Chapter 35

20.4K 444 12
                                        


Alagang-alaga ako ni Tom nitong mga nakaraang araw kaya naging mabilis ang paggaling ng mga sugat at pasa ko. Hindi na masyadong halata ang mga ito saka hindi na rin masakit ang katawan ko.

Sobrang swerte ko talaga sa asawa ko. Iyan ang na realize ko nitong nakaraang mga araw.

Tama nga siya. Hindi siya nagbago. Siya pa rin ang Tom na nakilala ko noon na maalaga at mahal ako.

Siya pa rin 'yong Tom na minahal ko dahil sa pagiging sweet niya at maasikaso.

Mabuti na lang at hindi ako tuluyang sumuko. Muntik na.

Mahal ko siya at kailangan kong tanggapin ang mundo niya at kung sino talaga siya. Hindi man ito ang ginusto ko para sa amin pero ito na ang buhay niya kaya tatanggapin ko ito sa abot ng aking makakaya. Sabi nga nila, kapag mahal mo ang tao, you'll accept him or her whoever they are. At iyon ang ginagawa ko.

Siguro dapat ko nang sanayin ang sarili ko sa buhay na meron kami ngayon.

Kasi alam ko na simula noong araw na nalaman ko kung sino talaga siya, iyon din ang araw na nagbago na ang lahat. Hindi na tulad ng dati ang buhay namin na simple lang.

Ngayon, nakatira na kami sa isang mansion kasama ang maraming mga tauhan niya at maids.

Nakakapanibago pero susubukan ko.

Willing na akong mag-adjust para sa kanya. Ginawa niya na lahat para sa akin kaya ako naman ang gagawa ng kahit na ano para rin sa kanya.

"Wife, what are you thinking?"

Natauhan ako no'ng nagsalita siya bigla.

Hindi ko napansin na nandito na pala siya sa tabi ko. Humalik siya sa labi ko ng mabilis lang.

Ang sweet niya talaga sa akin. Hindi ko inaasahan na maging ganoon kadali sa kanya ang pagpapatawad sa akin.

Nakangiti akong humarap sa kanya. Gusto ko sanang sagutin ang tanong niya ng katotohanan pero dahil good mood ako ngayon ay iba ang sinagot ko.

"Iniisip ko lang na hanggang kiss lang tayo lagi nitong nakaraan. Magaling na ako, Tom. Wala nang masakit sa katawan ko kung iyan ang pinag-aalala mo."

Ang cute! Biglang namula ang tenga at pisngi ng asawa ko!

Gusto ko siyang asarin lalo.

"Tom, bakit ka namumula?" kunwaring seryosong tanong ko.

"Wife."

Parang may himig na pagbabanta sa tono ng boses niya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Ang cute niya asarin.

"Tinatanong mo ako tapos sinabi ko sa 'yo kung ano ang iniisip ko pero parang ayaw mo naman maniwala." Napa-pout ako at may halong nagtatampo.

Napailing siya.

"You are a temptress, don't you know that? What comes out of your mouth surprises me sometimes," sabi niya saka tumayo at nagpunta sa closet.

Siguro magbibihis siya.

Tumayo ako at sinundan siya doon. Naabutan ko siyang naka-pants lang at topless. Kumukuha siya ng damit sa cabinet niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod niya kaya medyo nagulat pa siya.

"Wife. . . ." he groaned.

"What?" kunwaring nagtataka kong tanong sa kanya. "Mali ba na niyayakap ko ang sarili kong asawa?"

"Y-You just recovered. As much as I want you so badly, I am afraid that I might hurt you. I don't want to hurt you more than what you are already feeling."

Umiling ako sa kanya.

"Hindi ba sabi ko ay magaling na ako? Kaya ko na ngang tumalon oh." Sabay talon ko. "Nakapag-exercise pa nga ako kanina doon sa gym mo."

Namula na naman ulit ang tenga niya. Doon talaga siya unang namumula imbis na sa pisngi.

"You worked hard again. I told you not to get yourself too exhausted," kunot na noong sabi niya.

Tsk. Pinagsabihan pa ako.

"Tom, naman eh. Iyan pa rin ang iniisip mo? Hindi naman ako pagod eh. Actually, malakas na nga ako. Madami na akong pwedeng gawin." Sabay halukipkip ko.

"I am just considering the fact that you just recovered. It's only been weeks."

Napakunot ang noo ko saka humiwalay ng yakap sa kanya.

"Ewan ko sa 'yo. Bahala ka nga riyan."

Umalis ako ng closet matapos kong sabihin iyon sa kanya. Iniwan ko siya doon. Lumabas ako ng kwarto namin at saka dumiretso sa kitchen para tulungan sina manang magluto.

Pinayagan na kasi ako ni Tom na tumulong dito sa bahay kasi alam niya naman na hindi ako sanay na walang ginagawa at gusto kong pinagsisilbihan pa rin siya kahit marami na siyang maids na gagawa noon.

"Wife."

Biglang sumulpot si Tom sa kusina saka niya ako niyakap.

"Ano ba, Tom. Alam mong nagluluto pa ako oh." Sabay alis ko mula sa pagkakayakap niya.

Naghahalo ako ng niluluto ko habang lumalayo sa kanya.

"Are you upset?"

"Hindi," tipid na sagot ko sabay kunwari inaabala ang sarili ko sa ginagawa.

"Wife." Lumapit siya ulit sa akin. "Are you upset?" tanong niya.

"Hindi nga. Nagluluto kaya ako. Kanina na nilalambing kita pero ayaw mo naman tapos ngayon palambing-lambing ka sa akin."

"Should I regret that I turned you down?"

Dapat lang. Ang gusto ko sanang sabihin sa kanya pero hindi pwedeng ipahalata ko ng sobra sa kanya ang tanpo ko.

"Ewan, depende sa 'yo. Pero expire na ang offer ko kanina. Hanggang kanina lang po iyon. Busy na ako. Nagluluto ako para makakain na tayo ng dinner."

Agad akong pinakawalan ng yakap ni Tom saka narinig ang pag-ingos pa nito.

"Okay, if that's your choice," sagot niya saka umalis na ng kitchen. Umalis siya na hindi maipinta ang mukha niya.

Napansin ko ang pagpipigil ng tawa nina manang at Pardis kaya napatingin ako sa kanila. Wala akong nagawa kung hindi ang matawa na rin dahil ang sarap talaga asarin ng asawa ko.

Kung hindi niya lang ako kilala o mahal, malamang ay lagot na ako dahil sa pagsagot ko sa kanya.

Si Tom kasi eh. Ako na nga itong naglalambing sa kanya pero siya pa itong nag-iinarte. Hindi ba niya alam na sabik na sabik din ako sa kanya?

Hindi ko pa naman madalas gawin iyon. Ngayon lang dahil gusto kong bumawi sa kanya. Pero hindi niya man lang ako pinagbigya.

Kaya bahala na siya riyan magtampo

Miss Kae @KaeJune

The Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon