Chapter 54

21.7K 344 3
                                        


Dinalaw namin ngayong araw ang puntod ng parents ni Tom saka sumunod ay ang puntod ng Mama ko na nasa probinsya. Kasama ko sina Tom, Tristan at Papa.

Ilang linggo na rin ang nakalipas no'ng gabing nabaril si Papa. Masaya ako dahil ligtas na siya at ang pamilya ko.

Pero alam ko na hanggat nasa mafia pa rin sila ay hindi kami ligtas ng tuluyan. May nakaabang pa rin na gulo kaya doble ingat pa rin kami.

Si papa na ang namumuno sa mafia na pinagkatiwala sa kanya ng kaibigan niya at ang mafia na iniwan ni Peter. Wala na kasi si Peter. Natuluyan na siya no'ng sumugod kami sa resort niya. Mabuti na lang at hindi malala ang tama ni papa dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Pinangalanan niya ang mafia ng Dantes-Jared mafia. Bakit? Kasi pinagsama na nila ni Tom ang grupo. Tinatawag na itong D&J mafia.

Maayos naman ang pagsasama nila dahil sa maluwag na tinanggap ng bawat myembro ang pagbabago na iyon.

Sina lolo at lola ay mas pinili na bumalik sa dati naming tahanan. Mas gusto raw nila ang simoy ng hangin sa probinsya. Dadalaw nalang daw sila sa amin dito sa syudad paminsan-minsan.

Gabi na no'ng nakabalik kami sa mansion at nakatulog na si baby kaya pinahiga ko na siya sa kwarto niya. Pagkatapos ay bumaba ako para pumunta sa kusina.

Naabutan kong nagkakatuwaan sina Red, Dolce, at Allen sa kusina.

Napansin ko agad kung paano titigan ni Allen si Red. Kung makatingin ito sa tawa ni Red ay parang matutunaw na ito. Alam ko ang mga titigan na ganyan. Hindi ako bulag o manhid 'no.

Napatikhim ako para kunin ang atensyon nila at lumingon naman sila sa akin tapos binati naman nila ako. Nginitian ko muna sila bago dumiretso sa ref para hanapin ang hinahanap ko.

Sa wakas nakita ko rin ang hinahanap ko.

Nilagay ko iyon sa baso tapos lumapit kay Allen na ikinagulat niya.

Nagmadali siyang tumayo at tinanong ako na, "May kailangan po ba kayo?"

Nginitian ko siya.

"Walang mangyayari kong tititigan mo lang." Napakunot naman ang noo niya. "Ito oh. Ibigay mo sa kanya. Paborito niya 'yan." Sabay abot ko ng buko juice na hawak ko.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Alam mo ang ibig kong sabihin," makahulugan na sabi ko saka yumuko palapit sa tenga niya. "Akala ko ba matapang ang members ng mafia? Bakit pagdating sa babae ay natotorpe kayo?"

Napahagikgik ako pagkatapos ko siyang binulungan ng mga salitang iyon. Sinigurado ko na hindi narinig ni Red ang mga sinabi ko.

Umalis na ako saka tinawag si Dolce.

"Bakit, madame?"

"Pwede ka bang sumunod sa akin? May ipapagawa lang sana ako."

"Sige po," sagot niya saka tumayo para sumunod sa akin.

Lumingon naman ako kay Allen at kinindatan siya bago kami tuluyang umalis.

Alam kong alam niya ang ibig kong ipahiwatig. Sana huwag niyang sayangin ang chance na silang dalawa lang.

Pasasalamatan niya rin ako na binigyan ko sila ng moment na dalawa.

Noong sumunod na araw, pauwi ako sa bahay mula sa paaralan na inapplyan ko. Gusto ko kasing bumalik sa pagtuturo. Pumayag naman si Tom at mabuti na lang at natanggap na ako sa wakas!

Masaya akong sinalubong ng asawa ko sa kwarto namin.

"I'm proud of you, wife," bungad sa akin ni Tom saka ako hinalikan sa labi.

Hindi ko pa nga sinasabi sa kanya na natanggap ako ay mukhang alam niya na agad. Sabagay, may mga alipores siya na nasa paligid ko lang.

"I know," sagot ko na may ngisi sa labi. "I deserve a price, do'nt I?"

"Of course! Anything you wish. What do you want as a price, wife?"

Natawa ako no'ng sineryoso niya talaga ang sinabi ko.

"Why are you laughing? Would you like me to buy you a car? Or would you like to go shopping or travel? Anything you--"

"Ang dami mo namang sinasabi. Ito lang naman ang gusto kong premyo," sabi ko saka mabilis siyang hinalikan sa labi at mas lalong lumalim pa iyon dahil mabilis niyang ginantihan iyon at pinalalim pa.

"I love you," sabi niya sa pagitan ng halikan namin at tuluyan na niya akong kinulong sa mga kamay niya saka mabilis akong hiniga sa kama.

Pumatong siya sa ibabaw ko at nagsimula na niya akong angkinin ng puno ng pag-iingat at pagmamahal.

Mahal na mahal ko si Tom at pinadama ko sa kanya iyon sa buong pagtatalik namin. Sobrang saya ko na siya ang asawa ko. Parang ang swerte-swerte ko dahil siya ang binigay sa akin.

Ilang sandali lang ay humiga na siya sa tabi ko. Hinigit niya ako palapit sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at gano'n din ang ginawa niya sa akin. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ulo ko.

"Tom," tawag ko sa kanya.

"Hmm?" sagot niya sabay haplos ng buhok ko gamit ang kamay niya.

"May hihilingin sana ako."

Bigla siyang lumayo sa akin ng kaunti at ngumiti sa akin ng makahulugan.

"You want part two, wife?"

Pinalo ko siya sa dibdib dahil iba na naman ang nasa isipan niya.

"Hindi 'yon, ano ka ba?!" gulat na sabi ko. "Gusto ko sanang paaralin natin si Pardis. Kawawa naman iyong batang 'yon. Gusto kong makapagtapos siya ng pag-aaral para naman makatulong siya at maging proud sa kanya ang mama niya."

"She said she doesn't want to study, did she?"

"Noon 'yon, pero feeling ko nagbago na ang isip niya noong sinabi ko na babalik na ako sa pagtuturo. Nakita ko ang excitement sa mukha niya no'ng kinikwento ko ang experience ko. Feeling ko nga ay gusto niya rin na maging teacher kagaya ko."

Niyakap ako ni Tom saka hinalikan sa noo.

"That's what I like about you, wife. You are so open to others and very sensitive to everyone's needs. You have a good heart," sabi niya. "And yes, tutulungan natin siya. I also don't want her to be like this her whole life. She deserves a different life."

Napangiti ako dahil sa sinagot ng asawa ko. Tama siya. Pardis deserves a different life, away from the mafia.

"She grew up here in this house at napapalibutan siya lagi ng mafia that's why she had a limited exposure to the outside world and in return, it made her dreams limited. So, I believe that she deserves a different environment and meet new people. We will enroll her to a nice school, wife."

Napangiti ako ng malawak.

Sobrang thoughtful ng asawa ko. Ang dali niyang kausap lalo na at marunong siyang umintindi ng mga bagay-bagay.

"Thank you, Tom!! Mawaaah!!!" sabi ko saka hinalikan siya ulit sa labi.

Miss Kae @KaeJune 💋

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon