Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa tawag na 'yon.Ayaw ko nga sanang maniwala na totoo 'yon kasi naman baka pinagtitripan lang ako no'ng taong iyon, pero ipinarinig niya sa akin ang boses ng lola at lolo ko tapos nag-send pa siya ng pictures nila. Totoo iyon dahil ang damit nila sa pictures ay kapareho ng damit nila no'ng pumunta sila rito.
Kaya malamang kinidnap sila pagkaalis nila rito sa bahay. Sana kasi hindi ko na lang sila pinauwi. Nagpumilit sana ako na rito na sila matulog sa bahay.
Sobrang nag-aalala ako kina lola at lolo. Paano kung sinasaktan na nila sila? Hindi ko kayang isipin ang gano'n. Matanda na sila at hindi nila kakayanin.
Sila na lang ang natitirang pamilya na nakasama ko ng matagal mula noon. Sila na lang ang alaala na meron ako sa mga magulang ko.
Kasalanan ko ito.
Kung hindi dahil sa akin ay hindi sana sila nadadamay sa gulong ito. Kaya dapat lang na ako ang namo-problema ngayon at nahihirapan kung paano sila mailigtas.
"Wife," unang bungad ni Tom sa akin pagkagising niya.
Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi, na lagi niyang ginagawa pagkagising.
"Did you even sleep?" kunot-noong tanong niya habang nakatingin sa akin. "Your eyes are dark and puffy. Looks like you stayed up all night."
Napahawak tuloy ako sa mga mata ko. Nginitian ko siya ng pilit.
"H-Hindi kasi ako makatulog," sagot ko.
Hindi naman ako pwedeng magsinungaling na nakatulog ako dahil sobrang obvious sa mga mata ko na hindi.
"Why? Is there anything bothering you?"
Mabilis akong napailing.
"W-Wala," mabilis na sagot ko.
Ayokong mag-isip si Tom ng gano'n. Magaling pa naman siyang makiramdam. Sana hindi niya ako mabisto.
Napakunot ang noo niya. Hindi ko alam kung naniwala siya o hindi. Ang hirap kasi minsan basahin ni Tom. Mabuti na lang at tumango siya tapos ngumiti sa akin.
"Okay, let's go down."
Tumango ako.
Bumangon na kami sa kama saka naghilamos at nag-toothbrush. Nauna ng lumabas si Tom ng kwarto para kunin si baby Tristan.
Napangiti ako dahil inuuna niya talaga ang anak namin.
Atleast kung meron mang may mangyari sa akin, panatag ako dahil alam kong may mag-aalaga sa anak ko. Halos lahat sila rito ay inaalagaan siya at minamahal. Pero 'yon nga lang, wala nang mag-aalaga at magmamahal sa asawa ko kapag wala na ako.
Bumaba na ako at dumiretso sa dining room. Nagsimula na kaming kumain ng sabay sa hapag. Gusto kong magpaalam kay Tom pero hindi ako makakuha ng lakas ng loob para kausapin siya tungkol sa bagay na 'yon.
Hanggang sa natapos na kaming kumain at paalis na siya ay hindi ko pa rin natanong ang gusto ko. Pero wala nang oras. Kailangan ko nang magmadali. Kaya nagmadali akong tumayo at hinabol siya.
"Tom!"
Binaba niya naman agad ang telepono niya. May kausap kasi siya pero binaba niya ito at lumingon siya sa akin.
"Yes, wife?"
Nagmadali akong lumapit sa kanya saka pinasigla ang mukha at boses ko.
"M-Magpapaalam sana ako."
Tuluyan siyang humarap sa akin at nilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.
"Pupunta sana ako sa m-mall. Oo, magsho-shopping ako."
Napataas ng konti ang ulo niya habang nakatingin sa akin ng may pagtataka. Akala ko ay magtatanong pa siya pero iba ang sinagot niya kumpara sa inasahan ko.
"Okay, you can go shopping. But bring the guards with you, so there's people to watch you and Tristan."
