Namamasyal ako sa likod sa may garden nitong mansion. Kahit saan dito sa bahay ay pwede akong maglibot dahil may mga security guards naman kahit saan eh.Okay lang kasi kay Tom na maglibot-libot ako basta rito lang sa loob ng bahay namin. Buti na lang talaga at malaki itong bahay ng asawa ko. Kung hindi ay baka na bored na ako dahil wala masaydong gagawin.
Inisip kong magdilig na lang ng halaman dito sa garden.
Ang gaganda ng mga bulaklak dito sa likod. Sino kaya ang nag-aalaga nito bakit ang yayabong nila? Magaling ang kung sino man ang nag-aalaga nito.
"Magandang umaga, madame."
Napalingon ako sa taong bumati sa akin.
"Magandang umaga rin," bati ko pabalik.
"Gusto ko lang pong ipakilala ang sarili ko. Sa dami po kasi ng mga nangyari lately ay hindi ko na na-introduce ang sarili ko po sa inyo. Ako po ang kanang kamay ni boss. Ako po si—"
"Allen. Tama ba?" pagputol ko.
Nagulat siya na alam ko ang pangalan niya.
"Kilala niyo na po ako?"
Tumango ako.
"Oo. Narinig ko nang ilang beses ang pangalan mo saka madalas ko kayong sinusundan dati ni Tom sa probinsya pa lang."
Natawa siya ng mahina.
"Oo nga pala. Naalala ko na sabi ni boss na alam niyo na ang totoo bago pa niya sabihin sa inyo. Bagay nga kayo ni boss. Pareho kayong matalino at hindi maiisahan."
"Sus. Binobola mo na ako agad."
Nginitian niya lang ako saka nagpaalam siya na sumama sa akin na maglibot-libot dito sa mansion at pumayag ako. Naglibot kami mula sa garden sa likod hanggang sa pool area papunta sa front yard. Ang lawak talaga ng bahay na ito. Hindi pa rin ako makapaniwala na pagmamay-ari ito ng asawa ko.
"Nasaan nga pala ang boss mo?" tanong ko habang naglalakad-lakad kami.
"Nasa taas po at may inaasikaso."
Tumango ako.
Nakabalik na pala siya rito sa bahay ng hindi ko man lang napansin. Kanina kasi lumabas siya eh. Baka may importanteng inaasikaso kaya hindi muna siya nagpakita sa akin.
"Ahm, Allen. Pwede ba akong magtanong sa 'yo tungkol sa boss mo?"
Tumango siya. "Oo naman po."
"Ano ba ang mga negosyo niya?"
"Isa pong CEO si boss ng kanyang companya na pinangalanan niyang TJ Incorporated, at siya rin ang nagpapatakbo ng negosyo ng mga magulang niya na Jared Empire. Madami po siyang mina-manage na negosyo na under sa mga corporation na binaggit ko, madame. Ilan lang sa mga negosyo niya ay ang pagawaan ng eroplano, mga electronics at kung ano pa. Saka meron din siyang foundation na tinutulungan, may-ari rin po siya ng mga malls at pati mga commercial buildings. At madami pa po at baka matagalan tayo kapag iisa-isahin ko."
Napanganga ako. Hindi ko inasahan na ang dami pala niyang negosyo. Hindi pala biro ang trabaho niya. Ako nga ay isa lang ang trabaho ko pero nahihirapan na ako minsan. Ano pa kaya si Tom? Ang galing-galing naman niya.
"Paano niya nakayanang patakbuhin ang mga negosyo niya noong nasa probinsya pa kami? Bihira lang siyang umalis sa bahay no'n tapos nakaya niyang e-manage ang lahat ng mga ito??"
Natawa siya dahil siguro sa gulat at pagkahanga na nakita niya sa mukha ko.
"Magaling lang talaga po si boss at maparaan din. Kaya niyang mag-manage ng negosyo kahit nasaan man siya. Minsan, kapag kailangan ang presensya niya, ako ang ipinapadala niya."
Akala ko noon ay isa o dalawang negosyo lang ang pinapatakbo niya. Ang dami pala. Hindi pala biro ang ginagawa niya lalo na at madami siyang negosyo.
Biglang tumaas lalo ang tingin ko sa kanya. Kinaya niya lahat ng mga 'yon para lang samahan ako sa probinsya. Pinatira ko pa siya sa maliit na bahay namin kahit afford naman niya ang bumili ng kahit ilang bahay na gugustuhin niya.
