdan. Pumasok kami sa isang kwarto kung nasaan ang asawa ko at nandoon din ang papa ko na hawak-hawak sa leeg ang Peter na iyon.
Nakatutok ang baril niya kay papa at si Tom naman ay nakatutuok ang baril kay Peter. May mga tauhan din siyang nakatutok ang baril sa amin. Lagot na.
"Oh! Nandito din pala ang anak mo. Mukhang may farewell party tayo ngayon ah." Sabay tawa niya.
"Huwag mong idamay ang anak ko rito, Peter! Ako lang naman ang kalaban mo dito 'di ba?!" sigaw ni papa.
"Kasali na rin sila. Pamilya mo rin naman sila kaya kaaway na rin ang turing ko sa kanila!" Tumawa siya ng malakas.
Napasinghap ako no'ng biglang diniin niya ang baril sa leeg ng papa ko.
"Maawa ka. Huwag mo pong sasaktan ang papa ko," pagmamakaawa ko na tinawanan niya lang.
"Matagal na naming sinasaktan ang papa mo, hija. Hindi mo ba alam?" Tumawa siya ulit ng malakas. "Huwag kang mag-alala, isusunod ko rin kayo ng asawa mo na akala mo naman ay magaling pero hindi naman pala. Sumugod kayo sa kampo ko na konti lang ang dalang tauhan. Hahaha! Akala niya eh napakagaling niya. Akala niya ay mas magaling siya sa akin! Itsura lang ang lamang mo sa akin, hoy!"
Tiningnan ko si Tom at nakangisi lang ito. Parang walang bakas ng takot ang mukha niya. Hindi ba siya natatakot na lahat ay nakatutok ang baril sa amin?
Tanging sina Red at Allen lang ang kakampi namin dito.
"That's what you think, old man," sagot ng asawa ko. "I am not dumb as you are. You think you will win this battle? You are wrong."
Kumunot ang noo ni Peter.
"Anong pinagsasabi mo ha?!"
"All these years, you are raising and growing a group of mafia in which you don't know that are capable of destroying you."
"Anong ibig mong sabihin, Jared?!"
Hindi sumagot ang asawa ko at nakangisi lang ito. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang damit niya. Pero hindi niya inalis ang mainit na pagkatitig niya sa lalaki. Hinawakan niya lang ang bewang ko na parang sinasabi niya sa akin na magiging okay lang ang lahat.
"Anong ibig mong sabihin??!!" galit na sigaw ni Peter saka mabilis na tinutok ang baril kay Tom na kinalaki ng mga mata ko. "SUMAGOT KA KUNG HINDI AY PAPATAYIN KITA!!!"
Hindi pa rin sumagot ang asawa ko kaya naman sa galit niya ay ipinutok niya ang baril niya. Labis ang kaba ko pero nagulat ako no'ng biglang tinulak ako ni Tom saka mabilis niyang nailagan ang bala.
Pero ang mas ikinagulat ko ay 'yong kaninang mga baril na nakatutok sa amin ay nakatutok na ngayon kay Peter.
"Anong ginagawa niyo?! Hindi ako ang kalaban! Sila!!" galit na sabi nito pero halata ang kaba sa boses niya.
"Tapos na ang ilang taong sunod-sunuran kami sa 'yo, Peter. Hindi namin nakita ang tiwala at malasakit mo sa amin bilang isang leader. Pinatay mo pa ang mga kasamahan namin ng walang dahilan kaya managot ka!" sabi ng isa sa mga tauhan na nandito saka mabilis na pinaputukan ang lalaking walang kaalam-alam na kalaban pala ang tinuturing niya na mga kasamahan.
"Papa!"
Nanlaki ang mga mata ko no'ng sa isang iglap lang ay nakita kong natamaan ang papa ko dahil umilag si Peter at ginawang panangga ng bala ang papa ko.
Sunod-sunod ang mga narinig kong putukan at nakita ko na lang na hindi na nakawala pa sa bala si Peter. Natamaan siya ng ilang beses. Pero ang pansin ko ay nakatuon lang sa papa ko.
Umiiyak akong lumapit sa papa ko.
Miss Kae @KaeJune 💋

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AksiWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...