"Ako lang ang aalis, Tom. Madami kasi akong bibilhin kaya mahirap kapag isasama ko si Tristan. Hindi naman siya mag-e-enjoy sa pupuntahan ko."
Titig na titig siya sa mga mata ko na parang binabasa niya ang isipan ko.
Lagot. Nagdududa kaya siya sa mga sinabi ko? Nalaman niya kayang nagsisinungaling ako?
Huwag naman sana. Kasi para ito sa kaligtasan ng lolo at lola ko. Ayaw kong magsisi sa huli na hindi ako gumawa ng paraan para iligtas sila. Kaya sana pumayag na si Tom at hindi siya magduda. Nauubusan na ako ng oras.
"Do you want me to accompany you then?" tanong niya.
Umiling ako ng ilang beses.
"Huwag na. Kaya ko naman eh. May trabaho ka pa 'di ba? Saka nandiyan naman ang mga guards."
Tumango siya.
"Alright. Mag-ingat ka."
Nakahinga ako ng maluwag saka ngumiti sa kanya. "Thank you, Tom."
Ngumiti rin siya sa akin. Ang ganda ng ngiti niya.
Makikita ko pa kaya ulit ang ngiti niyang 'yan?
Iisipin ko pa lang na baka hindi ako makabalik dito ng buhay ay parang nabibiyak na ang puso ko sa lungkot, sakit at takot.
Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at madiin ko siyang hinalikan sa labi. Ito ang unang halik na ako ang nag-initiate at tumagal ito ng ilang minuto.
Sinusulit ko na baka kasi hindi ko na ulit ito magawa sa kanya.
"Mag-ingat ka rin, Tom. Mahal na mahal kita kaya umayos ka."
Nakuha ko pang magbiro sa kanya para pagaanin ang bigat na nararamdaman ko. Saka ayoko rin kasing masyadong obvious na nalulungkot ako.
Pero hindi siya natawa man lang sa sinabi ko. May kakaibang pumaskil sa mukha niya na ayaw ko nang alamin pa kung ano.
"Sige na umalis ka na. Male-late ka na," pagtaboy ko kunwari sa kanya.
"Okay. I'll go ahead."
Hinintay ko hanggang sa makaalis siya ng tuluyan bago ako bumalik sa loob ng bahay.
Mamayang hapon ang usapan namin ng lalaki kagabe. Pero maaga akong aalis dito sa bahay dahil magpa-plano pa ako ng pagtakas ko.
Iniisip ko kung paano ako makakatakas sa guards kapag nasa labas na kami. Si Tom kasi hindi niya hahayaan na lumabas ako ng bahay na hindi sila kasama kaya sa labas na lang ako tatakas para mas madali.
Ginugol ko ang mga natitirang oras ko kasama ang anak ko. Nakipag-bonding ako sa kanya buong umaga. Kung nakakapagsalita siguro siya ay baka nagtanong na siya kung bakit mas madalas ko siyang niyayakap at hinahalikan.
Madami akong binilin sa mga katulong para sa anak ko at para kay Tom. Pero sinigurado ko na hindi sila magduda sa paraan ng pagkakasabi ko.
Mafia kasi sila kaya alam kong malakas ang kutob nila at mabibisto ako kapag hindi ko ginalingan ang pag-arte.
Ilang beses din akong nagdasal.
Bahala ka na po, Lord. Kayo na ang bahala sa pamilya ko at sa akin.
Napapahid ako ng luha at niyakap ng mahigpit ang anak ko. Ang laki na niya. Dalawang buwan na lang ay mag-i-isang taon na siya. Sana kasama ko pa siya sa oras na iyon.
Miss Kae @KaeJune 💋

BINABASA MO ANG
The Secret Identity
AksiWould you fall in love with someone even if you don't know his real identity? What if you find out about his true identity when it's already too late? Would you still stay or would you leave? All Rights Reserved. September to November 2016. Revised...