Hindi ko kasi alam noon na nakapag-asawa pala ako ng isang milyonaryo. Siguro iba ang buhay namin noon kung alam ko ang totoong pagkatao niya.
"Ang galing naman ni Tom. Dahil sa sipag niya ay deserve niya ang lahat ng yaman na meron siya," namamanghang sabi ko.
"Mayaman na rin naman kayo, madame. Dahil sa inyo na rin ang kung ano mang meron si boss."
Napailing ako ng mabilis.
"Nako, hindi 'no. Sa kanya lang lahat ng 'yon. Siya naman ang nagpakahirap para umasenso ang negosyo at buhay niya. Nakonsensya tuloy ako dahil mas pinili niyang magtiis na tumira sa probinsya dahil lang sa akin."
"Tama nga si boss," mahinang bulong niya na narinig ko rin naman.
"Ano 'yong sinabi mo?" tanong ko.
"Ah, naalala ko lang po ang sinabi sa akin ni boss dati na ang swerte raw niya na kayo ang pinakasalan niya. Sabi niya kasi sa akin noon na tanggap niyo raw siya kahit wala kayong alam sa totoong estado niya at kung gaano siya kayaman. Ang ibang mga babae kasi ay dumidikit lang sa kanya dahil alam nila na millionaire siya. Kaya ka po niya nagustuhan eh, mas gusto niya raw po ang simple lang na buhay."
Wala naman kasi akong pakialam sa kung may madami man siyang pera o wala, eh. Basta ang mahalaga ay mahal ko siya at may pera kami pangkain sa pang-araw-araw.
Pero napaisip ako. Bakit hindi ko man lang napansin na hindi siya kagaya ko?
Naalala ko na ang gara pala ng kotse niya noong unang beses naming nagkita pagkatapos ko siyang gamutin. Pero isa lang pala iyon sa sampong kotse na meron siya na puro pa branded at mamahalin.
Napadaan kami sa guard house tapos binati kami no'ng guard. Napakunot ang noo ko pagkatingin ko sa kanya.
"Iba na ang nagbabantay? Naka-off ba si Kuya Francis?"
"Tinanggal na po siya ni boss."
Gulat naman akong napatingin sa kanya.
"Tinanggal? Bakit naman?"
"Nagalit kasi si boss no'ng araw na nawala kayo. Nakawala raw kayo dahil sa kapalpakan niya. Hindi niya kayo nabantayan ng maayos. Hinayaan niya kayong makalabas at mapahamak. Ganoon po talaga si boss ka-protective pagdating po sa inyo."
Na-guilty tuloy ako dahil ako ang dahilan kung bakit siya pinaalis. Kakausapin ko si Tom tungkol doon. Nadamay pa tuloy ang iba dahil sa maling desisyon ko. Kawawa naman 'yong tao baka may pamilya rin 'yong pinapakain tapos nawalan siya ng trabaho dahil sa akin."
"Pwede mo ba akong dalhin kung nasaan ngayon si Tom?" tanong ko.
"Madame, kung kakausapin niyo po si boss tungkol sa pinatalsik niyang empleyado, wag niyo na lang pong ituloy."
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Wala pa pong pinaalis si boss na nakabalik dito. Hindi po nagbibigay ng isa pang pagkakataon si boss sa mga empleyado niya na pumalpak, lalo na po pagdating sa kaligtasan ng pamilya niya."
Bumagsak ang mga balikat ko dahil sa narinig.
Baka kasi na pwedeng mapakiusapan ko siya na ibalik ang guard na pinaalis niya. Na-guilty kasi talaga ako. Hindi ko naman sinasadya 'yon eh. Magulo kasi ang utak ko no'n at ang focus ko lang ay ang makatakas mula sa bahay na ito.
"Basta dalhin mo ako sa kanya. Susubukan ko lang naman kung pwede ko pa siyang kumbunsihin na ibalik 'yong lalake na tinanggal niya."
Kahit mukhang hindi pabor si Allen sa hinihingi ko ay tumango naman siya.
"Follow me po, madame."
Tumango ako. Sinundan ko siya papunta sa kung nasaan si Tom.
Miss Kae @KaeJune
![](https://img.wattpad.com/cover/83483052-288-k647554.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Identity
ActionWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...